(YSA'S POV)
Magkayakap lang kami ni Jane ngayon. Hindi ko alam kung bakit pero parang napapakalma niya ako. Kanina talaga, parang nahiya ako sa kanila kaya naiyak ako. Parang ayoko nga bumitaw kay Jane eh.
"Sige na. Bitawan mo na ako. Okay na ako. Kung makayap akala mo walang bukas eh. Haha.", sabi ko kay Jane.
Ayy, nag-blush? Haha. Ang cute naman niya.
"Hoy, tama na yan. Puntahan niyo na si Bry dun.", sabi ni Wayne.
Ohmy, Wayne my labs. :( Nasaksihan niya yung yakap moment namin ni Jane. Anobayan, bawas points itey. Naku naman. =.=
Halatang nagulat si Jane eh.
"Uhmm. Oo nga. Halika na puntahan na natin sila.", sabi ko kay Jane tapos pinuntahan na namin sila. Sumunod naman si Wayne.
(WAYNE'S POV)
Psh. Yakap lang kinilig na agad kapatid ko. Palibhasa ang lakas ng tama kay Ysa.
Ang sarap nanaman pagtripan. >:)
"Hoy, tama na yan. Puntahan niyo na si Bry dun.", sabi ko.
Halatang nagulat silang dalawa. Haha. Hindi siguro nila alam na nandito ako. Si Ysa, bakit ganun yung mukha? Parang namatayan?
Tumayo na sila tapos pumunta na kila Bry. Sinundan ko naman sila.
After ilang minutes...
"Tama na ang dramahan. Nagkita kita nga tayo para mag hangout tapos puro naman kayo ganyan. Andami niyong sinayang na oras oh. Balik na tayo dun.", sabi ko sa kanila after nila magusap.
Hindi naman pala umiiyak si Bry. Tumawag daw si Jaz kaya siya tumayo kanina at umalis. Eto naman kasing si Ysa, assuming. Porque umalis si Andy at Bry, akala niya galit na silang dalawa sa kanya. Ang rason naman daw kasi ni Andy ay sinundan niya si Bry para kausapin.
Misunderstanding lang pala ang lahat.
After ko putulin yung dramahan nila, tumawa sila bigla.
Anong nakakatawa dun sa sinabi ko?
"Hoy. Anong nakakatawa?", tanong ko sa kanila.
"HAHAHAHA SIGURO INGGIT KA LANG KASI HINDI KA KASAMA SA DRAMAHAN NAMIN. =)))", sabi ni Ysa.
Ako maiingit? Psh.
"-____- HINDI NOH!!", tanggi ko naman.
"Asus, magdedeny pa eh. HAHAHAHA Huling huli na eh.", sabi naman ni Bry habang tumatawa.
"Eh, kung hindi nga eh. B't naman ako maiingit?", sabi ko naman.
"Oy, tigil na nga. Baka kayo naman tatlo ang magaway diyan. Tara na!", sabi naman ni Jane.
Hayy, buti na lang.
"Bro, salamat.", sabi ko kay Jane.
"Geh, bro.", sabi niya.
Pagkatapos nila ako pagtripan ay bumalik na nga kami sa Pancake House tapos nagkwentuhan, asaran, naglalaro din paminsan minsan. Mag-gagabi na rin eh.
Make the most out of it nga daw, sabi nila.
Sabihin ko na kaya sa kanya na gusto ko siya. Hmmm.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sino kaya yung gusto ni Wayne? Abangan! :>
Author's Note!
Please vote and comment. Thank you! :)