Chapter One

222 13 6
                                    

Cherry's

Nandito na naman ako. Nakatingin sa kanya, pinagmamasdan ang kilos niya. Stalker na kung stalker. Pero okay lang basta makita ko siya. Hobby ko na to eh hahaha. Ang pogi niya talaga! Ang cool pa. Nakasandal siya sa puno, kumakanta at may hawak na gitara. Shit na malagkit lang kinikilig ako feeling ko ako yung kinakantahan niya.

Napatago ako bigla ng tumingin siya sa akin. Buti na lang may malapit rin na puno sa kinatatayuan ko. Waaa~ ano ba yan?! Ano gagawin ko? Omg! Okay kalma lang Cherry! 1...2...3... Kal--

"Anong ginagawa mo dyan?" Waaa! Pisti. Dahan dahan ko siyang tinignan at ngumiti ng mabakla.

Grabe! Oxygen. Yung puso ko ang lakas ng tibok. Mamaya marinig niya nakakahiya. Omg! Ang lapit niya pa di ako makahinga ng maayos. Help!

"Oy! Tinatanong kita. Anong ginagawa mo dito?" 

Hala sasagot ba ako? Waaa! mamaya bad breath pala ako. Di super duper turn off na siya sa akin! Hindi pa man nagsisimula ang love story namin, nagending na! Nooooo! hindi pwede.

Tumingin ako sa likod niya at napatingin naman siya. Kaya naman tumakbo na ako palayo sa kanya. Hahahaha ang galing mo talaga Cherry! Ang talino mo.
Hindi na ako nagabala pa na tumingin sa likod. Dumiretso na ako sa classroom ko. Malapit na rin kase akong malate. Sobrang lapad ng ngiti ko. Grabe talaga di ko inaaasahan na mangyayari yun. Waaa! Oxygen. Pagpasok ko sa classroom wala pa yung prof. namin,buti na lang.

Naglakad ako papunta sa upuan ko. Binati ako ng mga classmates ko syempre binati ko rin sila. Good mood ata to hahahaha.

"Aba! Aba ang saya naman ng babaeng to! Anong nangyari ha? Naku nagstalk ka na naman siguro kay papa Ezekiel no? Ikaw talagang babae ka!"  Natawa naman ako sa tono niya parang bakla.Naku ito na naalaka ko na naman grabe! Kinikilig ako!

"Hahahaha tigilan mo nga yan erp! Para kang bading eh. Anyways, alam mo ba waaaaa! Grabe talaga erp kinikilig ako. Alam mo yun ang lapit ng mukha niya sa akin! Waaaaaa! Oxygen oxygen!"  

"Ano? Di kita maintindihan? Siraulo ka ba? Puro ka 'waaaa' oxygen oxygen ka pang nalalaman dyan! Batukan kita dyan eh"  Tinignan ko siya ng masama at binatukan. Bago niya pa ako saktan inunahan ko na siya. Ayoko masaktan no!

"Aray!" Daing niya. Akmang babatukan niya rin ako pero hinarangan ko agad ng libro ko. Napangisi naman ako kase napahinto siya.

"Sige! Subukan mo lang talaga! Magkakalimutan tayong dalawa pisti ka!" Hahaha at ayun tumigil nga. Takot talaga tong kaibigan ko sa akin hahahaha very good mighty cherry!

"Anong tayong dalawa pinagsasabi mo dyan? Walang tayo oy! hahahaha wag mong sabihin na pinagnanasaan mo na ako Cherrypiepie?" Tinaas baba niya pa ang kilay niya. Ang lakas ng tama talaga ng erp ko! Sarap batukan ulit!

"Tsk! Di ikaw at ako. Okay ka na? Lakas ng tama mo ngayon ha? Nagshabu ka ba? Itigil mo na yan. Ang sama ng epekto sayo"  sabay inirapan ko siya. At tumingin sa harap. Ang tagal ng prof namin ha! Impernis. Tsk!

"Oy defensive si Cherrypiepie hahahahaha"  Tinignan ko siya ng masama. Pinagsusundot ba naman ako sa tagiliran ko!

"Shet! Dream on dude! Pwede ba? Wag mong sirain ang maganda kong araw!" Binatukan ko ulit siya para tumigil. Tsk! Bakit ba ako nagkaroon ng ganitong kaibigan. Kainis! Pero wala akong magagawa. Ganito na talaga to kahit kailan. Pero si Drew ang nakakasama ko sa mga masasamang nangyayari sa akin. And I'm lucky to have him as my besterp.

Until He's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon