Chapter 5: Favors should have not been favored.

25 2 0
                                    

(JANE'S POV)

After namin maglaro ni Ysa kumain na agad kami. Nagutom daw siya sa pagtakbo niya. HAHAHA Ang kulit lang niya di'ba? Kaya crush ko yan ehh. 

Oops.

Joke lang hehhehe. Okay, sige na nga. Crush ko siya. :-" Pero secret lang natin ha. Bawal niya malaman kasi baka layuan niya ako. Alam niyo naman ---- girls. Hayyy. Pero mukang wala naman akong pagasa dun kasi yung kapatid kong si Wayne ang crush niya. Psh. Parehas lang naman kami ah. Magkamuka naman kami. B't di nalang ako? Hmp.

"HOOYYYYYY."

Araaayyy, sumigaw sa tenga ko si Ysa. Ano ba problema nitong babeng 'to? Bigla nalang maninigaw.

"Bakit?", tanong ko sa kanya.

"Ahh...ehhh. Hehehe Pwede akin nalang yang pancake mo? /:) Kung 'di mo na kakainin? Gutom pa ako ehhh. Hehehehe", sabi niya.

"HAHAHA Yun lang naman pala ehh. Sige sige.Sayo nalang. :>", tapos binigay ko na sa kanya yung pancake ko. Hindi naman rin ako gutom eh.

"Ysa gusto mo sa'yo narin 'tong akin? Ayaw ko na kasi ehh.", singit naman ni Wayne. 

Mukha naman nahiya ang loka at tumanggi. Suss, if i know nahiya lang siya kay Wayne. B't kay Wayne nahihiya siya. Tapos sakin hindi? Ano kaya yun? UNFAIR.

**After a f ew minutes**

"TAPOS NAKO KUMAIN!", sabi ni Ysa samin. Grabe ang takaw talaga, siya nalang hinihintay namin ehh.

Ayyyyy.

Anobayan, bigla na lang niya ako kinakaladkad. Saan ba kami pupunta?

"Hoy hoy hoy. Saan moko dadalhin? Bigla mo nalang ako kinakaladkad!", sigaw ko sa kanya.

"Ehh. Basta, basta. Manahimik ka na lang muna diyan. ;)"

Hayyy. Mas okay na 'to. Atleast, nahahawakan ko kamay niya. :") Sht, nababakla talaga ako pag kasama si Ysa. HAHAHAHA

Wait, bakit kami pumunta dito? Anlayo nito sa Pancake House ah.

Nasa may golf field kami.

"Anong ginagawa natin dito?", tanong ko sa kanya.

Binitawan na niya kamay ko. :(

"Uhmm. Jane, kasi ano. May favor sana ako. Kung pwede? Magpapaalam lang ako. Uhmm, may pupuntahan lang kami ni Bry."

Sabi na nga ba eh. Pupuntahan nila yung g*gong yun. Tsk.

"Bahala ka.", matipid kong sagot. Wala akong pakialam. Di naman nila kailangang magpaalam ehh.

Makaalis na nga dito.

(YSA'S POV)

"Uyy, Jane. Wait. Wait."

Hala, nagalit nanaman ata. Tsk.

"Babalik naman kami agad eh. Promise."

Tapos humarap siya sa akin.

"Saan ba kasi kayo pupunta?", tanong niya sa akin.

"Ahh. Ehh. Diyan diyan lang. Promise, babalik kami agad.", palusot ko. Bawal ko sabihin na kay Jaz baka magalit sakin eh.

Narinig ko siya nag-buntong hininga tapos tumango na lang siya. 

Bumalik na kami sa Pancake House.

Tapos bumulong ako kay Bry. 

Alam na niya yun.

GreenstreetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon