Chapter Three

174 11 7
                                    

Cherry's

Months passed, naging okay siya. Naging close kami. Masaya dahil crush ko lang siya pero ngayon close na kami. Hindi na tulad ng dati.

Yes, hindi na rin tulad ng dati ang feelings ko sa kanya. I don't know when my feelings started to fade.

Siguro napagod na rin. Ganun pala talaga, kapag napagod ka at yung feelings mo nabalewala kusa tong mawawala.

Simula kase na magkasama kami. Puro April...April...April. Si April na mahal niya. Si April na di niya kayang kalimutan. Nakatatak na to sa isip ko na si April lang ang mamahalin niya. Pero kahit ganun di ko siya iniwan. Kase nangako ako sa kanya.

Yung mga araw na umiiyak siya, ako yung naging sandalan niya.

Yung mga araw na malungkot siya, ako yung naging clown niya.

Yung mga araw na ang bigat ng nararamdaman niya, ako yung nagpagaan.

Yung mga araw na ayaw na niyang mag-aral, ako yung naghikayat sa kanya.

Yung mga araw na nagkasakit siya dahil di kumakain at stress, ako ang nag-alaga sa kanya.

Ako, ako yung nandun para sa kanya. Pero ni minsan hindi niya ako nagawang mahalin. Ni minsan di niya ako tinignan bilang babaeng pwedeng magmahal sa kanya. Siguro hanggang dun lang yung role ko sa buhay niya ang maging sandalan.

Pero hindi ko naman pinagsisihan yun kase kung hindi dahil dun hindi ako magigising sa katotohanan. Katotohanan na hindi magiging kami.

He move on from April, and I move on from him.

Parehas na kaming okay at masaya. Bestfriends na nga kami eh. hahaha kaya yung isa kong besterp tampo tampuhan ang peg.

"Oy erp! Sabay na kase tayong umuwi. Ito naman parang tanga eh!" Hinabol ko si Drew, pabebe kase kaasar. Kala mo naman pogi.

"Hoy! Pag ikaw di huminto babatuhin kita!"  At talagang hindi siya huminto. Kaya binato ko na siya ng sapatos ko. At yun! BULLSEYE!

"Ano bang problema mo? Di ba may bago ka ng bestfriend? Dun ka! tutal mas gusto mo naman siya, ay hindi mahal mo pala yun no! Tigilan mo na ako. Umuwi ka mag-isa or magpahatid ka sa bestfriend mo!" At dire-diretso siyang umalis.

Natulala ako sa mga sinabi niya. Bakit ang sakit? Parang may nakabara sa lalamunan ko tapos parang sinasaksak ang puso ko! Hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako. Wala na siya, yung besterp ko. Grabe siya! Ang sakit magsalita. Ngayon niya lang akong pinagsalitan ng ganyan. He always jolly at maloko. Ngayon ko lang siya nakitang seryoso.

Naupo ako sa daan. Sa gitna ng daan. Wala na akong pake sa mga dadaan. Grabe siya ang sakit talaga. Pinunasan ko yung mga luha ko pero ayaw pa rin tumigil. And I don't know why, I'm crying like this.

"Ann? Anong nangyare? Okay ka lang ba? Bakit? Ann magsalita ka! Bakit ka umiiyak?!"

It's Kiel. Ito rin ang isang nagbago sa kanya. He always care and over acting for me.

"I'm okay. May naapakan lang akong ipis, tapos namatay siya. Ang sama ko pinatay ko siya. Pero okay na ako. Sige bye!"

What fucking excuse Cherry!

Tumakbo na agad ako. I'm sorry Kiel. Kailangan muna kitang iwan. Kase yung nagiisang taong tumanggap at hindi ako iniwan. Ngayon wala na siya. Hindi kita iniwan, pero ako ang naiwan.

*******

Umuwi ako sa bahay namin na mabigat ang pakiramdam. Na wala ako sa sarili ko. Tinanong pa nga ako ni Mommy kung okay lang ako, tapos sabi ko masakit lang ulo ko.

Until He's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon