Last Chapter

181 9 12
                                    


Cherry's

Yung unang lalaking pinanuod ko sa ilalim ng puno habang nag gi-gitara at kumakanta. Habang pinapanuod ko siya, hindi ko mapigilan kumawala ang mga ngiti galing sa aking mga labi at sabihin na "sana ako yung kinakantahan niya"

Yung unang lalaking inistalk ko, mapa social media man yan o personal.

Yung unang lalaking nagturo akin kung paano kiligin. Yung ngiti niya pa lang feeling mo nasa langit ka na, nagswi-swimming pa sa mga ulap.

Ang unang lalaking pinadama ang sakit, ang sakit na nagmamahal. Na wala akong magawa para sa sakit na ito dahil wala akong karapatan, walang kami. Wala siyang alam at paki.

At ang unang lalaki na nagparealize sa akin na ang mga impossibleng bagay pwede pa lang mangyari, at yun ay nung minahal niya ako.

Siya si Ezekiel Ramos. Ang una kong minahal.

Heart beats fast
Colors and promises
How to be brave
How can I love when I'm afraid
To fall
But watching you stand alone
All of my doubt
Suddenly goes away somehow

Nakangiti akong naglalakad papuntang altar. Ito ang araw nang kasal ko. Ang araw na mapapasa akin na ang taong mahal ko.

Hindi ko mapigilan na maiyak, ganito pala yung feeling. Yung nakangiti ka naman dahil masaya ka but my tears automatically fall. Pero shit! Ang saya ko.

Ito ang araw na pinaka hinihintay ng isang babae, ang pakasalan ang taong mahal niya.

Nandito ang lahat ng taong naging parte ng buhay ko. Nakangiti sa akin. Alam kong masaya sila para sa akin.

Hindi ko na mapigalan pang humagulhol nang makita ko sina mama at papa na umaiiyak para sa akin.

One step closer.........

Malapit na ako sa altar. Nakikita ko na ang lalaking mahal ko, nakangiti sa akin. Hindi ko alam kung bakit, pero ramdam ko pa rin ang slowmo kapag siya na ang nasa harap ko.

"Ezekiel" ngumiti ako sa kanya ng tawagin ko siya. Niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi ko alam kung bakit, pero siguro dahil sa saya na nararamdaman ko. Hindi ko na rin napigilan ang mga luha ko. At feeling ko ang pangit ko na.

"Shh. Wag ka nang umiyak! Ang pangit mo na." at tumawa siya. Sumimangot naman ako at pinalo siya!

"Aray! amazonang to! dun ka na nga sa asawa mo, tignan mo nanlilisik na ang mata niya hahaha" pinalo ko siya ulit at tumingin kay Drew. Nagpeace sign naman ako sa kanya.

"Bilis ang tagal naman! Punta ka na dito Cherry, wag mong pinaghihintay ang asawa mo!" Napatawa naman ako sa sinabi ni Drew kaya naman naglakad na ako papunta sa kanya at tinanguan si Kiel.

Pero bago man ako makarating kay Drew ay hinawakan ni Kiel balikat ko, iniharap sa kanya at niyiakap.

"Hay, mahal pa rin kita. Pero alam kong mas sasaya ka sa kanya. Gusto kitang hilain palabas ng simbahan, alam mo ba yun? Pero...."

Tinangal niya ang pagkayap niya sa akin. Tinignan niya ako sa mga mata at ngumiti.

"Masyado kitang mahal, para ipagkait sayo ang kasiyahan mo. Salamat Cherry, at sana ay hindi. Maging masaya ka, wag mo akong iisip, okay?"

Yung luha kong kanina na wala na, ay bigla na lang nagunahan sa pagtulo. Tumango ako sa kanya at niyakap siya.

I have died every day
waiting for you
Darlin' don't be afraid

Until He's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon