Chapter 63 - Proud BF

2.6K 155 15
                                    

Bandang alas sais, nakabihis na si Joax, Baste at Robby.  Pinuntahan nila sila Maya sa kwarto.

Sheryl:  Pasok kayo, pasensya na kayo ang kalat namin ha. 

Janine:  I cannot decide which to wear eh.  Tama si Maya dapat pumili na ako at hindi ko na dinala yung iba eh.  Now, am torn.

Joax:  Nasan si Maya? 

Sheryl: Ipinasundo ni Tita Vicky, may problema ata sa pagkain pero bitbit na niya ang damit niya doon na siya magbibihis.

Janine:  Guys, help me out.  Which one?

Itinaas ni Janine ang isang green na spaghetti strapped low front at  shinny na dress at red velvet  na backless.

Baste:  I think the red one is you. Eye catching pero the front is just right. Yung green sarado nga sa likod eh hanggang pusod naman ata ang bukas sa harap.

Ngumiti si Janine.

Janine:  Red it is and I've got a matching shoes to it.

Sheryl:  Babe, pazip naman sa likod.

Lumapit si Robby at isinara ang damit ni Sheryl. Nakaitim na off shoulder long cocktail dress naman si Sheryl. Nagtimpla ng kape si Joax  at naupo sa harap ng coffee table. 

Joax:  Sheryl, Janine, do you know how Maya knew all about what she said kanina sa pool side?

Sheryl:  Two months pa lang kayong mag-on nagsimula ng magself study si Maya. When she has the time kahit nasa byahe nagaaral ng french, italian at spanish. She also read about business. Kapag nasa office ka at nasa bahay kami ni Daddy he's teaching me about the business, kasama ko si Maya. She has been training with the Capili Sales and Development Team everyday for more than six months now from 1pm to 5pm.

Janine: Nagbasa siya ng mga articles about high society lifestyles. Kapag binuksan mo ang laptop niya check the history. It's all about what's the most expensive things. What's in with rich people. She read about table etiquette and all that. Matagal na siyang nagaaral Joaquin dahil nong sagutin ka niya ang dilemma niya is that she might not fit in your world.  At kung susubukan man niyang pasukin ang mundo mo, ayaw niyang mapahiya ka. 

Joax:  Janine, we saw you went to Crimson one time, may dalawang gwapo kayong lalaking kasama what was that for?  

Janine:  Those are my friends, mga  Asian and International Chef's.  Gusto ni Maya na matest ang mga nalalaman niya so I asked a friend to help her out.  She read menu after menu, so she can make sure she pronounced them properly. She also learned how to use a chopstick.

Baste:  Eh yung dalawang lalake sa isang fine dining restaurant?

Janine:  Friends ko din, doon kami kumain so Maya can test her table manners pati ang klase ng mga kubyertos na gagamitin sa bawat meal inalam niya. She memorized the 12 course meal Joaquin. She knows every expensive hotels and restaurants Menu.

Sheryl: She did all that for you. Ganon ka kamahal ni Maya Joaquin. Hindi niya pinangarap maging mayaman, pangarap lang niya na bumagay sa mundo mo without losing herself.

Ngumiti si Joax.  Wala siyang kaalam-alam na matagal na palang pinuproblema ni Maya ang bagay na yon. Nalungkot siya ang nasa isip... "Hindi niya dinalaw si Maya tapos ipinaramdam pa niya kung papano kapag mas importante ang iba kaysa sa kanya yon pala naman ginagawa nito lahat para sa kanya. Mahal siya ni Maya ng sobra pa sa inaasahan niya bakit ba hindi niya naisip yon?  Bakit ba hindi niya pinanghawakan ang araw na mas pinili nitong mahulog sa bangin kasama niya kaysa iligtas ang sarili. Tama si Sheryl, hindi nagsasalita si Maya, hindi mo alam kung nalulungkot o nahihirapan ba ito pero gagawa ito ng paraan para mapagbigyan ang ano mang gustuhin ko. Ganon niya ako kamahal."

ASTIGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon