Chapter 7 - Ang pagkilala

1.9K 129 2
                                    

Makalipas ang isang oras, pumarada ang sasakyan ni Joax sa likod ng kotse ni Robby na nakaparada sa harap ng bahay nila Maya.  Magkatabing nakaupo sila Robby at Sheryl sa isang bangko sa harap ng bahay parehong nakatingin sa loob ng bahay.

Tumayo si Robby ng makita si Joax.

Robby:  Kamusta sa Presinto?

Joax:  Ayon, nagamot naman ang pumutok na labi ni Badong pero nakakulong. Nagpuntahan ang mga taga palengke, nagreklamong lahat kaya walang nagawa si Hepe kung hindi ang ikulong siya. Hindi yon makakalabas hanggang walang nagpapyansa sa kanya.

Robby:  Mabuti naman kung ganon.

Joax:  Ok ka na She?

Sheryl:  Oo ok lang ako. 

Joax:  Ang kapatid mo ok na ba?

Sheryl:  Oo, pinainom na ng Nurse ng pangpakalma.  Natutulog na siya.  Salamat ha, kwento nila kung hindi mo daw sinigawan si Badong hindi magkakaron ng pagkakataon na makabawi si Maya.

Joax:  Ginawa ko yon, para tumigil sila. Maayos na nakikipagusap si Maya kaya akala ko talaga, hindi niya papatulan si Badong.

Sheryl:  Pasensya ka na.  Hindi naman bayolente ang kapatid ko. Pero hindi ito papayag na maloloko o matatraydor ng kahit na sino.  Patas kung lumaban si Maya.  Hindi siya mananakit kung hindi siya nasaktan o walang masasaktan sa mga taong malapit sa kanya.

Joax:  I didn't mean to say na violent ang sister mo.  Nagulat lang ako, kasi talagang kalmado siya kanina eh. 

Sheryl:  Galit ang kapatid ko sa mga manggagantso, manloloko at traydor dahil ganong klaseng tao ang pumatay sa Tatay namin.  At kapag napupunta siya sa ganong sitwasyon... naaalala ni Maya ang lalaking walang awang pumaslang sa Tatay ng walang kalaban-laban.  Sa harapan ni Maya pinatay ang Tatay eh.

Joax:  Sa palengke ba nangyari ang krimen?

Sheryl:  Oo, at walang kahit isang nakatulong.

Robby:  Papanong wala eh ang daming tao sa palengke.

Sheryl:  Itinaon ang planong pagpatay sa oras ng championship ng liga, nasa plaza ang lahat ng tao.  

Joax:  Sabi mo nakita ni Maya ang pagpatay sa Tatay ninyo, how old was she then?

Sheryl:  siyam na taong gulang and I was twelve.  Natulala si Maya.

Robby:  Mabuti hindi dinamay si Maya.

Sheryl:  Hindi din namin alam kung papanong nakaligtas si Maya, siguro din inisip nung mga lalake na hindi naman sila makikilala ng isang paslit kaya pinabayaan na siya. Dahil mahigit anim na buwan ding tulala si Maya, akala siguro nila nakalusot na sila. Pero ng  mawala ang pagkatulala ang isinisigaw, dalawang lalaking nakaitim na may saklob sa ulo at mukha ang pumatay sa Tatay at narinig niya ng sabihin ng mga ito na "kukunin nila ang order ni Kapitan".

Robby:  Your father might have known na may mali dahil ang sabi mo, sabi nung Kapitan ideliver niya sa bahay nito ang order niya. Eh bakit may dumating para kumuha.

Sheryl:  Yun din ang hinala ng mga Pulis, alam na ni Tatay na baka mapahamak sila. Dahil ng makita ang katawan ni Tatay nasa labas ng bodega nakahandusay 17 saksak ang tinamo at si Maya nasa loob ng bodega, bahagyang nakasara ang pinto, tulala at tumutulo lang ang luha.

Joax:  Kaya ganyan si Maya, she has episodes and probably can still remember that incident every time nakakabangga ang mga katulad ni Badong.

Sheryl:  Ganon na nga.

Robby:  So, nahuli yung Kapitan?

Sheryl:  Hindi, marahil kinokonsensya at nalaman na din siguro niya ang narinig ni Maya, bago pa nahuli, nagpakamatay na.  Iniwan ang isang papel, na humihingi ng tawad at may dalawang pangalang nakasulat. Marahil pangalan ng mga napagutusan niya. Pero hanggang ngayon hindi pa rin nahuhuli ang mga ito.

ASTIGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon