IKA-LABINGDALAWANG KABANATA: Muling Ibalik

3K 128 31
                                    

“Tapos kanina Honey alam mo ba inaway ako nung customer, as in tinarayan talaga niya ko. Then sinabi ko sa kanya na ako lang naman ang may-ari ng boutique na binibilhan niya kaya ayun! Nganga siya at panay ang hingi ng sorry sa’kin. That’s so funny right, honey?”

Nilingon ni Paoline ang kasintahan kaya lang napansin nito na hindi naman ito nakikinig sa kanya, nakatungo lamang ito at pinaglalaruan ang kubyertos.

“Hey, Xander. Are you even listening to me?”

Hindi siya sinagot ni Xander kaya nainis na siya rito. “Xander, ano ba?!”

At dito lang napatingin sa kanya ang kasintahan.

“Ah, sorry Pao, ano ulit ‘yung sinasabi mo?”

“Do I really need to shout first bago mo ko pansinin?” Malakas ang pagkakasigaw niya dahilan para pagtinginan sila ng mga tao sa loob ng Restaurant.

“Look, I’m sorry. Pero Pao, hindi mo kailangang mag-eskandalo. Nakakahiya,” bulong ni Xander kay Paoline.

“Talaga? Nahihiya ka? E, sa ginagawa mo sa’kin Xander, hindi ka nahihiya? You’ve been so cold these past few days, I can’t feel you anymore. You’re physically present but you’re mentally absent.”

Tumayo na siya at dere-deretsong lumabas ng Restaurant. Sinubukan siyang habulin ni Xander kaya lang ay napupuno talaga siya kaya iniwanan na niya ang binata.

Naiwang mag-isa si Xander sa harap ng restaurant at sobrang disappointed sa sarili. Hindi niya malaman kung bakit bigla na lamang siyang nagbago. Simula nang makita niya si Rain ay hindi na niya maipaliwanag ang nararamdaman niya. Hindi niya alam pero gusto niyang makita ulit si Rain, gusto niyang makipagkwentuhan dito, i-angkas ito sa bike, gusto niyang pabirong makipagsapakan dito, gusto niya ulit tumakbo kasama siya.

Pagkauwi niya galing sa School ay palagi siyang pumupunta sa lugar kung saan niya huling nakita si Rain. Nakikita niya ang mga nagpa-practice ng bicycle battle pero hindi niya nakikita ang totoo niyang pakay. Sa ikalimang pagkakataon ay muli siyang bumalik sa lugar na iyon dahil pagkatapos ng Graduation niya ay lilipat na sila ng tirahan at magiging busy na siya sa kanilang negosyo.

“Xander?”

Napalingon siya nang may narinig siyang tumawag sa kanya at nakita niya ang kanina pang hinahanap. Awtomatiko ang pagngiti nito at agad na lumapit kay Rain.

“Ang lapad ng ngiti mo, a.”

“Nakita kita, e.”

“Loko loko ka pa riiiin!” inakbayan siya ni Rain at pabirong kinutusan sa ulo.

“Nangsasadista ka pa rin!”

When Rain FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon