Mahirap maging gaya NIYA
Kaya hanga ako sa aking INA
Sa ginagawa niyang sakripisyo
Para sa ikabubuti ko
[name] ang kanyang ngalan
Nakatira sa [address] sa munti naming tahanan
Munting tahanan ngunit masaya
Masaya kahit munting pamilya
Para sakin siya'y hindi kagandahan
Hindi rin siya kaseksihan
Ngunit siya'y matatag masikap na INA
Hindi iniinda sakit na nadarama
Ang aming pamilya masaya sobra
Pero may kulang parin, kulang sa puso niya
Simula ng kami'y iwan ng HALIGI NG TAHANAN
Hindi ko na nakita pang muli ang matamis niyang ngiti bagkus ay kahirapan
Matindi ang pagsubok ng tadhana sa buhay
Ngunit hindi alintana bagkus siya'y sumasabay
Sapagkat kanyang pinaniniwalaan
Na sa dulo ng paghihirap tagumpay ay malalasap
Naniniwala siyang huwag indahin ang sakit
Sapagkat uulit lamang ito ng uulit
Ngunit sa kabila ng lahat ng ito
Mayroon din siyang kinatatakutan
Unang una sa lahat siya sa AHAS
Takot siya sa buwaya at iba pa
Ngunit mas kinatatakutan niya
Ang mawala kami sa buhay niya
Iniidolo ko ang aking NANAY
Siya ang aking kaagapay
Nais kong maging tulad niya
Kinakaya lahat ng problema
Nangangarap siyang mabigyan kami ng magandang kinabukasan
Di gaya ng paghihirap na kanyang nararanasan
Siya ay [apelyido] ng puso ko
Magiting na INA ng buhay ko
---------------
---------------

YOU ARE READING
Love and Friendship
PoetryThis is some sort of random things. Mababasa mo dito ang mga tagos sa pusong linya at tula. Some of them is part of imagination. Yet Im not really sure if its beautiful. So please bare with me. This is my first book so please dont expect too much bu...