I Love You,... Parekoy

15 0 0
                                    

Tuluyan ng bumuhos  ang mga luha ko ng marinig ko pa ang mga sumunod na sinabi ng Mom ni Mark,…

All this time, parehas pala kami ng nararamdaman sa isa’t isa,…

p-pero, Mark! Parekoy, asan kaba?

A-ano b-bang nangyayari?

Ba’t wala ka dito ngayon?

Parekoy?

“… I don’t know kung aabot pa ko sa mismong araw ng Graduation! Kaya sinamantala ko na ang pagsusulat para malaman ng babaeng pinakamamahal ko na, mahal na mahal ko siya,.. Parekoy, Louisee! ‘I Love you,… Parekoy!,…”

H-ha? Ano? Panung di na aabot?

Umalis ba siya? San Siya nagpunta?

San ka pumunta Parekoy?

.

.

.Nanatili lang akong nakaupo, at nakikinig habang patuloy parin ang pagsasalita ng Mom ni Mark,..

“A-ahmmm,… (Pinunasan ng Mom ni Mark ang kanyang mga luha) , I want you all to know, N-na, Na my son past away early this morning,.. Actually, kahapon pa lang tumawag siya sa amin ng Dad niya, and nagpapaalam na siya kaya we took the early flight para maabutan siya, p-pero w-wala na! (humagulhol na ng iyak ang Mom ni Mark), nakita nalang naming siya na nakaupo sa floor ng room niya, while his head lies on his bed at hawak hawak niya ang papel na ito, ni hindi na nga niya natapos yung sinusulat niya kasi binawian na siya ng buhay,… W-wala na,… God took are only son, but I’m thankful kasi binigyan niya kami ng 19years para makasama naming ang tulad ni Mark,… and I’m proud of him.”

Pagkatapos magsalita ng mom ni Mark, tumakbo na ko palabas sa pinaggaganapan ng Graduation,…

.

.

“B-ba’t ganun siya??,… andaya naman niya iihh,..”

“B-bat niya ko iniwan?”

“Hindi pwede parekoy!!! Hindi mo ko pwedeng iwanan!”

At naguunahan na namang umagos ang mga luha mula sa mata ko,..

Tinignan ko yung Cellphone ko , na kanina ko pa hawak-hawak,.. at binasa ko ang mga text ni Parekoy! Nang Bestfriend ko,…..

.

.

 Nang taong pinakamamahal ko!

From: parekoy J

“Parekoy?”

“Bakit mo naman ako iniwanan dito mag-isa? Akala ko magcelebrate pa tayo?”

‘uy! Parekoy! Magreply ka naman!”

“parekoy naman e, di ako sanay ng ganyan ka sakin?”

“Ok! Gusto ko malaman mo na para sayo talaga yung mga flowers! Pasensya na ha? Inatake na naman kasi ako ng katorpehan”

“Parekoy! Salamat sa lahat-lahat! Sa pagtitiis sa ugali ko! Sa lahat-lahat, salamat sa 12 years na nakasama ka,.. Salamat kasi nakilala kita,.”

“Parekoy! Aalis na ko J ! Sana h’wag kang malungkot sa pag-alis ko,.. Gusto ko, h’wag mawawala yung mga ngiti sa labi mo na gustong gusto ko na palagi kong nakikita sayo, gusto sana kitang makausap kaso parang hindi na mangyayari”

“parekoy, mag-iingat ka palagi ha? Sorry ha? Kasi di ko na nasabi yung tungkol sa sakit ko, ayoko kasi na nakikita kang nasasaktan, ayoko na mamrublema ka,.. Gusto ko masaya ka, sa mga araw na magkasama tayo, bago ako mawala!”

Bigla nalang may humawak sa likod ko,..

Paglingon ko, Mom pala ni Mark,..

.

.

“Bilin samin ni Mark, na kahit wala na siya, bantayan ka parin naming!”

Niyakap ko nalang si tita,..

“Tita bakit siya ganun? Bakit niya ko iniwan?

.

.niyakap nalang ako ng mahigpit ni tita ta bumitaw siya sa pagkakayakap.

“Kasama ng sulat, nakita ko na hawak-hawak niya rin ito,.. may text siya diyan na hindi na niya naisend sayo.”

Kinuha ko yung phone ni mark at binasa ang text niya

TO: my parekoy

 “I Love you,.. parekoy”

END ! :)

"I Love You... Parekoy!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon