#Wanted face
HG wag kang magagalit ha? Sino ba yung si Aiya na sinasabi nina Margaux at Miles? [OHH MY??? ano ba naman itong pinag-sasabi ko? Baka isipin niyang uzzi ako...Bakit ba kasi interested akong malaman ang tungkol sa kanila ehh!]
Hindi madaling maghintay, hindi rin biro mag-mahal minsan kala mo siya na, minsan akala mo okay na! Pero mamamalayan mo nalang na dumaan lang pala siya para paibigin ka. She’s my first girlfriend but she left me kasi nag-migrate family nila sa Canada.
---ORCIEL
So, Ex-girlfriend mo siya? Siya ba ang dahilan ng pagiging bitter mo sa mga girls? The worst feeling in the world is when you can’t love anyone else because your heart still belongs to the one who broke it.
Kahit pala gaano mo kamahal ang isang tao darating din yung time na maiisip at masasabi mo sa sarili mo “it’s time to give up” hindi dahil sa walang feeling kundi dahil sa pagod ka nang umasa sa taong hindi ka kayang pahalagahan. Pero past is past and I moved on.
---ORCIEL
Ang X-bansag sa mga past lovers natin. But don’t you know na sa math, X stands for unknown? Talaga bang kinalimutan mo na siya? O talagang hindi na kinikilala kahit mahal mo pa?
Someday you’ll realize that you’re only in love with the memories and not with the person anymore. Naranasan ko nang mawalan ng taong pinakamamahal ko, masakit man, kinaya ko pero ayos lang kahit nawala ang taong pinakamamahal ko nuon wag lang yung taong nagsisilbing buhay ko ngayon.
---ORCIEL
Good for you! [tumitig ako sa mata niya at ano ba naman toh bakit parang curious yata ako?] Who’s the lucky girl?
Secret… Minsan kasi hindi mo raw agad malalamang mahal mo na ang isang tao, madalas kasi bulag ka sa totoo at akala mo iba ang gusto mo. Pero sa huli, mararamdaman mong mahal mo na pala siya. Kapag nalaman mong… nasa iba na ang atensyon niya!
---ORCIEL
Ang gulo mo naman! [ang gulo talagang kausap nito ang daming sinabi!!!] Pwede namang pangalan nalang ehh.
Alam mo na uso na kasi ngayon sa mga tao ang manhid-manhidan ehh! di ba?
---ORCIEL
Oo nga nuh? Pansin ko nga rin ehh!!! [ang dami ko talagang napansin na mga pangyayaring ganyan. Pati nga sa bahay naming may manhid-manhidan na nagaganap ehh]
Minsan tinatanong ko sa sarili ko, bakit nakilala kita? Bakit nakasundo kita? Bakit naging kaibigan kita ngayon alam ko na ang sagot.
---ORCIEL
Bakit nga ba? [Nag-isip din ako kung bakit nga ba talaga] hmmmm????
Simple lang pala! Kasi mabait ako. Hahahaha
---ORCIEL
Mabait? Kailan pa? GRABEH HUH! Hiyang-hiya na ako sa kabaitan mo. Kung sa harap ng mga kaibigan mo halos isumpa mo na nga ako, bumabait ka lang naman sa akin kapag walang tao yung tipong tayo-tayo lang, katulad ngayon ohh hindi mo ako inaaway kasi tayong dalawa lang. Minsan tuloy napapaisip ako kung bakit ang weird mo.
Mabait naman talaga ako sayo ahh? Monique nasubukan mo na bang magmahal?
---ORCIEL
Oo, nagawa at nasubukan ko na. [mahal ko kaya ang family at friends ko]
Ang magpaka-stupid sa pag-ibig?
---ORCIEL
Oo… nasubukan ko na. [ I’ve been stupid kasi dahil sa pagmamahal ko sa pamilya ko kahit di na ako Masaya ginagawa ko ang mga bagay na nagpapasaya sa kanila]
Ang umiyak? (seryoso niyang tanong kay Monique)
---ORCIEL
Oo… ilang beses nah! [ ilang beses na kaya akong umiyak ng dahil sa mga bagay-bagay kasi sa totoo lang talagang iyakin naman ako ehh]
Ang sumuko?
---ORCIEL
Sumuko? Hindi pa… bakit naman ako susuko? Mukha ba akong wanted?
Kahit kailan nice talking ka talaga. (sabay kamot sa ulo niya). Monique turuan mo naman ako sa Math ohh, hindi ko kasi maintindihan ehh!
---ORCIEL
Okay, madali lang naman ang lesson natin ahh? Ganito kasi yan… [Simula nun after math class parati nang nagpapaturo si Mr. HG sa akin, math tutorial ang bonding naming dalawa. at super bait na niya sa akin ngayon…alam mo yong ibang-iba na siya dun sa Mr. HG na kilala ko na parati nalang akong pinapagalitan at sinusungitan, Kung nuon ang sungit-sungit niya pero ngayon he show me his sweet side. We talk and laugh together na walang bad words just happy thoughts and all I can say is, I do love his company. Iwan ko ba pero habang tumatagal mas lalong gumagwapo si Mr. HG sa aking paningin or talagang gumagwapo lang talaga siya]
BINABASA MO ANG
Innocent troublemaker (The Record Breaker)
Teen FictionAno bang buhay na naghihintay sa akin kapag papasok na ako sa isang kakaibang Academy? Ano bang meron sa High School? Paano ko ba pakikisamahan ang ibang tao? Kung buong buhay ko... I'm certified home schooler! Bakit ganun? May mga boy's nah nalilin...