Minsan naisip ko pano kaya ako kung wala ka
Pano kaya ako kung hindi kita kasama
Pano kaya ako kung hindi kita nakilala
Siguro ang miserable ko na ngayon
Siguro halos di na ako nakakain at nakakatulog ngayon
Siguro ibang iba ako sa ngayon
Palagi kong tinatanong noon
Ano bang papel mo sa buhay ko
Ano bang karapatan mong baguhin ang nakasanayan ko
Dati halos hindi ka na lumayo sakin
Halos lagi kang nakasunod sakin
Nagmumukha ka na ngang aso pero wala kang pakialam
Kasi sabi ko gusto mo akong maging kaibigan
Hindi ako pumayag pero kinukulit mo ako lagi
Kaya napilitan akong kaibiganin ka
Lagi kang nakasunod san man ako magpunta
Lagi na lang kaya nakakairita
Lagi mo rin pinapakialaman ang mga desisyon ko
Kahit wala ka namang kinalaman sa buhay ko
Kahit hindi ka naman maaapektuhan nito
Kapag pinapagalitan kita nakakainis kasi ngumingiti ka pa
Na parang balewala lang sayo ang sinabi ko
Lagi kitang nasisigawan dahil sa kakulitan mo pero sayo larang wala lang
Paulit ulit lang ang nangyayari bawat araw na magkasama tayo
Sinisigawan kita pinapagalitan tapos ngingiti ka lang
Hanggang sa hindi ko namamalayan na unti unti ka na palang napapalapit sakin
Unti unti na tayong nagiging magkaibigan
Narealize ko na kang bigla na hindi na kita nasisigawan
Hindi na kita pinapagalitan
Bagkus lagi na tayong magkasama
Nagtatawanan, Nagkukulitan, Nag-aasaran
Hindi na rin tayo halos mapaghiwalay
Minsan nga iniisip pa nila na may relasyon tayong dalawa
Hindi naman natin yun pinapansin at tuloy pa rin
Wala tayong pakialam sa kanila at sa iisipin nila
Kasi para satin pagkakaibigan lang ang mahalaga
Na kahit walang lebel at walang tayo
Ang mahalaga lang ay alam natin kung anong meron sa ting dalawa
Inaamin ko na napalapit na nga ako ng tuluyan sayo
Pati isip at ang puso ko
Bigla na lang isang gabi hindi ka na mawala sa isip ko
Lagi nitong tinatanong kong ayos ka lang ba
Kung nakakain ka na ba
Kung nakakatulog ka ba ng ayos
Kaya naman minsan tinanong ko rin ang sarili ko
Tinanong ko kung ano na ba tong nararamdaman ko
At nalaman kong oo
Mahal na kita...
YOU ARE READING
Love and Friendship
PoesieThis is some sort of random things. Mababasa mo dito ang mga tagos sa pusong linya at tula. Some of them is part of imagination. Yet Im not really sure if its beautiful. So please bare with me. This is my first book so please dont expect too much bu...
