Chapter Two:

27 0 0
                                    


Dale Gomez.

Napasabunot ako ng buhok dahil sa tensyong nababalot sa amin ngayon. Sa sobrang tahimik feel ko mabibingi ako.

Wala naman akong kasalanan.

Wala akong ginawa.

Pero nandito ako nga sa Detention Office kasama ang mga mababait kong kaibigan.

'Pakiremind nga ulit sa akin kung ba't andito ako ngayon?' Naiinis kong tanong sa katabi ko.

'Kasi kaibigan natin si Guy.' Napairap naman ako sa sagot niya.

Nakakabanas tong isang to.

'Sa panglimang pagkakataon. Uulitin ko ah. Pakiremind nga ulit sa akin kung ba't andito ako ngayon? Pag inulit mo nanaman yang sagot mo papatayin na talaga kita!'

'Eh kasi nga kaibigan natin si Guy. Pag inulit mo nanaman yang tanong mo mumultihin kita.'

Yaaahhh! Ano ba?!!

'Wala ka na bang ibang sagot?!' Sigaw ko.

Kasi naman bigyan naman sana niya ako ng magandang sagot.

'Eh ikaw wala ka na bang ibang tanong?' Seryoso niyang tanong.

Napabuntong-hininga ako. Tatahimik na nga lang ako,walang kwentang kausap.

Napatingin ako sa babaeng kaharap ko.

Bakit pala siya nandito?

'Hey! Why are you here?' Tanong ko sa kanya pero di ako pinansin. 'Hoy! Bakit ka nandito?' Tanong ko ulit at sa pangalawang pagkakataon di ako pinansin.

Aish. Ano bang problema nila?

Ang bait ko kaya -,-

Sige eto na. Tatahimik na lang. Psh.

'Mavens.' Napaayos kami ng upo dahil sa pagdating ng kataas-taasan.

'And you Ms. Hidalgo.'

Napatingin kami lahat sa babaeng kaharap ko ngayon. Walang nagbago sa ekpresyon ng mukha niya.

Babae ba to? Ba't di alam matakot. Aish.

'It is written in the handbook that mavens should protect all students. Am i right?' Napatango kaming lahat sa tanong ng kataas-taasam. 'Then give me a valid reason kung bakit niyo ginawa yun?'

Napayuko ako. Wala akong ideya. Wala akong alam.

Tangina! Ano bang kasalanan namin?!!

'Dale Gomez.' Lumaki ang mga mata ko.

Shit! Ba't kailangang ako pa?!

'Ah k-kasi po ano umm a-ano ka-kasi umm--' tangina! Tangina talaga! Wala akong maisip!!

'Because it is written in the handbook that Mavens should protect ALL students.' Parang nabunutan naman ako ng tinik ng sumagot si Key.

'And yes I am also a student.' Pagpapatuloy naman ni Guy.

'And why do you say so? Explain it.' Nakakunot-noong tanong ng kataas-taasan.

Mukhang naguluhan siya. Dibale pati din naman ako kanina pa naguguluhan. Hash!

'What do you think? Kilala mo kami sir. You chose us to be the protector of the school. Alam kong alam mo na may mas malalim na dahilan kung ba't namin nagawa yon.' Singit ni Haile.

Nganga? Ako lang ba yung walang alam? Ano ba talagang nangyari?!

Tumango-tango ang kataas-taasan at tumingin ulit sa akin kaya napalunok ako.

'Anything to say mr. Gomez?' Tanong niya at ngumiti naman ako.

'Nothing sir. Nasabi na nila lahat.' Nakangiti kong sagot.

Sa ngayon tumingin naman siya sa babaeng kasama namin ngayon.

Hindi parin siya nagsasalita sa halip ay nakatingin lang siya sa babae.

'I'm willing to answer all your questions sir just please stop staring. It's giving me goosebumps' sabi niya pero di nakatingin sa kataas-taasan.

Seryoso? Ba't nagagawa niyang sabihin iyon sa harap ng kataas-taasan?!

'Well yes still the same ms. Hidalgo. Nice to see you again. Kailan ang huli nating pagkikita?'

Pagkikita?!!

'Shit! May something sila?!' Pabulong kong tanong sa katabi ko pero sa halip na sagutin niya ang tanong ko ay binatukan niya ako-.-

'Shut up mr. slow!' Napakunot noo ako sa sagot niya.

Slow??

'Haile sino yon? Ulyanin ka na ba? Dale lang pangalan ko. Wala akong second name. Dale Gomez lang walang slow.' Nakita kong napaawang ang bibig niya.

'Will you please just listen Dale. Please.' Sabi niya na parang awang-awa sa akin.

Mali na bang itama ang mali?

'Yesterday sir.' Sagot ng babae na parang tinatamad.

Nainis naman ako dahil hanggang ngayon walang nag-iba sa ekspresyon ng mukha niya!

'Yes. Kahapon lang. And look nagkita nanaman tayo. The same location.'

At dun ko na rin nagets ang lahat.

Una. Nandito ako dahil sa nerd na nakabangga ni Guy tapos sinaktan niya. Tama pala yung sagot ng kaibigan ko.

Pangalawa. Wala pala silang something. Napunta rin pala siya dito kahapon.

At pangatlo. Yung sinabi ni Haile. Slow lang pala talaga ako. Hehe.













Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 09, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TMBTS(The Moon Between The Stars)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon