Chapter 1: Go to Infinitea or not?

42 3 2
                                    

"Hoy, 'di ka nanaman nagsasalita? Nandiyan ka pa ba?", sabi ni Bry sa kabilang linya. "Ha? Ahh, oo. Nandito pa ako. May naisip lang ako bigla.", sabi ko. Hindi ko pinapahalata sa kanya na problemado ako.

"Sure ka? Siguro iniisip mo nanaman si Jane no?", sabi ni Bry.

"Yun? Iisipin ko? B't naman? NO WAY.", sabat ko.

"Hayy, ikaw talaga Ysa. In denial pa din. Halata naman eh."

"Ehh, kung di ko nga siya iniisip eh. B't niyo ba pinagpipilitan? Hayy. Oy, BRB. Kain lang kami.", sabay baba ko ng phone.

Kaasar eh. Pagpilitan ba na iniisip ko yung tao. Naku naman.

Ayy, bago ko makalimutan. Let me introduce myself. Ako nga pala si Ysabelle Navato. Incoming fourth year sa Northville High. Makulit ako, sobra. Sabi ng mga kaibigan ko funny rin daw ako. Ano pa ba? Emotional rin ako. Halata naman sa introduction ko di'ba? Hayy buhay, parang life. 

*Tententen I'm feeling sexy and free...* Tumutunog nanaman phone ko. Domino ni Jessie J kasi ringtone ko. Hahaha. 

Sht.

Nawala nanaman yung ngiti sa labi ko kasi tumatawag nanaman yung taong hindi ko alam kung gusto ko o hindi. Yung sinasabi ni Bry. Si Jane.

Patrick Simon Jane. 17 years old. Incoming fourth year sa Blue Rock Academy. Gwapo? Medyo. Joke, sige na nga. Oo na, sobrang gwapo niya. Mayaman pa tapos matalino. Yung ideal guy na gugustuhin niyo. Hindi ko siya tinatawag na Patrick or Simon kasi para sakin mas cool ang Jane. Mas sosyal. Haha.

Siguro nagtataka kayo kung paano kami nagkakilala. Next time ko na ikkwento. Pero ngayon, sasagutin ko muna yung tawag ng mokong na 'to.

"Hello?"

"Hello,Ysa."

"Bakit ka tumawag?"

"Wala lang, bored kasi ako ehh. May kausap si Bry sa phone tapos wala ako kasama ngayon dito sa infinitea kaya yun mas lalo akong bored." , sabi niya. Kaasar. So, tatawagan lang niya ako 'pag hindi available si Bry? Sus. Halata naman crush niya yung tao eh. -_- 

"Ahh, okay.", sabi ko. Siyempre magpapaka-NR (No Reaction) ako. Para mahalata niya na naasar ako.

"Okay ka lang Ysa?", tanong ni Jane.

"Oo naman."

"Gusto mo pumunta dito sa Infinitea? Halika dito, tambay tayo.", sabi niya. Hayy nako. Lagi niya ako tinatanong kung gusto ko pumunta dun, eh alam naman niya na maghihindi ako.

"Hindi ako pwede ngayon e. May gagawin pa kasi ako. Tsaka mainit kaya. Tsaka wala akong transpo.", sabi ko. Siyempre, nagdadahilan lang ako. Sa totoo lang ayoko pumunta. Wala lang, trip ko lang hindi pumunta. 

"Eh, di ako magbabayad ng transpo mo. Pahatid ka dito tapos ako na magbabayad sa driver. Aircon naman din dito kaya kahit na mainit sa labas pagdating mo dito malamig na.", sagot niya.

Hayy, akala ko makakalusot ako. Isa na lang pwede kong irason....

"Ehh kasi busy talaga ako eh. May pupuntahan ako mamaya. Sorry. Next time nalang.", sabi ko kay Jane. Sana maniwala siya, sana maniwala siya.

Sana maniwala siya... sana maniwal...

"Ahh, okay. Bahala ka.", sabi niya. 

Hala, nagalit ata. Sht. Ayoko pag siya yung NR. Nakakatakot ehh. Kailangan ko gumawa ng paraan para di siya magtampo sakin.

"Uyy, sorry talaga. Ano kasi, uhmm, may pupuntahan kami ng parents ko. Gusto mo next time?", sabi ko.

"Next time? Sure ka ha? Sabi mo yan. Next time mag-Infinitea tayo!", masiglang sabi ni Jane.

Jusko, halatang na-excite bigla. Di lang niya alam inuuto ko siya. Hayy, tsaka naman kasi hapon na. Magagalit sila mommy at daddy.

"Uyy, sige Jane. Bye na, alis na kami ehh.", sabi ko.

"Ha? Agad agad? Sayang naman. Sige na nga, bye."

"Bye."

I hang up the phone already.

"Akala ko ba si Bry kausap mo. Si Patrick Simon Jane pala eh. You ha. ;) Ehem ehem. :">"

"MOOOOOOOM! ANO BAAAA! USO KASI KUMATOK. >.< TSAKA KAILANGAN BA TALAGA NA FULL NAME MO SIYA TATAWAGIN?! PWEDE NAMANG PATRICK LANG."

"Sorry naman. Eto naman kung makasigaw, wagas. Ehh, b't ikaw? Jane tawag mo sa kanya, surname pa niya. Walang basagan ng trip, please.", sabi ni Mom.

"BAHALA KA. Hmp. Tsaka kasi naman bigla bigla ka na lang pumapasok sa room ka. Privacy, Ma. Uso yon. Tsaka si Bry nga kausap ko kanina. Bigla lang napatawag si Jane.", pagdadahilan ko.

"Tsss. Sabi mo ehh, oo na lang. Sige na bababa na ako. Kakain na.", sabi ni mommy tapos sinarado na niya yung pinto at bumaba na.

Hayy, mga magulang talaga. May kausap lang na lalaki crush na agad o kami na agad. Diba pwedeng friends muna? 

Bigla tuloy ako nagutom makakain na nga para makatulog na din.

GreenstreetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon