Chapter 1: Meeting

35 1 2
                                    

Erina's PoV

"Erina! 7:30 na! First day na first day malelate tayo?!" Sabi ni Dawn, best friend ko, habang ginigising ako.

"Oo na! Eto na nga! Babangon na." Sabi ko nalang.

Lagi kasi ako late nagigising kaya ang kinalalabasan, late din kami sa mga lakad namin.

"Dalian mo maligo! 30 minutes nalang!" sabi niya.

*After 15 minutes*

Tapos na ko ayusin ang sarili at ang gamit ko kaya lumabas na ko sa pinto namin at nakita kong nakasakay na si Dawn sa kotse namin.

"Hay sa wakas, tapos ka na. 15 minutes nalang oh! Dalian mo na sakay na." Sabi niya.

Pagkapasok ko sa kotse, sinermonan na ko ni Dawn. Pero kesa sa makinig sakanya, sinuot ko nalang yung headset ko at di nalang sya pinansin.

Kung nagtataka pala kayo kung bakit kami lang ni Dawn ang nasa bahay, yun ay dahil kaming dalawa lang talaga. Pinapatira kami nila Mama at Tita Kath sa isang maliit lang na bahay na malapit sa school para hindi na kami mahihirapan na pumunta sa school. And bakit kami may kotse? Dahil bigay to nila Papa at Tito samin. Daddy's girl kami parehas ni Dawn at aaminin ko, medyo spoiled ako kay Papa. Di ko lang alam kay Dawn kung ganun din sya.

"Erina, may problema tayo." sabi ni Dawn.

"Ano?" tanong ko.

"Hindi na tayo makakapasok ng school." sabi niya.

"Ano?! Bakit naman?!"

"Wag mo nga ako tanungin! At tsaka rule yun ng school. Kung hindi ka naman kasi mabagal kumilos at late nagising eh. Tsk tsk." Sabi niya.

"Oo na. Oo na. Kasalanan ko na."

"Oh, ano na pala gagawin natin ngayon?"

"Sandali lang. Umuwi muna tayo sa bahay at magbihis." sabi ko.

"Mukhang alam ko na yang pinaplano mo ah! At mukhang masaya yun!" sabi niya.

"Go, drive ka na. Dalian mo. Breakfast is waiting." sabi ko.

Habang nagdadrive si Dawn, tinawagan ko si Papa.

"Pa..."

(Oh, bakit ka tumawag? Di ba nasa school ka?)

"Ano kasi.. Di na kami nakaabot."

(Ha? Anong hindi nakaabot?)

"May rule po kasi na hindi ka na makakapasok ng school kapag late ka na nakadating"

(Ganun ba? Sige, siguraduhin niyong bukas makakapasok kayo dahil kapag hindi ulit kayo nakapasok, babawasan ko yung allowance niyo. Is that understood?)

"Yes pa."

(For now, do anything you want. Ako na bahala magexplain sa Tito mo.)

"Thanks pa! I love you po!"

(Sige na. Marami pa kong paperworks. Yung sinabi ko ah. Don't forget.)

"Yes po pa. Bye!"

--End call--

"Dawn! Pinayagan tayo ni Papa na gawin kahit ano ngayong araw!" sabi ko.

"Eh si Papa? Payag kaya?" tanong niya.

"Si Papa na daw bahala dun. So..."

"So let's enjoy the day! Let's go to the mall!" sabi ni Dawn.

Tragical LoveWhere stories live. Discover now