[PART THREE]
Luna Gonzales's Point of View
Nagpunta kami ni Jill sa bleachers sa gym at for a moment nandun yung awkward silence na tinapos niya din.
"Luna..."
"Hmm?"
"Luna, I'm sorry"
"S-sorry? Bakit ka nagsosorry Jill?"
"Hear me okay?" um-oo naman ako.
"I'm sorry kasi sobra kitang napahirapan. Sorry dahil nagsinungaling ako at naging yaya ka tuloy namin ni Jake. Hindi ko masasabing hindi ko sinasadya yun dahil ginawa ko na eh. Pasensya na at nahugot lahat ng talino ko nung time na yun at ginamit ka para hindi ako mapahiya kay Jake. I'm sorry din dahil iniwan ko kayo ni Ivan dati. Bes, sorry" umiiyak na pala siya.
"Bes? Na-miss ko yun bes!!!" niyakap ko siya ng napakahigpit! "Pinapatawad na kita. Tiyaka ayos lang nakasama naman kita sa pagsisilbi ko sa'nyo eh kahit nga tinatawag lang kita na Jill the Devil sorry din dun ah. Pero ang akin lang naman bakit mo kami nilayuan? Kinakahiya mo ba kami kay Jake?" naiiyak na din ako.
Wah!!! Ang drama namin shet! T^T
"Hindi bes! Hinding hindi ko kayo ikakahiya ni Ivan. Magiging honesto na ako dito ah. Ayoko lang naman kayong madamay sa gulo ng gang ni Jake. Alam mo naman yun di'ba na marami silang binabasag na mga katawan diyan sa tabi-tabi? At one time nung nanliligaw pa lang si Jake sa'kin binantaan ako nung isa nilang kalaban na kapag daw nagkita ulit sila nila Jake papatusin na rin nila yung mga kaibigan ko. Ayoko namang pati kayo masaktan di'ba? At gustong gusto ko kasi nun si Jake eh. I'm sorry" sabi niya na hikbi ng hikbi kada line pero naintindihan ko naman.
Inalis ko ang pagkakayakap namin sa isa't isa. "Bakit hindi mo sinabi? Maiintindihan naman namin yun eh"
"Kapag sinabi ko ituturing niyo pa rin akong bestfriend di'ba? Hindi ko kayang mahuli tayo at saktan kayo" awwwwww. Touch touch.
"And Luna. Alam kong napapansin mong palagi kaming magkasama ni Ivan. Pero sana huwag kang mag-isip ng iba please. Jake..... Jake is my boyfriend yeah. 'Wag ka sanang mag-iisip ng mga bagay na babawiin mo rin" wah! Parehas talaga kaming mag-isip!
"GOT IT!" nilapit ko naman yung kamay ko sa kanya para mag-shake hands. "Bestfriends?"
"Bestfriends!" (^_^)
Bumabawi si Lord sa mga parusa ko ah! Yay!
***
Bumawi nga si Lord at nabawasan na yung paguutos sakin ng pretzel couple. Si Jake na nga lang ata yung nag-uutos ngayon sa'kin eh. Tapos parang LQ pa palagi itong si Jake and Jill.
BINABASA MO ANG
I don't deserve this punishment! (Short Story)
FanfictionAnong mangyayari kung isang araw tinulungan mo lang naman yung ex-bestfriend mo sa naka-away niya at biglang ikaw na yung napagbintangan na nang-away? Mas malala pa yung fact na boyfriend nung ex-bestfriend mo yung school heartthrob at mala-gangster...