☂ PART FOUR ☂

69 5 0
                                    

[PART FOUR]

Luna Gonzales's POV

Nandito kami ngayon ni Jill sa isang coffee shop katulad nung napag-usapan naming dalawa kagabi.

"Bes, ano ba kasing nangyari sa inyong dalawa ni Jake?"

"Luna, ayos lang naman kami ngayon eh. Parehas naming gustong bumitaw na at kagabi nangyari na yung gusto namin, okay?"

"Pero...." huminga muna ako ng malalim. "YOU LOVE EACH OTHER FOR HEAVEN'S SAKE!"

"We don't love each other anymore. And plus may iba na kaming gusto. But friends pa rin naman kami"

"EH?! HINDI MO MAN LANG SINABI SA'KIN NA IBA NA PALA YUNG SINISIGAW NG PUSO MO!"

"Ano ka ba ang eskandalosa mo wag ka ngang maingay bes" sabi niya sa'kin na dahilan ng pagkahiya ko sa sarili ko. Huwah!!!!

"Eh kasi ipaliwanag mo sa'kin"

"Bes naaalala mo ba si Ethan? Yung lalaking nandun nung araw nung dahilan ng punishment mo?" tumango naman ako.

"Hindi niya ako tinigilan at nung lasing si Jake ewan ko pero nasaktan ako ni Jake at-" O_O

"WHAT?!" sigaw ko.

"Patapusin mo ako lechugas ka! Okay so, ayun nasaktan niya nga ako tapos nandun si Ethan at pinagtanggol niya ako. Ewan ko pero siya kasi yung palagi kong nakakasalubong eh. Parang naglalabas ba ng hangin yung paligid na bumubulong sa'kin na meant to be ba daw kami?" wow paganyan-ganyan na ang bestfriend ko ah!

INLOVE 'TO GANITO DIN YAN DATI KAY JAKE EH!

"Tapos ayun napapalayo na yung loob namin sa isa't isa ni Jake, kasi feeling ko may iba na rin siyang gusto eh ako rin naman may iba nang gusto kaya di'ba wala naman akong karapatang magprotesta? Dahil babalik lang din naman yun sa'kin eh. Parang bumaril lang ako na tatama rin pala sa'kin."

"Nakipag-break na rin si Ethan dun sa Stella nung araw na nag-away kami sa tapat ng ice cream parlor dahil gusto niya raw talaga ako. Nagkausap rin kami ni Jake last month na may iba na raw ata siyang nagugustuhan eh ako rin naman. Kaya kahapon napagdesisyunan na naming maghiwalay kasi wala rin namang patutunguhan kung itutuloy namin yung relasyon namin."

"Ahhhhh~" napatango-tango na lang din ako. "Pero sino ba yung bagong nagugustuhan nung Jake? Baka mamaya mas panget sa'yo yun ah! Ang ganda ganda mo pa naman wahaha! Mahihirapan yun tumaas sa level mo nakupo!"

"Ewan ko rin eh. Ako sinabi kong si Ethan yung akin kahapon. Pero siya sabi niya sa'kin secret daw eh"

"Aba para namang bata yun!" 

"Ano ka ba, baka mamaya ayaw lang niyang may makisawsaw rin di'ba? Parang kayo ni Ivan"

I don't deserve this punishment! (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon