ILYGB- Last"CHA"pter

759 37 20
                                    





Maagang nagising si Glaiza. Pero bago sya tumayo.. pumikit sya muli at nagdasal saglit. Ngumiti sya at muling inalala ang nakangiting mukha ni Hero. Masaya na sya ngayon at tanggap na nya ang lahat.

Nilingon ni Glaiza ang natutulog nyang asawa. Hinalikan nya ito sa pisngi.

Tumayo si Glaiza at lumabas ng kwarto nila. Balak nyang ipagluto muli ng agahan ang mag-ama tulad ng dati.

Napansin nyang bukas ng pinto ng kwarto ni Sky. Lalapitan na sana nya ito pero nakarinig sya ng mahinang paghikbi na galing sa hagdan. Lumapit sya doon at nakita nya si Sky na nakaupo at nakayuko.

"Anong ginagawa mo dito?" Tumabi sya sa anak.

Gulat naman na nilingon ni Sky ang nanay nya. "I'm sorry My... I mean.. Mom."

Ngumiti si Glaiza. "Its okay. Kung gusto mo akong tawagin na My."

"Babalik na po ako sa room ko.."

"Ayaw mo bang kasama si Mommy bunso?" Tanong ni Glaiza na nagpahinto kay Sky.

Bunso?
Sa isip ni Sky. Sa loob-loob nya ay sobrang saya nya na muli syang tinawag na bunso ni Glaiza at muli syang kinausap nito. Umupo ulit si Sky at parang pinapakiramdaman si Glaiza.

"Bad dream again, Sky?" Tanong ni Glaiza.

Tumango ang bata. "Nakita po kita sa dream ko. Iniwan mo daw po ako at sumama ka kay Kuya Hero. My, natatakot ako... ayaw kitang mawala sakin." Sabi ni Sky sabay tingin kay Glaiza. Nakita nya ang maluha-luhang mata ng bata.

"Listen to me baby. Hindi ako aalis okay? Dito lang ako. Hindi kita iiwanan."

"Promise My?"

"I promise."

Napansin naman ni Glaiza na medyo naiilang si Sky sakanya. Niyakap nya nalang ito. "I'm sorry bunso." Bulong ni Glaiza. Nagsisimula na namang mag-unahan sa pagbagsak ang luha nyang hindi nauubos.

"Hindi ka na galit sakin My?" Tanong ni Sky. Naluluha na din ang bata.

Umiling si Glaiza. "Hindi ako nagalit sayo Sky. Nasaktan lang talaga si Mommy sa nangyari kay Kuya."

"Pero ngayon po. Okay ka na My? Hindi ka po iiyak?"

"I can't promise not to cry Sky. Pero promise. Okay na si Mommy. Kasi nandyan ka. Nandyan kayo ni Daddy mo. I love you so much Sky." Hinalikan nya ang anak sa noo nito at niyakap na muli.

"I love you din po My."









Nakangiting pinapanuod ni Marx ang mag-ina nya. Masaya sya sa mga nakikita nya ngayon. Masaya sya para sa asawa nya. Na sa wakas... nakaalis na rin sa nakaraang masalimuot. Sa nakaraang pilit syang nilalayo sa kanila. Sa nakaraang muntik ng makapagpalayo sakanila kay Glaiza.

Tumingala si Marx. "Nakikita mo ba sila ngayon Hero? Salamat at dinalaw mo ang Mommy mo ha. Salamat at pinalinaw mo sa isip nya na hindi natapos ang buhay nya ng mawala ka. Salamat dahil kahit wala ka na samin ngayon... ikaw pa rin ang nagpapasaya samin. Lalo na sa Mommy at kapatid mo." Muling nilingon ni Marx ang mag-ina na nya na magkayakap ka pa din. "Thank you Kuya Hero." Sambit ni Marx.

//








Months after...










"Congratulations Sky... ang galing-galing talaga ng bunso namin." Masayang niyakap ni Glaiza ang anak nya. Ngayon kasi ang recognation ng anak nito sa school at sya ang nakakuha ng first award.

"Thank you My..."hinalikan nya si Glaiza sa pisngi. "This is for you My and ofcourse... for baby Heaven.." hinaplos ni Sky ang tummy ni Glaiza.

"Oops. Nagrerest pa si Baby Heaven sa tummy ko eh. Hayaan na muna natin sya. For now. Puntahan na natin si Daddy sa labas. Pupunta pa tayo kay Kuya Hero."

"Okay po."

Magkahawak kamay na lumabas ng veneu sila Glaiza at Sky.

//







"Hi Kuya Hero.. look oh. I got medal. Hihi." Nilapag ni Sky ang medal nya sa lapida ng kapatid. Hinaplos nya ang pangalang nakaukit doon. "I miss you so much Kuya..."

"Kuya.. kamusta ka na dyan?" Sambit ni Marx. Magkakatabi sila ngayon na nakaupo sa damuhan. Nasa harap nila si Sky na tuwang-tuwa dahil sa wakas.. kumpleto sila ngayon na dumalaw sa puntod ng kapatid.

"Ano kayang ginagawa nya ngayon doon? Hero.. kung nakikita mo man kami ngayon, gusto ko lang sabihin sayo anak na. Miss na miss ka na namin anak."

Inakbayan ni Marx ang asawa nito. Nararamdaman nya ang panginginig ng boses ni Glaiza.

"Kuya.. i have good news for you. Magkakaroon na tayo ng baby Heaven. Yiiieh." Masayang sambit ni Sky sabay haplos sa tyan ni Glaiza na nagpangiti sa kanya. Bakas sa mukha ng bata ang tuwa na magkakaroon ulit sya ng kapatid. "Sayang nga lang at wala ka na. Pero para sayo Kuya.. aalagaan ko ang kapatid natin. Promise yan."

"Teka.. Heaven? Eh hindi pa nga natin alam kung babae yan diba?" Napatingin ang mag-ina kay Marx. Napaisip pa silang dalawa sa sinabi nito.

"Oo nga no." Pag sang ayon naman ni Glaiza. Tumingin sya kay Sky. "What do you think bunso?"

"Hmm. Edi pag baby boy po yang nasa tummy mo.. Cloud nalang po. Hihi." Sky giggled. Natawa si Marx sa sinabing pangalan ni Sky.

"Why Dad?"

"Wala. Wala. Ang kyuut kasi ng mga names ng anak ko. May Hero, Sky.. Heaven tapos ngayon.. Cloud. Hahaha. Ang hilig natin sa matataas ha." Sabi ni Marx na nagpatawa sakanilang mag-asawa habang si Sky ay nakatingin lang sa kanila at tila nagtataka sa sinabi ni Marx.

//


"Paano Kuya? Alis na kami ha. Babalik kami ulit. I love you Kuya Hero...." sambit ni Glaiza sabay halik sa ilalim ng palad nya at idinikit iyon sa lapida na may pangalan ng anak.

"Bye Kuya.." paalam naman ni Sky.

"Lets go." Kahit na malaki na ang anak. Ay kinarga pa rin ni Marx si Sky. "Ang bigat mo na din Sky ha." Sabi ni Marx at nagkunwari itong nahihirapan na magsalita.

Masaya si Glaiza sa nakikita nya ngayon. Kahit nawalan na sila ng isa.. nabuo pa din ang pamilya nila dahil hindi sumuko sakanya ang mag-ama nya. Laking pasasalamat nya kay Marx dahil kahit na anong mangyari ay hindi sya nito pinabayaan. At ngayon mas masaya sya dahil magkakaroon ulit sila ng panibagong baby sa buhay nila.


"Salamat at bumalik ka samin, Cha.."



"Salamat sayo.. at hindi ka sumuko sakin."



"Mahal kita eh." Sambit ni Marx sabay halik sa asawa nya.





"Mahal din kita Marx.."








And they live happily ever after.. at masaya din po silang pinapanuod ni Hero mula sa taas.

//



The end..

A/N:

Thanks sa lahat ng nagbasa nito. Hanggang sa muli kong paggawa ng bagong story ng GlaiMarx😊

Familia TOPACIO (MagandangSimulain)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon