"OMG! Ate! What happened to you?! You look so... Handsome! KAYAAAH!"
"Shut up Nadine! Papasukin mo na ko!"
"Kuya, papasukin niyo na po si ate."
"Hindi po pwede ma'am."
"Ang sabi ko, papasukin mo siya. Do you want me to fire you?" at agad naman binuksan ni kuya yung gate.
"OMO! Ate! Stop! Don't come near me!", baliw talaga 'to. Kiligin daw ba sa kuya niya? tss. Dumirederetso lang ako sa loob ng bahay at I was glad na nakilala ako ni Miss Faye.
"Wow, nagising ka na sa katotohanan?", sabi ni Miss Faye na tuwang tuwa. Hindi ako tumugon, tiningnan ko lamang siya at dumeretso sa aking kwarto. Shems! Nakalimutan kong bumili ng wig! Ahh! Di bale, may bukas pa naman. Humiga na ako sa kama at ipipikit na sana ang aking mata ng biglang...
*BOOG*
"Ateee! Kwento! Daliiii!"
"Oh jusko Nadine! Wag ganun! I'll have a heart attack because of you!"
"Sorry, anyway, excited na ko so kwento na."
Kaya kwinento ko na. Lahat. As in lahat! Bawat detalye ay sinabi ko. At ang bruha ay kilig na kilig dahil natupad ang kanyang dream para sa akin. Lumabas na rin siya pagkatapos ko magkwento. The things that happened a while ago with Victoria and I are playing on my mind. Like, bakit ganun yung pinapakita niya? She's like an ordinary girl lang din. Pero bakit pag sa school iba? Bakit napakaarte at napakayabang at napakamapagmataas at snob niya? Like what? Ang gulo din niya eh! Siguro nakasinghot lang ng tae sa daan yun kaya ganun yung kilos nun.
Doon na natapos ang araw ng Sabado at bukas ay Linggo, malamang. Dahil ang kasunod ng Sabado ay Linggo at hindi naman Lunes.
---------------------------------
Sunday
Andito ako sa mall ngayon at sinadya 'ko talagang agahan. Pumasok ako sa isang wig shop at kung ano ano pang ek ek na clip na nilalagay sa buhok. Yung mga ibang customer naman ay napagkakamalan akong tomboy. Paano ba naman, hindi mo maiintindihan ang mukha ko kung babae ba or lalaki tapos isabay mo pa itong maikli 'kong buhok. Nakahanap ako ng wig na kaparehas ng dati kong buhok.
"Miss, how much is this?"
"Four thousand three hundred fifty po.", atsaka ko inabot ang 5000 pesos. Manghihiram nalang ako ng clips sa kapatid ko. Sayang ang money noh! Di porket mayaman eh kailangan maging gastador!
Kaya naman nagwindow shopping ako, pumasok sa department store, sa mga boutique, sa toy kingdom... LOL. Eh nakakabored sa bahay eh! Noong hapon na napagdesisyonan ko na ring umuwi dahil mag-aaral pa ako at matutulog ng maaga dahil Monday nanaman bukas.
----------------------------
Monday
Heto ang kinaiinisang araw ng lahat--Lunes. Nakakatamad pumasok dahil gusto mo pang i-extend ang weekend pero okay lang ito sa akin dahil wala namang gagawin sa bahay. Kaya heto, nagsusulat nalang ng mga sinasabing chu chu ni sir.
"Excuse po, Prof", sabi nung lalaki. Bakit? May shooting nanaman ba?
"Pa-excuse po sa mo--"
"YES!", bigla bigla nalang sumigaw si Luis. Sigaw ng tagumpay dahil pinapatawag kami para sa shoot. May mga bago daw kasing gawang damir yung designer. Syempre, panglamig. December nga po eh, ano?
Ako naman wala lang. Basta, wala akong gana. Lumabas na kami at pumunta sa studio. Ang sabi daw, bali ngayong week ilalabas yung issue ngayong month at andun na daw yung pictures nung last shoot namin. Ito naman daw gagawin namin ay idadagdag nalang sa loob nung plastic dahil nga publish na yung mag. Bale, may special mini magazine na naglalaman ng mga sweaters na gawa ng designer na ito. Nagandahan daw ang president ng Elle kaya 'yun, pumayag.
