A/N: Sana magustuhan niyo itong One Shot Story na gawa ko, Ito ang pinaka unang istoryang natapos ko kahit my iba akong na unang na publish kaya ayon sana magustuhan niyo.
** ** **
Mahirap mag mahal,Mahirap mag mahal lalo na kung kaibigan.
Mahirap mag mahal ng taong tingin lang sayo ay kaibigan at hindi pwedeng lumagpas sa ka-IBIGAN.
Kilala na ang bawat isa.
Pero HINDI na pwedeng lagpasan pa.
Alam ang gusto sa ayaw.
Pero BAWAL mong magustuhan.
Isang tinginan lang alam na ang ibig sabihin.
Pero HINDI PWEDENG magkaroon ng pagtingin.
Lahat may Limitasyon pero sa aking Imahinasyon, Ikaw ang prinsesa sa kaharian ko."Rhyzoooon!! Waaaah!" Katulad ng nakagawian at nakasanayan ko. Tinapunan ko nalang ng tingin ang mga babaeng maiingay na 'yon at nagpatuloy sa pagla-lakad. Badtrip! Nag da-daydream ako ea -.-
"Hoy!" *Pak* Matatanggal ata ang tutuli ko sa lakas ng pagbatok nito sa ulo ko.
"Ano ba!" Hinimas himas ko pa din ang ulo kong hinampas nito..
"Ang Aga-aga, nagta-taray kana naman! Daig mo pa babaeng my dalaw. Haynaku! Tingnan mo naka busangot na naman mga babae mo!" Umakbay ito sa akin na akala mo'y isa akong poste. -.-
Hindi na ako nag aksaya pa ng oras para balikan pa ng tingin o tapunan pa ang mga tinutukoy nito -.- Tss. Babae mo ea nuh.
"Babae mo'to" Binigyan ko 'to ng nakakalokong expression na paniguradong ikakapikon niya.
"Heh! Pangit!""Ashk" Pigil ko sa sigaw, sa sakit ng pagsuntok nito sa tiyan ko dahil nasa harap kami ng Principal's Office. Lokong 'to!!
"Buti nga sayo, Che!" Inirapan pa ako nito at nauna ng umalis. Pikunin talaga nag make face lang naman ako, Pfft.Nang maging okay na ang pakiramdam ko.
Hinanap ko na siya dahil baka ma late na kami sa next subject.
Habang naglalakad ako ay napahinto ako sa paghahanap sa istranded dahil sa madaming taong nagkukumpulan sa daraanan ko sana..
"Ketch, please! Give me a one more chance. I promise that, i don't do it again. I didn't mean it. Please give me a one more chance. iLoveyou ketch." Lumuhod na ito sa harapan ni Ketch at kahit medyo madaming tao nakikita ko ang bawat pag patak ng luha nito na alam kong ang dulot ay saya.
Akala ko okay na ako sa sakit ng tiyan ko na dulot mo, Umakyat ata papuntang puso ko.Sana hindi nalang kita hinanap,
Sana hindi ko 'to nakita,
Sana di ako masasaktang muli.
Parang pinupunit ang puso ko sa mga naririnig at nakikita ng mata ko.
Then they kiss, sa harap ng madaming istudyante at sa harap ng mga mata kong dahan dahang may tumutulong mainit na likido..
Huminto sa pag tibok ang puso ko.
Nandito pa ba? Kinapa ko pa 'to.
Tumigil sa pagtibok pero ikaw pa din ang sinisigaw. Ang tanga ko! Ang tanga tanga ko ng mahalin ko ang kaibigan ko.
Kahit pinapako ako sa kinatatayuan ko, pinilit ko pa din makahakbang palayo sa eksenang dinudurog ang puso ko! Sana magawa ko din mapilit, HINDI! Matigil ang nararamdaman ko para sayo.
Alam ko sa bawat silid na nadaraanan ko my mga babaeng tumatawag sa pangalan ko, pero hindi na ito mahalaga. NASASAKTAN AKO!"DONT FORGET TO VOTE GUYS, LOVE YOU ALL" :)
- Evoxx.FB Account: Evox Dècés.
Link: https://www.facebook.com/Evoxx.Wp022
BINABASA MO ANG
Secretly, I'm In Love. Bestfriend.
Teen FictionMahirap mag mahal lalo na kung kaibigan. Mahirap mag mahal ng taong tingin lang sayo ay kaibigan at hindi pwedeng lumagpas sa ka-IBIGAN. Ps: Sana magustuhan niyo itong One Shot Story na gawa ko, Ito ang pinaka unang istoryang natapos ko kahit my iba...