Naglalakad ako sa lugar na hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko, Isang malakas na hangin at nakakagaan sa pakiramdam, nandito ako sa rooftop ng campus..
Buti pa dito payapa sana pati 'tong nararamdaman ko maging payapa na din, pero paano? Almost grade four at hanggang ngayon nanatili 'tong nararamdaman ko para sayo, pagod na akong mag-intay na mapansin mo itong lihim na pagtingin ko para sayo.
Nagsimula ang lahat sa pagkakaibigan.
Dahil sa matagal na ding pinagsamahan.
Pagtingin na 'kaibigan' ay nahigitan.
Pero hindi ko pwede ipagsigawan.
Lalong lumalalim, Lihim na pagtingin.
Pag-ibig kong hindi mo pansin.
Dahil sa iba nakatingin.
Sadya lang talagang ligaw tingin.
Sa kaibigan kong di pwedeng mahalin.
Matatago ko pa ba 'to? Hanggang saan?Hindi mo kasi pwedeng malaman.
Dahil sa madami ding kadahilanan,
My iba kang naiibigan at ika'y naiibigan.
Baka kasi sa oras ba 'yong malaman.
Baka ako'y iyong pagtawanan.
Baka ako'y iyong talikuran.
Baka ako'y iyong iwasan.
Nauunahan ng kaduwagan!
Baka ako'y iyong layuan,
At ang pagkakaibigan ay matuldukan.
Mahirap umamin lalo na't walang pinaghahawakan.
Kailangan ng wakasan itong nararamdaman,
Kasama ang sarili, sa huling pagkakataon mahal kong kaibigan,
Hanggang sa huling hantungan, ikaw parin dito sa puso ko aking ka-IBIGAN.
Pakiramdam ko'y dahan-dahan akong bumabaksak, at malakas na impact na naging dahilan para magkumpulan ang mga estudyante sa palibot ko at ayon na ang huli, wala na akong marinig, pagod na ako at kusa nalang bumaksak ang mata ko upang pumikit.
"DONT FORGET TO VOTE GUYS, LOVE YOU ALL" :)
- Evoxx.
FB Account: Evox Dècés.
Link: https://www.facebook.com/Evoxx.Wp022
BINABASA MO ANG
Secretly, I'm In Love. Bestfriend.
Roman pour AdolescentsMahirap mag mahal lalo na kung kaibigan. Mahirap mag mahal ng taong tingin lang sayo ay kaibigan at hindi pwedeng lumagpas sa ka-IBIGAN. Ps: Sana magustuhan niyo itong One Shot Story na gawa ko, Ito ang pinaka unang istoryang natapos ko kahit my iba...