Chapter 3: Mahal Rin Kita

28 0 0
                                    

Erina's Pov

*kring kring*

Kakatapos lang ng Physics class namin pero buong class ay hindi ako nakinig dahil nga sa "secret admirer" na yun.

Anong ginawa ko? Tinapon ko. Bakit? Malay mo may lason pala yun. 

Naginat-inat ako at pagkatapos ay inayos ko na ang gamit ko. Pagod na ako~ May dalawa pa akong klase bago maguwian. *sigh*

Tumayo na ko nung nakita ko na wala ng tao sa room. Lagi kasi ako nagpapahuli lumabas. Nagulat naman ako kasi nakita ko sa labas si Tristan.

"Oh. Ano ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya.

"Pumunta ka sa rooftop kapag lunch time mo na." Sabi nya.

Teka, after ng Physics ko is lunch na. So, ngayon ako pupunta?

"Lunch ko na eh." Sabi ko.

"Oh. Edi tara na." Hinawakan niya yung wrist ko sabay hinila ako.

"Hoy! Ano ba! Tristan! --ay-- sorry-- aray ko! --" Sabi ko nung halos madapa dapa na ako at hila hila niya parin ako hanggang sa,

"Aray!" Sabi ko nung natapilok ako.

(T_T)

Ang sakit ng ankle ko! Wahh~

Napaupo nalang ako sa floor sa sakit.

Ba't ba kasi ang laki ng mga hakbang ng lalaking 'to?!

Tumigil naman sya at binitawan ako. Bigla syang tumalikod sakin at binend yung knees niya.

"Sakay na." Sabi niya.

"H-ha?" Sabi ko.

"Sabi ko sakay na. Aish." Sabi niya.

"Paano kung ayaw ko? Hmp." Sabi ko.

Baka mamaya mahulog niya pa ko! Edi lalo lang lalala yung sitwasyon ko!

T_T

"Basta! Tara na kasi! Naghihintay sila!" Sabi niya na parang galit na.

"Fine. Fine eto na nga oh. Teka."

Tinry ko tumayo. Nakatayo naman ako pero nakakapit sa table malapit dun. (Nasa canteen kasi kami. May daan papunta sa canteen pataas sa rooftop) Tinry ko bumitaw sa kinakapitan ko kaso nahulog lang ako. Napapikit ako at saka hinintay na bumagsak.

1....

2....

3....

4....

5....

Nagbilang na ako ng 1-5 at hinintay ko na bumagsak ako sa sahig pero kahit isang bagsak, wala akong naramdaman.

Napamulat ako sa mata ko at nakita kong sinalo ako ni Tristan.

"Ok ka lang?" Tanong niya.

Napatango nalang ako bilang sagot.

Isinakay niya ako sa likod niya at napahawak nalang ako sa kanya.

Habang naglalakad kami--ay sya lang pala, medyo napapapikit ako kasi medyo pagod ako sa klase at nahihilo ako.

Hanggang sa di ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

--

"Sobrang pagod yata sya. Di naman yan ganyan usually."

Tragical LoveWhere stories live. Discover now