Chapter 4

6 0 0
                                    

It was already Friday, at hindi ko pa rin nahahanap ang cards ni Vic. Kung saan saan na ako naghanap, sa locker niya, sa bag, sa brief (joke lang) pero palagay ko nasa bahay niya yun. And so, gusto ko pumunta dun. Kaya naman nung break time ay ako na nag-aya.

"Oy, tulungan mo ko sa output", sabi ko ng nakapout pa.

"Tsk. Laki laki mo na magpapatulong ka pa."

"Hindi sa ganun. Kasi mas masaya gumawa pag may kasama"

"Malamang, paano ka makakagawa ng baby kung ikaw lang mag isa? at oy! Wag ka mangarap, wala kang ovary pre"

"Tange! Ang green minded mo talaga! I mean, gumawa ng output ng may kasama!", aaminin ko medyo nagblush ako sa naisip ko. Ano ba naman kasing utak ni Luis yan.

"Ako? Green minded? Mahina ka lang kasi mag-explain kaya di ko naintindihan", weh? Wushu! Maniwala! Palusot nito!

"Che! Basta ha, oo na yun. At sa bahay mo tayo gagawa"

"Wala akong sinasabing oo dyan! At sa bahay ko gagawa? Diyos ko! Tama na ang pagnanasa mo sa akin Kath! Ah este! Math!", sabay lagay ng dalawang kamay niya sa dibdib. Loko loko talaga.

Binatukan ko siya para naman tumino ang mga pinag-iiisip niya.

"Tsk! Oo na! Oo na! Wag mo lang ako hawakan! Diyos ko!"

Hay naku. ( =___= )

At least tagumpay ako sa step 1.

Nung uwian na (oo, uwian na talaga) hiningi ko ang tulong ni Clarrise.

"Best, help me~"

"Sure! Eh ano ba yan?"

"Gagawa tayo ng output ng sabay sabay!"

"Ay! Masaya yan teh! The more, the merrier!", with matching hampas pa.

"So kailangan manghampas?"

"Sorry na! Oh kailan?"

"Bukas, two pm."

"Pwede ko ba isama si babe?"

"Oo."

"Yay!"

"Pero may hidden mission tayo."

"Ay taray, parang spies lang. Tanda na natin best para gumanito ha"

"Ganito kasi yan~ blah blah blah blah", basta kwinento ko yung pangbla-block mail ni Luis sa amin ni Victoria at kailangan namin makuha ang cards. Sinabi ko din na tulungan nila ako sa paghahanap. Si Christian ang magdidistract kay Luis samantalang kaming dalawa ni Clarrise ang maghahanap. Pumayag naman siya at siya na daw bahala kay Christian. Hay sa wakas, matatapos na rin! Sana lang ay magtagumpay kami.

Nakauwi na ako sa bahay at pagod talaga ako. Syempre, lagi naman akong pagod pag Friday pero masaya naman dahil Sabado bukas.

*TOK TOK TOK*

"Ate?", si Nadine.

"Shopping teye"

"Ikaw nalang."

"Eehhh, sige na. Please?"

"Nakakatamad at pagod me."

"Mawawala din yan! Bilis! Magshower ka na!"

"Pero--"

"No pero, no but's! Bilis!"

Aba kung makautos. Syempre, dahil uto uto naman ako, sinunod ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Victoria's MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon