ILYGB- Itanong mo sa mga bata^^

314 20 10
                                    



Katatapos lang pakinggan ni Hero ang ilang kanta noon ni Glaiza. Palagi nyang pinapakinggan ang mga ito kapag namimiss nya ang mga magulang. Ilang linggo na rin kasi ang lumipas at naging madalas ng wala ang dalawa sa bahay. Umuuwi na ang mga ito at naabutan na nilang tulog ang mga anak.


Nakakaramdam din naman ng lungkot si Glaiza pero kailangan nyang tapusin ang kontrata nya sa GMA network. Pinag-iisipan na rin nya ang pag-alis muna sa showbiz. Pero marami pa kasi ang naging project nya nung bumalik na sya. Mas marami ang kumukuha sa kanya as talent kumpara kay Marx.


"Yaya Mids, wala pa po ba sila My?"tanong ni Hero sa Yaya nila pagkababa nya galing ng kwarto nya. Naabutan nya sila ni Sky na nakaupo sa couch at nanunuod ng TV.



"Wala pa Hiro eh. Hindi ba nagtext sayo kung hendi pa sila uuwe?"



"Okay. I just check my phone upstairs. Tapos Ya, kain na tayo ha. Gutom na ako eh."


"Oki Hiro. Ihanda ko lang kakainin nyo."




Bumalik si Hero sa kwarto nito at kinuha ang phone sa bedside table nya. At laking tuwa nya ng makatanggap sya ng text galing kay Glaiza.


From Mommy:


"Hi Hero, kamusta kayo dyan ni Sky? Kumain na ba kayo? Sorry ha. Late na makakauwi si Mommy. I love you. Kiss mo ako kay Sky, Kuya. Mwaaah.".



Bagsak ang balikat nyang nilapag ang phone sa kama nya.


"Lagi nalang kayong busy."sambit nito at tumayo na.




/



"Sky, what happened to you? Bakit ka umiiyak?"



Aligaga ngayon si Hero. Kauuwi lang nya galing ng school at naabutan nya si Sky sa kwarto nila na umiiyak.



"I miss Mommy, I miss Daddy. Kailan ba sila uuwi Kuya? Kailan ba natin sila ulit makikita at makakasabay kumain? Lagi silang busy sa work nila." 😢


Tumabi si Hero sa kapatid nya. "Tss. Huwag ka ng umiyak. Nakikita naman natin si Mommy every morning diba? May time pa sya for us. She prepared our breakfast. Baon natin sa school. She prepared everything for us bago sya mag-work right?"



"Eh si Daddy? Hindi ko na sya nakikita."



"Maybe....tomorrow. Makita na natin sya. Kasi Sky, kahit ako. Namimiss ko na din sila eh."he hugged Sky. "Huwag ka ng umiyak ha. Ayaw ni Kuya na nakikitang umiiyak ang baby sister nya."



"Ano bang ginagawa mo Kuya kapag nalulungkot ka? Kapag namimiss mo sila Mommy?"



He smiled. Naisip nya yung isang bagay na nakakapagpagaan ng loob nya everytime na namimiss nya sila Glaiza.



"Pinapakinggan ko lang ang songs ni Mommy."



"Tapos nun, mawawala na yung luha mo?"



Hero nodded. "Tara. Pakinggan natin songs ni Mommy. For sure mawawala yang luha mo."



Binuksan ni Hero ang phone nya at pumunta sa files nya na puro kanta lang ni Glaiza ang nakasave doon. Kung may pinaka number one na fan si Glaiza pagdating sa music. Si Hero yun. Halos lahat kasi ng kanta ni Glaiza noon ay pinapakinggan nya pa rin hanggang ngayon.




"Malungkot ka pa rin ba, Sky?"



Sky shrugged. "No na Kuya. Pero pakinggan pa rin natin ha. Namimiss ko na talaga sila Mommy eh."



Familia TOPACIO (MagandangSimulain)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon