[*Bahala Na*]

6 0 0
                                        


Nandito ka na naman



Sa isip ko't palutang lutang



Nakasanayan na yata ng isip ko na lagi kang
nandito



Di ka na din tuloy maalis kahit sa puso ko



Bat ba kasi iniisip na naman kita?



Tapos ano masasaktan lang ako kasi may iniisip ka ring iba



Pero ito kasing isip ko e



Ayaw tumigil sa kakaisip sayo




Ayan tuloy pati puso ko nadadamay sa kabaliwan ko




Ano ba kasing meron sayo?



At di ka maalis sa isip ko?



Di ka naman kagwapuhan



Di rin katalinuhan



Pero siguro yun ang dahilan kung bakit kita nagustuhan



Oo tama nagustuhan



Gusto na kita




Sa tinagal tagal mong tumambay sa isip ko



Ngayon ko lang narealize na gusto na pala kita



Na sa tuwing iniisip kita



Bumibilis ang tibok nito o!




Oo nitong puso ko



Na yung akala ko crush ko lang



Mahal ko na pala



Oo ngayon mahal na kita



Sa tinagal tagal mong tumambay sa isip ko



Hindi na ako magtataka na nakarating ka sa puso ko




Sus ikaw pa





Ikaw pang dakilang paasa





Hahaha oo ikaw nga





Diba totoo naman




Paasa ko oo alam ko naman actually matagal na





Alam kong masasaktan lang ako kung iisipin, gugustuhin o mahahalin man kita





Pero ikaw kasi



Lagi kang nakangiti




Ayan tuloy nafall ako di mo naman sinalo




Isa pa tong puso ko eh




Alam na ngang masasaktan sumugal pa




Tapos ano sa huli iiyak iyak ka




Kasi ano umasa ka



Umasa kang mamahalin ka rin niya



Tsk tsk tsk. Ayan ang problema sa puso ko e



Basta basta na nagmamahal



Alam na ngang masasaktan basta na lang susugal



E ano pa bang magagawa ko




Mahal na kita



Hindi ko na mababago pa




Kasi naramdaman ko na e



Mahirap ng ibalik pa sa dati




Hindi naman pwedeng basta ko na lang tanggalin tong lintik na pagmamahal na to



Kasi alam ko masasaktan lang rin ako



Hay. Ewan bahala na



Bahala na kung anong mangyari



Sa puso ko kung mananalo o magiging sawi




Kung mananalo man din magaling



Kung masasawi di tanggapin




Wala ka na rin namang ibang magagawa e





Kahit magtutumbling ka pa diyan




Kung hindi ka mahal wala ring saysay





Basta mahal kita ngayon




Mahalaga na yun









Bahala na kung anong kalabasan




Ng desisyon ng puso kong padalos-dalos paminsan minsan











Love and FriendshipWhere stories live. Discover now