Chapter 2: Secret admirer

21 0 2
                                    

Erina's PoV

What? Boyfriend ni Leticia si Tristan? At tsaka bakit sya kilala ni Tristan?

"Huh? Boyfriend kita? Wala akong boyfriend no! I'm still single. D-U-H Duhh~" Sabi ni Leticia.

"Ayan, magsisinungaling pa kasi." Sabi ko nang mahina na mukhang nakita ni Tristan kaya sinamaan ako ng tingin.

"Bakit ba kasi ayaw niyo magpakasal sa isa't isa? Maganda naman si Erina, gwapo naman si Tristan. Ano pa bang hinahanap niyo?" Sabi ni Dawn.

"Yung attitude niya! Napaka-ungentleman kasi!" Sabi ko

"Well, bahala na kayo magusap dyan. Magkasundo kayong dalawa kasi hindi namin ititigil yung engagement na mangyayari kahit na anong mangyari which will be on your 18th birthday, Erina." Sabi ni Papa

"But Pa.." Angal ko.

"No buts. Eat first." Sabi ni Papa sakin.

Kumain nalang ako nang tahimik at tinignan ng masama si Tristan, na ganun din ang ginagawa sakin.

"So I guess, we have to leave now. Tristan, let's go." Sabi ni Tito Andrew.

"See you again Erina. By the way, you look pretty today." Sabi ni Tita Rhea.

Nagthank you nalang ako at ngumiti.

"We'll talk again sometimes outside about this matter." Sabi ni Mama.

Habang naguusap pa sila tungkol sa lecheng kasal na yan, nagpaalam na ko kay Papa na uuwi na kami nila Leticia sa bahay namin.

Si Leticia, sabi ni Papa, makikitira nalang daw samin para hindi na sya lumayo tapos sila Tita Grace at Tito Ryan (parents ni Leticia) ay kakausapin nalang ni Papa.

Pagdating namin sa bahay ay dumapa agad ako sa sofa at tinanong sila Leticia.

"Kailangan ba talaga na magpakasal ako dun sa mayabang na lalaking yun?"

"Sa tingin ko, Yes. Agree ka ba, Dawn?" Sabi ni Leticia.

"Oo. Kasi hindi ka naman hahayaang magpakasal ng magulang mo sa hindi mo mahal kung walang rason eh." Sabi naman ni Dawn.

"Eh kung ganun, ano yung reason? Para mabayaran yung mga binigay nila sakin? Ganun?" Tanong ko.

"Malay mo may mas malalim pa na rason. Hay nako. Magsitulog na nga tayo!" Sabi no Leticia.

"Tara na. Dun ka nalang sa tabi ng room ni Dawn. May extrang room dun. Ikaw na bahala bes kay Leticia ha. Masakit na ulo ko. Inaantok na talaga ako eh." Sabi ko.

"Teka, bakit ka nga pala kilala ni Tristan?" Tanong ko kay Leticia.

"Nakilala ko sya dati sa States. Dun sya nagaaral sa school na pinapasukan ko din. Actually, naging crush ko nga sya dati eh! Kaso friends lang DAW kami eh. Pero nakamoveon na ko ngayon. Di ko aagawin sayo yung soon-to-be husband mo." Sabi niya.

"YUCK! Wag ka nga magsabi ng bad word Leticia!" Natatawang sagot ko.

Natawa nalang kami pareho at pumunta na sa sarili naming kwarto.

"Sige bes. Good night!" Sabi ni Leticia.

Pagdating ko sa kwarto ko ay inisip ko ang mga posibleng mangyari kinabukasan.

Kakayanin ko ba na makasal sa lalaking mayabang na yun?

Kakayanin ko ba na suwayin yung mga magulang ko para lang sa sarili kong gusto?

Tragical LoveWhere stories live. Discover now