Round 5

24 0 0
                                    

Sasabihin ko ba kay Aeron o wag na lang.

Ano ba naman kasi yang Jess na yan. Naguguluhan ako eh. Kay Aeron ba sya o kay Russel.

Kung kay Aeron sya. ewan!?

Pero kapag naman kay Russel, ayyy for sure. Wala na yan. Never pa ata nagkagusto yang Russel na yan sa sino mang babae eh. Eh kung meron man, nagloloko lang yun. Siguro bakla yun, HAHAHHAHAHA!

Ayy ewan. Mananahimik na nga lang ako. Kunwari di ko nakita.

"Aray!"

"Huy Yacey! tulala ka dyan!"  pitikin daw ba ako sa tenga

 "Bakit, anong problema mo Russel?!"

Oo nga pala, Russ na tawag sa kanya ng marami, kaso di ako sanay kaya Russel pa rin . Ron naman yung tawag namin kay Aeron,  kay Stella naman, Stell na lang. At akin, Yacey pa rin. Tamad na kasi ang mga tao eh.

 "Wala..." Tapos tumabi sya sakin.

"...Alam ko, nakita mo kami ni Jess kahapon"

"Hindi ahh" Sagot ko na hindi tumitingin sa kanya.

"Hindi ka dyan! patago tago ka pa nga, kitang kita ka naman"

"Hindi ako yun, baka namalik mata ka lang, di ako yun" Hindi pa rin nakatingin sa kanya

"wooshoo! Baka naman nagselos ka lang. Ang sungit mo e"

 Napatingin ako sa kanya at napanganga nga wala sa oras habang humihigop nga hangin. At binuga ko yung mga hangin na yun nung sinabi kong..

"Excuse me!"

"Daan na!" Aba, at naninira ata 'to ng araw ahh

"Wag ka ngang feeler dyan Russel. Asa ka naman noh"

"Ang sungit mo talaga. Meron ka ngayon?!" 

"Di ako masungit, may iniisip lang ako"

"Ano yun?"

"lalaking tao chismoso! wala ka na dun"

"Gusto ko lang maging aware"

"Aware mo your face. Dun ka na nga. Di ka nga aware sa itsura mo e!"

"Sus!" Sabi nya nung tumayo sya at kurutin ako sa ilong. Pinalo ko na lang yung kamay nya bago sya makaalis.

Hayy, nabobother talaga ako kung anong gagawin ko kay Ron at kay Jess.

Tapos after ng ilang minutes, dumating na rin yung teacher namin, klase klase. Simple lang.

Common day lang palagi. Kami lang ni Stella yung palaging magkasama tsaka yung ibang girls. Sina Ron naman tsaka Russel, dun na sila madalas sa boys.

Played by Love (in the game of love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon