Chapter 42 - Respeto

1.6K 133 17
                                    

Kinabukasan bandang alas sinko ng hapon dumating kila Maya si Isagani at Grace sakay ng pick-up ni Maya.

Robby:  Uy, mabuti nakarating kayo.

Grace:  Hi Maya. She!

Nagyakap ang tatlo.  Ipinakilala ni Sheryl ang mga ito kay Nanay Berna.  Tahimik lang na  bumalik sa pagliligpit si Maya.

Robby:  Mabuti nahanap ninyo ito.

Isagani:  Ka-convoy namin si Joaquin pero ng makarating kami dito hindi na tumuloy, baka nandyan lang yon sa labas.  Bakit ba?  May nangyari ba?

Napatakbo si Maya sa labas ng kalsada, pilit hinahanap ang sasakyan ni Joaquin. Pero hindi niya ito nakita, malungkot na bumalik ito sa ginagawa niya.  Si Joaquin nakaparada sa ATC sa tapat ng lugar nila kaya kitang kita niya ng lumabas si Maya para hanapin siya pati ang malungkot na mukha nito ng hindi siya makita.

Sheryl:  Saan kayo tumutuloy? Sa Mansyon?

Isagani:  Hindi, dyan sa isang unit sa hotel. 

Sheryl:  Ayos!  Dyan din kami pansamantalang tumitigil habang ginagawa ang subdivision eh.

Grace:  Oy, sabi nila ang ganda daw ng subdivision mas maganda pa sa Haven Village.  Sana makita namin.

Robby:  Pwede naman tayong pumunta don ngayon, ayan lang yon sa tapat eh.  

Bumulong si Sheryl.

Sheryl:  papano si Maya.

Robby:  Nay, pupunta lang ho kami sa subdivision para makita nila Gani at Grace. Isasama ko na din ho si Maya para makita niya ang design ng bahay ninyo at yung kay Baste. Ipinalipat ho kasi ni Maya yung kila Baste sa malapit sa inyo. Nay, wala ho si Joaquin nasa Hacienda pinauwi ni Tito kanina.

Nanay Berna:  Sige, pero bumalik kayo agad ha.

Robby:  Opo.

Sumakay silang lahat sa kotse ni Robby.  Nagtext si Sheryl kay Joax na papunta sila ng Subdivision.  Umikot sila sa mga kalsada ng Havensville.

Grace:  Wow ang ganda nga.

Robby:  Dito itatayo ang mga bahay ng mga kapitbahay nila Maya.  Yung mga nasa unahan naman ang mga for sale na mga units.  Yun kasi ang mga 3 bedroom houses. Kasama don ang bahay nila Maya.  Yang, itinatayong yan 2 bedroom house. Yan namang isa single bedroom house.  At walang mga bakod at gates ang mga bahay dito parang sa US.  Dahil ang buong subdivision will be protected by concrete walls with electric wire on top at mga CCTV.  Lalagyan ito ng centralized alarm system. Kapag may nagtangkang pumasok, magaalarm at maririnig ng lahat ng nakatira dito.

Grace:  Wow, sosyal!

Maya:  Wala namang mananakaw dito eh puro kami mahirap na titira dito.

Robby:  Dito itatayo ang bahay ni Joax.  Dito niya gustong tumira at bumuo ng pamilya.

Tinungo ni Robby ang pinakadulo ng Joan Blvd. 

Robby:  Yang bakanteng lupang yan ang lupa ni Joaquin na pagtatayuan ng bahay niya.

Isagani:  Wow ang laki. Swerte naman ng mapapangasawa ni Joax no?

Robby:  Kung magkakatuluyan nga sila, si Joax na ang pinakamasayang lalake sa mundo. Pero kung hindi malamang na magisang titira si Joax sa bahay na itatayo dyan.

Isagani:  Ang ganda ng color scheme at designs parang mga bahay sa ibang bansa.

Robby:  Si Joax ang nagdesign niyan pati mga kulay.

ASTIGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon