Kabanata 1

97.2K 2.8K 2.3K
                                    

"LUMIKHA ang mga Kastila ng istrukturang panlipunan na tinatawag na limpieza de sangre (purity of blood) mula sa payak na kaayusang panlipunan ng mga katutubong Pilipino. Ito ang nagbigay-daan upang mapanatili ang kaayusan ng lipunan, masiguro ng mga Kastila ang kanilang kapangyarihan, at matiyak ang kanilang ekonomikong interes sa Pilipinas."

Kasalukuyang nagtuturo si Professor Lincoln Montgomery Mendoza ng Philippine History habang nakasandal ang likod nito sa harap ng mesa. Mula naman sa white board ay nakasulat doon ang political structure noong panahon ng Kastila magmula sa hari hanggang sa cabeza de barangay. Pasado alas nueve pa lang ng umaga, kaya marami sa mga kaklase ni Choleng ang hinihila pa ng antok idagdag pa ang malamig na buga ng kanilang aircon.

"Ang istrukturang ito ay nahahati sa iba't ibang klasipikasyon: una ang peninsulares o mga Kastilang ipinanganak sa bansang Espanya; ikalawa naman ay insulares o mga Kastilang ipinanganak dito sa Pilipinas; ikatlo ay ang Spanish mestizo na ipinanganak na may lahing Kastila at lahing indio; ika-apat ay principalia o mga namumunong elitista (elite class) sa bayan at creoles o mga katutubong may lupain; sunod ay ang Chinese mestizo na ipinanganak na may lahing Tsino at lahing indio; at ang huli na pinakadiskriminado sa istrukturang ito ay ang mga indio. Ngunit nang sumapit ang ika-labingsiyam na siglo ay umusbong ang panibagong klasipikasyon para sa mga Pilipino. Sila naman ang tinatawag na educated class o ilustrado. Sila ang mga Pilipino na nakapag-aral at namulat ang isip sa tunay na kalagayan ng bansa . . ."

Habang patuloy sa pagsasalita si Professor Mendoza ay kinalabit si Choleng ng kanyang best friend na si Rachelle Lopez saka mahinang nagsalita.

"Narinig kong usapan sa faculty na dating sundalong Amerikano ang lolo ni Prof. Mendoza. Kabilang din daw ang lolo niya sa prisoners of war at kalaunan ay naging kasapi ng most wanted guerilla group noong panahon ng Hapon. Nang matapos ang giyera ay nakapangasawa ang lolo niya ng Pilipina sa New York. Pero dito na raw sila sa Pilipinas namalagi matapos magpakasal." Chika nito sa kanya.

"Halata namang may lahing Amerikano si Prof. Mendoza. Maputi ang balat, matangos ang kanyang ilong, at tisoy kahit nangingibabaw sa mukha niya ang pagiging Pilipino." Pagsang-ayon na komento ni Choleng. Pagkatapos ay itinapat ang hawak na bulaklaking panyo sa kanyang bibig para ikubli ang paghikab.

"Kanina ka pa hikab nang hikab, baks. Magdamag ka bang nanood ng Kdrama?" Puna nito sa kanya.

"Awat muna ako sa Kdrama, baks. Balik-loob muna ako ngayon sa animé. Katatapos ko lang panoorin iyong last season ng Bleach sa Netflix. Kagabi ko lang sinimulang basahin sa online manga iyong Thousand Year Blood War. Puro stress lang ang inabot ko sa kuwento dahil ang daming characters doon ang nategiboom." Naiinis na reklamo ni Choleng.

Jusme! Na-stress siya nang kabonggahan kay Yuhabadabadabababalu pati sa mga alipores nitong Quincy. Ang gaganda rin ng mga bagong bankai. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin siya maka-move on sa bankai ni Head Captain Yamamoto na Zanka no Tachi, Minami: Kaka Jūmanokushi Daisōjin (Longsword of the Remnant Flame, South: Great Burial Ranks of the Ten Trillion Fire Dead). Gabi pa naman niya binasa iyong manga, kaya sobrang creepy sa pakiramdam na tila ba may hihila rin sa paa niya na mga kalansay.

"Saka medyo napuyat din ako sa research natin." Matamlay niyang tugon habang pinipigilan ang sarili na huwag pumikit.

"Hindi mo pa rin tapos iyon? Sino palang Gobernador-Heneral ang niri-research mo?" Salubong ang kilay na tanong sa kanya ni Rachelle.

Education major in History ang kinuhang kurso ni Choleng at isa sa requirements ni Professor Mendoza para sa kanilang Philippine History ay ang mag-research tungkol sa mga naging Gobernador-Heneral ng Pilipinas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 3 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

El Gobernador General De Mi CorazónTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon