Chapter 2

4 0 0
                                    

Matthew's POV

Hoy Author! Anong Matthew?! Kathleen ang pangalan ko! ( >_< )

Alien Author: waa.... waa.... kyaa.... shaa.... lalalalalala!

Translation: Ano ka ba!  Lalaki ka kaya! At magiging pusong lalaki ka na rin soon! Just accept the truth! TRUTH HURTS nga kasi!

OO NA!

Hayst. It's 6:30 am and I'm currently picking what to wear on our date with a girl whom I don't know. Bakit kasi hindi man lang sinabi ni Luis kung sino? Mamaya pipitsugin lang pala. Mamaya dalhin lang ako sa bar kung saan lalandiin ako ng mga pokpok girls. YUCK. I couldn't even imagine that. I decide to wear black, dahil namatayan ako. Oo, namatay na ata si Kathleen at muling ipinanganak si Matthew, na ako. Kaya napili ko itong black na dress. OO! DRESS ISUSUOT KO! MAY PROBLEMA BA? HA?

( =___= )

Tapos naman na akong magbihis at kumain (and don't forget the teeth cleaning) kaya bumaba na ako sa living room para maghintay. 10 minutes before mag seven pa naman, kaya maglalaro muna ako ng tablet. 

"Morning ate," gising na pala itong kapatid ko na si Nadine.

"Morning," binati ko din siya.

"May lakad ka?"

"Obvious ba?"

"Gusto ko lang naman i-confirm. Ikaw ah, hindi mo na ako ina-update sa mga nangyayari sayo," sabi niya at may paiyak-iyak effect pa! Tss. 

"Basta. Malalaman mo rin in the right time." 

Nakarinig ako ng beep mula sa isang sasakyan na nasa labas. And I'm sure na si Luis na 'yun. 

"Alis na ako," sabi ko kay Nadine. Narinig ko pa siyang magsabi ng 'Ingat!' nung pagsara ko ng pinto. Lumabas ako ng gate at dumiretso sa sasakyan niya. Siya naman naka sandal sa sasakyan niya. Nagtinginan kami at nagsmirk lang siya sa akin. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa may passenger seat at umalis na. Ayoko na rin magtanong ng kung ano-ano, kaya nanahimik nalang ako.

Nakarating kami sa isang barber shop at masama ang kutob ko. Gusto ko ng tumakas at tumakbo sa kung saan man para lang matakasan ang plano ni Luis. But I just sat there frozen as Luis opened the door for me. Bumaba nalang ako with confidence, pero acting ko lang 'yun dahil sa totoo lang, takot na takot ako.

Sinalubong kami nung isang lalaki, stylist ata ito. Inunahan ko na si Luis magsalita. 

"Magpapagupit ang boyfriend ko, ano bang bagay na hair style sa kanya?" sabi ko habang hawak hawak ang braso ni Luis. Pero tumawa lang silang dalawa. Grrr....

"Ano ka ba, nagpa-scehdule na ako dito para sayo. Haha," sabi niya at dinala ako sa isa sa mga upuan dun at pinaupo. Medyo napahiya ako dun ah. =___=

Sinimulan na akong gupitan. Feeling ko tinotorture ako, hindi man lang naawa si Luis. I let out a sigh nung nasa kalahatian na. It's so sad. At nung malapit nang matapos, dun ako umiyak. Alam niyo yung umiiyak na walang hikbi at walang ekspresyon ang mukha? Ganun. :( 

Nung tapos na, binayaran na ni Luis ang bill at niyakap ako. 

"Okay lang 'yan. Bagay naman sayo eh."

"Tara na nga," sabi ko at bumitaw sa pagkakayakap niya. Sumakay na kami sa sasakyan niya at sigurado ako sa isang clothing store ako nito dadalhin. At mukhang tama nga. Pumunta kami sa pinakamalapit na SM branch. Ang weird dahil ang suot ko ay pambabae at ang buhok ko ay panglalake. Pero para sa aken? Style yun, yung mga lalake nga na nadadaanan namin, naririnig ko silang magsabi ng 'cool'. Maganda din naman pala yung plano ni Luis.

Victoria's MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon