IKA 24- ng Marso 2013, nang misteryosong mamatay ang isang libong estudyante na magtatapos sa paaralan na ito. Maraming nagsasabi na isang estudyante ang naglagay ng sumpa sa paaralan na lahat ng magtatapos dito ay mamamatay. Lumipas ang maraming taon, itinago at nilihim sa publiko ang tungkol sa sumpa sa paaralan. Pinabago ang hitsura at pinaayos ito, lahat ng empleyado ay tikom ang bibig at sino man ang magsalita ay papatayin.
Ikaw, sigurado ka bang hindi ito ang paaralan na pinasukan mo?
* * * *
"Anak!!!! CONGRATULATIONS CUM LAUDE KA!!!" masayang bati ni mama sakin tsaka ako niyakap ng napakahigpit.
"WOW! ANG GALING TALAGA NG PANGANAY KO!!!" papuri naman ng papa ko.
Ako si Janelle Santi, nag aaral sa EPAP University. Limang araw na lang graduation na namin at sobrang excited ako dahil Cum Laude ako. Isang karangalan ito para sa pamilya namin, syempre ang panganay nila ay Cum Laude. Hindi ako nerd na maituturing, likas na talaga samin ang matitino at matatalino. Lahat sa angkan namin sabi ni mama ay nakapagtapos na Cum Laude.
"Anak mag celebrate tayo!! Kakain tayo sa labas!"
"WOW!! TARA NA PAPA!" yaya ng bunso kong kapatid na babae.
"Pa, hindi naman kaya masyadong advance yang celebration natin after na lang po kaya ng graduation para po mas tipid hindi yung gagastos ulit pag graduate."
"sige na nga anak, na excite lang naman si papa eh. Proud kasi kami sayo ng mama mo!"
"Alam ko naman po."
Isang masayang pamilya, yan kami. Hindi man kami mayaman, mayaman naman kami sa pagmamahal. Pinagmamalaki ko ang pamilya ko at hindi ko ikinahihiya kung mahirap lang kami. Ano naman kung mahirap kami hindi ba? Atleast wala kaming mga bisyo.
Lahat ng mga kaklase ko na kumuha ng secondary education major in English ay magtatapos, masaya ako dahil lahat kami ay talagang naghirap at nagsikap ng mabuti para lang makagraduate kami.
* * * *
"Janie!!!!" tawag ng isa sa mga kaibigan ko sakin kaya lumingon ako.
"Ohh?"
"Kuha na tayo ng classcard sa major subject natin! Tara!" hinila niya ako papunta sa math department kung saan nandun ang office ni sir. Nandun na rin ang iba naming mga kaklase at kukuha rin ata sila ng classcard. Nakatayo lang ako dito sa labas ng department dahil punuan na sa loob at mainit. Napatingin ako sa gawing kanan at may nakita akong isang babae na nakasuot ng jacket na may hood at kulay itim, malalalim ang mga mata niya at ang puputla ng labi.
"Halika."
Kusa akong dinala ng mga paa ko kung saan siya nagtatago at naroon siya nakatalikod sakin. Nilapitan ko siya at hinawakan sa balikat kaya napalingon siya at napaatras ako sa takot. Hindi ko matukoy kung estudyante ba siya ng paaralan na to, baka mamaya ay masama pala siyang tao.
"Wag kang dumalo sa graduation day." bulalas nito.
"Bakit naman hindi? Importanteng okasyon yun para sakin."
"Binabalaan kita! Wag na wag kang pupunta. . . . . . . . . mamamatay ka." Parang tumigil ang oras ng sabihin niya ang salitang mamamatay. Sino namang tao ang gustong mamamatay sa araw ng graduation niya?
"Anong sinasabi mo??" hinawakan niya ako sa braso at tiningnan ako mata sa mata. Takot na takot ito sa di ko malamang dalihan.
"Hindi nila sinabi sainyo. . . . . . . . . . mga demonyo ang tao sa paaralan na to, wala silang pakialam kong maraming mamamatay ang mahalaga kumikita sila ng pera."
BINABASA MO ANG
SHORT GHOST STORIES
TerrorMatatakutin ka ba? Pwes hindi ito ang libro na dapat mong binabasa... Binalaan na kita kaya wag mo akong sisisihin kung paggising mo isang araw, may iba ka na palang kasama...