Third Person's PoV
(May 15, Monday. 6:23 AM)
"Yah! Good morning earth world! Yeah! I'm alive! Ay. I'm awake pala! Hihi. "
Isang panimulang alburoto ni Soocky sa napakagandang umaga. Inunat-unat nya lahat ng ugat nya sa katawan. Bago alisin ang kanyang sarili sa kama.
"La-lala-la-lalala. LALALALALAL!!!!! "
Ay. Grabe ang energy! Abot hanggang mars.
Kitams. Napakabibong babae, talo pa ang 7 taong gulang na bata sa lakas ng energy. Di mo talaga ma iimagine na ang isang 23 taong gulang na babae eh, may ganoong ugali. At tsaka di rin halata sa kanya na isa na syang dalaga. Dalaga pa nga ba? 23 years old? Hahaha.
Sya nga pala si Soocky Bong Dolmi (weird ng name ano? Eh, sa weird din sya. Haha!) Pag uulit ko. 23 taong gulang. Babae. Single. Nakatira sa isang village sa Makati.
May isa syang kapatid na lalaki. Doctor sa isang pribadong Ospital.
Ang mga magulang nya naman ay may negosyong mina-manage. Yun ay isang Café. At ang Nanay at Tatay nya mismo ang gumagawa ng kape at nag bi-bake ng tinapay, cookies, at cakes para sa mga costumers.
Simple lang at masaya ang kanilang pamilya. Nakain sila tatlong beses sa isang araw. Minsan pa mga lima. Kasama na ang midnight snack at merienda. At Kung may mga problema mang dumarating sa kanila, nagkakaisa sila. Problema ng isa. Problema ng lahat.
Through thick and thin, they're always together. Ganern!Ay. Teka, si Soocky...
"Five little monkeys jumping, on the bed. One fell off ,and bumped his head. So momma call the doctor, and the doctor said, No more monkeys jumping, on the bed. "
Kanta nya, papunta ng banyo para gawin ang morning rituals nya.
Hays.. Sasabihin ko na sa inyo, sya ang panganay.
Dapat ang panganay ang una sa lahat. Una sa bagong gamit. Unang makapagtapos. At dapat una rin makapagtrabaho.
Pero sa lagay ni Soocky. Sya pa ang walang nahahanap na trabaho.
Alam nyo kung bakit?
Kasi...
[Flashback]
1 month ago...
(4:29 AM)
Maagang-maaga na gising si Soocky, kasi nga excited syang maghanap ng trabaho.
Graduated sya ng Bachelor of Performing Arts, sa London.
Yun kasi ang gusto nya. Gusto nya sa Music at Dance. So ayun yung kinuha nya.Pina-aral sya, sa tulong syempre ng kanyang magulang, at ng kanyang Tiya na, nasa London.
Walang anak ang kanyang tiya, at sya ang paborito. Kaya doon sya nagstay at nag aral ng Apat na taon.
Sooo yun...
Balik tayo.
Yun na nga... Eksayted na eksayted si Soocky. Naligo. Nagsuot ng formal attire. Blazer na black na hanggang siko, at white blouse with ribbon inside. Pencil cut na palda, at 3inches na black shoes. Para sa kanyang Job Hunt. Haha!
(A/N: Sorry. Di kasi alam ang tawag sa damit. Chuchuvarness na porma nayan. Hahaha. Di po ako mahilig sa fashion. Beriberi light lang. XD)
(6:15 AM)
Nang makatapos na sya. Bumaba agad sya para makapagpaalam sa kanya nanay at tatay.
"Mother. Father. Gentleman. Alis na po ako"