CHAPTER 3- Mark!?

12 0 0
                                    

Biglang umakyat ang Mom ni Mark sa stage.

B-Ba’t nandito si Tita?? Di-ba nasa States siya dapat? Asan ba kasi si parekoy?

.

.

.”Ahmmm,.. Hello, Ako nga po pala ang Mom ni Mark, and I’m here to read my son’s message”

o.O bakit ba kasi wala si Parekoy,..

Kinakabahan na ko ha,.. Parekoy asan ka ba?? Ano bang nangyari?

Nagsimula ng magbasa ang Mom ni Parekoy.

“To JE University, to my Fellow Graduates, Goodmorning!

Well eto na, magkakahiwa-hiwalay na tayo, aalis na tayo dito sa University na ito, pero mananatili parin ang mga malulungkot at masasayang memories natin dito sa school na ito.

Sa pag-alis natin sa Unibersidad na ito para abutin natin ang ating mga pangarap, h’wag sana natin kalimutan ang naging magagandang samahan na ating nabuo sa Unibersidad na ito……

.

.

…. Ang tagumpay na ito ay hindi ko makakamit kung wala ang mga taong laging nandiyan sa likod ko at patuloy sa pagsuporta sakin,..

Gusto kong magpasalamat sa family ko, sa parents ko…..

Dahil kahit malayo sila ramdam ko parin ang suporta at pagmamahal nila sa akin.

Kaya Mom, Dad,.. thank you, salamat sa lahat-lahat, kasi kahit hanggang sa huli, nandiyan parin kayo sa tabi ko,… Mom, Dad, gusto kong malaman niyo na mahal na mahal ko kayo….”

Hanggang sa huli??? A-ano ba kasing nangyari?? Ba’t naiyak na si Tita??

Parekoy????

“Sa lahat po nang nandito ngayon, let me share you a story… A story na kung saan ito ang naging dahilan kung bakit at papano ko nakamit ang tagumpay na ito,….

When I was only 7years old, may isang magandang batang babae who helped me sa mga batang nambu-bully sakin.

I was amazed kasi nagawa niyang paalisin yung mga batang iyon.

Ako yung lalaki sya pa tung nagtatanggol sa akin.

That was the time na sinabi ko sa sarili ko na siya na ang babaeng pakakasalan ko,... Weird noh? Pero nalaman ko na magkaibigan pala ang parents namin, kaya ayun gaya nila naging magbestfriend din kami, na hanggang ngayon, hindi kami mapaghiwalay,...

.

.May mga nanliligaw sakanya, kahit na parang lalaki siya umasta ,... at yun din ang isa sa dahilan kung bakit ako nagkagusto sakanya,...

naisip ko na wala naman ako panama sa mga nanliligaw sakanya, kaya ayun, nagsikap ako sa pag-aaral para kahit papaano, may maipagmamalaki ako sakanya oras na magtapat ako sakanya ng tunay na nararamdaman ko.... "

T.T    i was shocked , hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko,.. p-pero asan ba kasi siya???

Asan si Parekoy????

"I Love You... Parekoy!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon