Si Akira Jace Louise Stanelock. Prinsesa ng Arvallone World na itinago ng mahal na hari at mahal na reyna. Dahil sa kakaiba niyang lakas. Siya kaya ang magliligtas ng Arvallone world or may tutulong sa kanya...... Abangan....
Just follow my stories...
''Bwisit na alarm clock! Bakit kase ang ingay ingay ng alarm clock nayan?!''
Bumangon na ako at pumunta sa banyo. Naligo ako at, nagbihis ng white crop top na may tatak na "SUPREME", black na ripped jeans at puting sneakers shoes, at nagsuot ng yellow contact lens. Nagtataka siguro kayo kung bakit ako nag- suot ng contact lens? Dahil.... malalaman niyo mamaya.
Ngayon kami pupunta sa Golden Royal Arvallone Academy, upang alamin ang.... secret. Syempre, bakit ko naman sasabihin sa inyo, eh di malalaman niyo na ang kwento. Hahaha joke! Pero abangan niyo nalang.
Well, nagsuot ako ng contact lens dahil tinatago ko ang pagiging prinsesa ko, dahil baka malaman ng iba na ako ang nawawalang prinsesa. Tinatago ako ng mga magulang ko dito sa bayan ng Grinells.
Dito sa bayan ng Grinells, naninirahan ang Davis Clan, ang pinakamalakas na clan sa buong Arvallone, iba-iba ang mga kapangyarihan nila dito, kaya dito ako dinala upang hindi nila malaman.
Sigh....
Pagbaba ko sa hagdan, dumiretso ako sa kusina upang mag-almusal. Pagkarating ko doon, nadatnan ko si Ash, naghahanda ng almusal. Lumapit ako upang tignan ang niluluto niya. Heavy Breakfast na naman!
Tinignan niya ako at bumati ng....
"Hi Princess good morning, umupo ka na dun at maghintay sa mga kasama nating kumain.
"Good morning din Kuya!" bati ko sa kanya at binigyan siya ng halik sa pisnge.
"Huwag mo akong tinatawag na Kuya hindi ako matanda, atsaka pareho tayong naipanganak sa iisang araw." Pagmamaktol niya. Haha
Pero hindi kami mga kambal . Yes madami sila mga 50+ sila pero hinahanap ko pa ang mga iba. May marka naman sila para malaman kong sila ang mga guardians ko. Iilaw ang mga kamay nila palatandaan na sila ang mga guardians ko. Lahat sila ay mga lalake. Lima pa lang ang nahahanap ko. Silang lima naman ang pinakamalakas.
SIGH...
"Hoy!Princess kanina ka pa diyan nakatulala, hindi mo yata ako pinakikingan!" sabi niya na mukhang naiinis.
"Ha! May sinasabi ka kuya?" tanong ko . Ang tagal ko naman atang nagsasalita sa isipan. Haist....
"Ang sabi ko! umupo ka na doon at hintayin sila pero ngayon tayo na lang ata ang hinihintay!" sabi niya.
Pumunta na kami sa Dining Room....
Nadatnan ko sina Archer at Andrei magkatabi sa left side.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.