IKASAMPUNG KABANATA: Ang Muling Pagkikita

2.8K 132 11
                                    

Panibagong araw ang hinarap ni Xander. Ngunit sa pagkakataong iyon ay madaming naging pagbabago. Walang Rain na sumundo sa kanya, at nabalitaan na lang niya na nag-resign na nga si Rain. Ang dami na niyang text pero hindi siya nirereplyan nito at kapag tinatawag naman niya si Rain ay palaging out of reach.

Hanggang sa makita na niya ang dalaga sa canteen ng School nila kasama ang tatlo nitong kaibigan. Ngunit nagtataka siya nang pagmasdan niya si Rain, masaya ito at parang walang pinoproblema.

Lumapit siya sa table nila kaya natigilan sa pagtawa si Rain.

“O, Xander? Ikaw pala ‘yan. Bakit? May problema ba?” nakangiting tanong sa kanya ni Rain.

Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng matinding galit. Hinawakan niya si Rain sa braso at hinila patayo. Kaya naalarma ang tatlo nitong kaibigan at napatayo rin.

“Bitawan mo si Rain,” utos ni  Pipoy sa kanya.

Pero parang wala siyang narinig sapagkat hinila niya si Rain palabas ng canteen at pumunta sa lugar kung saan wala masyadong tao.

“Xander, ano ba bitawan mo nga ako!”

Marahas niyang binitawan ang kamay ni Rain.

“Bakit ka ba nanghihila?!”

“Bakit nag-resign ka sa Restaurant?”

“Wala kang pakealam du’n!”

“Rain, may pakealam ako!”

“Xander, wala! Hindi ka nagkaroon ng pakealam sa nararamdaman ko! Gusto mong malaman kung bakit ako nag-resign? Kasi hindi ko kayang makasama ka! Dahil sa oras na makita kita, masasaktan lang ako! Xander, pagod na pagod na kong magpanggap na masaya ko, na okay lang ang lahat! Kaya sana naman tulungan mo ko. Tulungan mo kong kalimutan kita. Nakikiusap ako, Xander. hindi ko na talaga kaya, ang sakit sakit na.” Tumungo siya at humagulgol ng malakas.

“Rain, I’m sorry.”

Muling tinignan ni Rain si Xander. “Sana, sana sapat ang sorry. Sana kayang hilumin ng sorry ang lahat ng sugat. Sana, sana hindi na lang kita hinigit nung hinahabol ko ‘yung magnanakaw, sana hindi na lang ako nahulog sa manhole, sana hindi na lang ako nahulog sa’yo, sana hindi na lang kita nakilala. E, ‘di sana, hindi ako nasasaktan ngayon.”

Pinagmasdan na lamang ni Xander ang pagtalikod ni Rain, ang unti-unti nitong paglayo sa kanya, sa mundo niya, sa kung ano mang meron sila.

Lumipas ang napakaraming buwan, napakadaming nagbago sa buhay ni Xander. Unti-unti silang nakaahon mula sa hirap sa pamamagitan ng pagtulong ng pamilya nila Paoline. Umalis na siya sa pagtatrabaho sa Restaurant at tumutok sa panibagong negosyo na itinayo ng mga magulang. Malapit na rin nilang makumpleto ang pagbabayad sa biniling bahay at lupa, at dalawang linggo na lamang ay ga-graduate na siya ng Kolehiyo. Sa ilang buwan na iyon ay nagtuloy-tuloy ang relasyon nila ni Paoline. Ngunit sa loob din ng ilang buwan na iyon ay pakiramdam niya palaging may kulang.

“Ang gulo naman sa lugar na ‘to!”

Inilibot ni Xander ang kanyang mata sa paligid. Nakasakay sila ni Paoline sa kotse nito at nakapwesto sila sa backseat.

“Grabe Honey, tignan mo ‘yun o, may mga naghahabulan. For sure magnanakaw ‘yung hinahabol nila.”

Tinignan ni Xander ang tinuro ni Paoline at napangiti siya nang maaalala niya kung paano sila nagkakilala ng dati nitong matalik na kaibigan. Sa lugar mismo na iyon, ay ang lugar kung saan sila unang nagtagpo.

When Rain FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon