OMG 0.03 Unexpected Applicant

22 0 0
                                    


Qhy's POV

Dali dali akong naglalakad, patungong M. E. ng may na......

*BLAAAAAAAG*

May nasagi pala akong babae. Dahilan para sya'y masalampak sa lupa.
Hahayaan ko nalang sana sya, kaso nakita kong nakadapa parin sya sa lupa. Kaya nilapitan ko.

"Miss? Okay ka lang? "  tanong ko sa kanya. Mga ilang minuto ko syang hinintay para sumagot, pero di sya sumasagot. Kaya tinawag ko ulit.

"Miss?"

Medyo kinakabahan na ako. Baka malala talaga ang pagkadapa nya. Di ko talaga sya napansin, dahil sa pagmamadali ko.

"Miss. Naku! Dalhin nalang kaya kita sa ospital? "

Akmang bubuhatin ko na sana sya.  Kaso bigla nalang syang tumayo, at--huh? nag jumping jack?

"56,57,58,59,60" pagbibilang nya na nagjujumping jack parin.

Pinagmasdan ko sya ng maiigi, kung okay lang ba talaga sya.

Pero napansin ko ang kanyang kaliwang pisnge na namumula at may maliit na galos. At pati rin sa kanyang kaliwang tuhod na may galos.

Napasapo nalang ako sa isipan ko. Di kasi ako tumitingin sa dinadaan ko. Kaya ito tuloy may na bangga ako.

Tinanong ko ulit sya.

"Eh? Okay ka lang miss? " Kunot noo ko syang tinignan. Di talaga ako mapakali eh. May galos sya. Sa kinis at puti ng kanyang balat mahahalata mo talaga. Pati narin sa pisnge nya. Naku! Nagkagalos talaga sya dahil sakin.

"Opo. Mamang kuya! Kita mo naman diba? Nag exercise lang talaga ako. Hehe" sagot nya sakin na parang wala lang talaga sa kanya ang mga galos. Haysss. Imposible tong babae.

Siguro kung ibang babae ang kaharap ko. Baka na sampal na ko. O ipinakulong na dahil sa natamong galos. Pero sya. Wala lang talaga.

"Ha? Eh bat ka nakasalampak sa lupa? " tanong ko. Naghihintay ako ng isasagot nya. At naghihintay rin ako na baka pagalitan nya ako. At tatanggapin ko yun. Kasalan ko naman talaga eh.

"Ah.. Haha! Nagyoyoga din po kasi ako. Hehe. Isa din po yun kasi sa mga yoga steps."

Pero.... Wala eh. Di nya sigurp alam na ako ang nakabangga sa kanya. At Naisipan pa talaga nyang magpalusot. Haysss. Ibang klase.

Wala na akong magagawa. Okay lang daw kasi sya. Kaya. Wag ng pilitin.

"Ah.. Ganun ba? Ma i-try ko din nga yun. Sige una na ko. Hehe. " sinakyan ko nalang ang pagpapalusot nya. Baka kung anu-ano na namang kahanginan ang ipapalusot nya kung magtatanong pa ako. Hays.

"Okay po. Hehe. Sige po. " sagot nya.  At di parin nahinto sa pagtatalon talon.

Naglakad na ako papuntang M. E. na di ko napigilang ngumiti.

"Tss. Ibang klaseng babae."

Di ko alam kung anong klaseng babae yun. Sa ganda ba naman nya? Wala talagang bahid na pag ka-arte. Ngayon lang talaga ako nakasalamuha ng ganung babae.

Di katulad sa mga nakakasalamuha ko dito sa trabaho ko, di lang sa trabaho pati narin sa mga nakikilala kong babae eh. Konting gusot lang yata sa damit big deal na sa kanila. Pero dun. Hay...  Napapailing nalang talaga ako. Haysss.

"Miss Yoga. Tsss." Sana makikita ulit kita. I smiled widely.

-

It was already 2:00 o'clock in the afternoon. Still wala parin akong nakukuhang tawag, na mag aapply dito sa M. E.

Oh, My Girl!Where stories live. Discover now