Hay... Alam monandito lang ako
Nandito, nakatingin sayo sa malayo
Nagbabakasakaling mapansin mo
Mapansin mong nandito lang ako
Aaminin ko, nung una inis ako sayo
Inis ako kasi pakiramdam ko ang perpekto
Ang perpekto at ansaya ng buhay mo
Pero mali pala ako
Isang araw, bigla ko na lang nakita ang sarili kong nilalapitan ka
Isang araw, nakita kong nag-aalala
Nag-alala sa pwedeng mangyari
Sa mga desisyon mong pwedwng tama pwedeng mali
Kaya tuluyan na akong pumasok sa buhay mo
Yung akala ko maayos, yun pala magulo
Yung akala ko masaya yun pala malungkot
Dati, gusto kong maging katulad mo
Kasi para sakin ang swerte swerte mo
Buo ang pamilya mo't marami kang kaibigan
Pero may isa pa pala akong hindi alam
Hindi ko alam na tao ka nga pala
Hindi ko alam na tao kang nasasaktan
Hindi ko nga ba alam o baka nakalimutan ko lang
Nakalimutang taong nakakaramdam
Pano ko malalaman eh nung una hindi naman halata
Hindi halatang may dinaramdam ka
Magaling ka kasing magatago ng nararamdaman
Pero ako malamang hindi mo mapagtataguan
Hindi man halata sa itsura mo
Pero kita ko sa mga mata mo
Nahihirapan ka't nasasaktan
Pero hindi mo na dinaramdam
Hindi mo lang pinapakita
Kasi ayaw mong may mag-alala
Hindi naman maiiwasan yun diba
Mahal ka nila't kaibigan ka
Nung' mas napalapit ako sayo
Naintindihan ko na ang sitwasyon
Pero hindi ko mainyindihan bakit kailangan kong masaktan?mahirapan?
Mabuti kang tao't perpektong kaibigan
Ay... Oo nga pala walang perpekto sa mundo
Lahat nagkakamali't nagsasakripisyo
Pero bakit kailangang ikaw lang
Ikaw lang ang makaranas ng saki't magdamdam
Pero ng malaman ko ang mga katatagan mo sa buhay
Parang gusto ko na lang gawin ang mundo mong mas makulay
Gagawa ng mga bagay na hindi mo makakalimutan
Na kapag ang bagay na yun ay yung nakita, ako ang una mong maalala
Sa ngayon gusto ka na lang munang manatili sa tabi mo
Gusto kong sulitin bawat araw kasama mo
Malungkot man yan o masaya
Gusto kong sulitin na
Para kapag dumating na ang panahon
Yung' kakayanin ko ng umahon
Umahon ng wala ako
Umahon hanggat kayo mo
Gustuhin ko mang manatili sa tabi mo
Hindi ko naman kayang patigilin ang oras sa pagtakbo
Gustuhin ko mang tumigil ang oras
Araw, Buwan o Taong lilipas
Madali lang namang humiling
Mahirap nga lang gawin
Yung' hanggang sana ka na lang
Yung' sana ganto, sana ganyan
-----------------
-----------------

YOU ARE READING
Love and Friendship
PoetryThis is some sort of random things. Mababasa mo dito ang mga tagos sa pusong linya at tula. Some of them is part of imagination. Yet Im not really sure if its beautiful. So please bare with me. This is my first book so please dont expect too much bu...