Chapter 2

4 0 0
                                    

bago mag uwian sinabihan ako ng isa kong classmate na

pinapatawag daw ako ni mam lopez yung adviser namin at si sir. garcia na principal naman namin.

pagdating ko sa principals office nakita ko ang classmate kong si Micaela. pati narin sina mam. lopez at si sir. garcia

umupo ka sa diyan sa may upuan anton.

magka harap kami ni micaela sa may harap ng table ni sir. garcia at nakatayo naman sa likuran ko si mam. lopez.

congratulations! bati sa amin ni sir. garcia

isa sa inyo ang magiging class valedictorian at ang isa naman ay ang salutatorian.

sobra sobra ang kabog ng dibdib ko nung mga oras na yun.

hanggang sa sinabi na nga ni sir.garcia na si micaela ang valedictorian at ako naman ay ang salutatorian .

masaya na rin ako kahit hindi ako naging number 1  malaking  achievement narin ang maging salutatorian.

excited na akong umuwi sa bahay para ibalita kina mama't papa na naging class salutatorian ang kanilang anak.

pag dating ko sa bahay eksakto namang nandyan sila .

agad ko silang pinuntahan upang sabihin ang magandang balita

mukhang masayang masaya ka yata bati sa akin ni yaya lagring

naroon sina mama't papa mo

agad ko silang nilapitan .

ma , pa may sasabihin po ako sa inyo a a a ako pppooo yuuunngg cclass salutatorian.

habang nanginginig pa ang  boses ko.

pero kabaligtaran ng reaction ko ang naging reaction nila

salutatorian lang? bat hindi pa valedictorian.!

sabi ni mama habang umiiling iling pa.

pero ginawa ko naman po ang lahat para maging valedictorian pero hanggang dito lang po talaga ang kaya ko.

ang sabihin mo tamad ka ! inuuna mo pa ang mga walang kwentang bagay kesa sa pag aaral.

bat hindi mo tularan ang kuya mo simula ng nag aral eh siya palagi ang number 1 sa klase.

bigla na lang nanlamig ang buong katawan ko feeling ko kakainin nako ng lupa.

bago pa man tumulo ang mga luha ko agad na akong umalis at pumunta sa kwarto ko.

hindi ko na namalayan na umaagos na pala ang mga luha ko.

hindi man lang ako kinongratulate o naapriciate nila mama at papa pakiramdam ko walang saysay ang pagiging class salutatorian ko. para bang kahit anong gawin kong effort wala pa ding saysay sa kanila.

at ang ayaw ko sa lahat bakit sa lahat nalang ng bagay kinukumpara nila ako kay kuya .

pilitin ko mang pantayan si kuya pero hanggang dito nalang talaga ako .

isa na nga ito sa mga pinaka masaklap na parte ng buhay ko.

pinilit kong wag umiyak dahil sayang lang ang luha ko at wala din namang mangyayare kung iiyak pa ako.

pero kahit anong pilit ko hindi ko talaga mapigilan dahil sa sobrang sakit talaga ng mga salitang sa mismong magulang ko pa nanggaling. na hindi ako kayang pahalagahan at mahalin.

kinatok ako ni yaya lagring sa kwarto.

anton ayos ka lang ba? hahatiran nalang kita ng hapunan diyan ha.

buti pa ang hindi ko kadugo may pakealam sa akin. siguro ay nakita nya kung paano ako tratuhin ng sarili kong magulang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BrotherhoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon