Chapter 35 : 'Di Ko Sinasadya'

216 2 1
                                    

Chapter 35 : 'Di Ko Sinasadya'

==Khalil's POV==

"Pare san ka pupunta ?" tanong ni Alex , wala kaming gagawin ngayong araw . pahinga daw muna sabi ni manager . 

"Diyan lang sa labas papahangin " sagot ko naman . May binato si Enrique sakin , nasalo ko naman

"Ano 'to ? " tanong ko naman . 

"Malamang jacket  " sagot naman niya , alam kong jacket to di ako tanga

"Alam kong jacket to , anong gagawin ko dito ?" sagot ko naman .

"Gamitin mo , madami ng nakakakilala satin ngayon , para di ka dumugin " paliwanag niya . oo nga naman . may silbi din pala to minsan

"O sige salamat " sagot ko naman saka na lumakad . Lumakad lang ako ng lumakad hanggang sa nakarating ako sa park . Di ganun karami ang tao , pero nag iingat padin ako . Suot ko ang jacket na may hood . 

Habang nag lalakad ako , bigla akong may nabangga , kasalanan ko di ako nakatingin sa dinadaanan ko . 

"Ano ba yan ! natapon tuloy ang ice cream ko " ani niya , kilala ko tong boses na to , 

"Khalil ?" gulat na sabi nya , nginitian ko lang siya . 

"Bakit ka nandito ?" tanong niya . 

"Bakit Julia ? pag mamay ari mo na ba tong park at bawal na kong pumunta dito ?" sagot ko naman . sabay ngiti . 

"Hindi naman , ang sungit mo ! nag tatanong lang naman" sagot niya . 

"Nag papahangin lang , kaw ba ?" tanong ko naman . 

"Wala , ganun din " sagot niya . 

"Halika , papalitan ko yang ice cream mo " sabi ko saka siya hinawakan sa braso .

"Dalawa po manong " sabi ko sa nag titinda saka inabot ang bayad . 

"Oh " sabi ko kay Julia sabay abot ng ice cream , kinuha naman niya to . Lumakad na ko at sumunod naman siya .

"Congrats sa inyo Khalil  " sabi niya habang kumakain gn ice cream 

"Salamat " matipid kong sagot 

"Sikat na sikat na kayo grabe " sabi niya . ngumiti lang ako . Tahimik lang kaming nag lalakad ng may makasalubong kami . 

"Khalil Ramos ? ikaw ba yan ?" nagulat ako sa sinabi ng babae , namukaan niya ba ako ? Ang lakas pa ng pag kakasabi niya kaya napatingin ang ibang tao sa kanya . Hinawakan ko bigla ang kamay ni Julia

"Khalil ? ikaw nga wahhhh !" sigaw ng babae , nag simula ng mag lapitan ang mga tao sht . Tumakbo ako habang hawak ang kamay ni Julia ! Pero sumusunod sila . Tumakbo lang kami ng tumakbo hanggang sa may isang eskinita akong nakita at doon nag tago . 

Lumingon ako , wala na sila . Narinig kong may parang bumagsak na takip ng basurahan . Nakita ko nalang si Julia na napatid sa takip ng basurahan na yun , nawalan siya ng balance at tumumba sakin , kaya nawalan din ako ng balance . 

Tumumba kami sa sahig . Nakadagan siya sakin . At nagdikit ang labi namin ng di sinasadya . Bumilis ang tibok ng puso ko . Ang lambot ng labi niya , bat parang gusto ko pa siyang halikan uli ?

Ilang segundo din kami sa ganun na posisyon . Siya ang unag tumayo . 

"Di ko Sinasadya , sorry " ani niya ng di nakatingin sakin . 

"Ahhh ehh , sige tara na wala na sila " sagot ko naman , putek bakit nauutal ako ?

"First Kiss mo ba yun ?" tanong ko sa kanya . nakita kong namula siya . 

"Oo " sht sht sht 

"Sorry , panget tuloy ng first kiss mo " natatawa kong sabi . 

"Haha , wala yun sige na tara na" sagot niya . 

==Julia's POV==

Bakit ba kasi ang tanga mo Julia at napatid ka pa , at tumumba ka pa kay Khalil at nahalikan mo sya at NAHALIKAN KO SIYA .. wahhhhh .. di ko alam tong nararamdaman ko parang lutang ako na enwan na nababaliw na ko . My first kiss goes to Khalil Ramos . -_____- 

Hanggang sa makauwi na ko , lutang padin ako . Nag paflash back lang sa utak ko lahat ng nangyari kanina . Napahawak ako sa labi ko , ang lambot ng labi niya ang sarap halikan . My god Julia ! nirerape mo na si Khalil sa isip mo eh ! psssh !

Pumasok ako sa school , ng lutang ! di ako nakatulog buong magdamag . Sakit tuloy ng ulo ko . Dumiresto ako sa upuan ko at yumuko . wahhhhh .. May kumalabit sakin .

"Hoy !" 

"Ano ?"reklamo ko , sino pa ba to sympre si Jane !

"OMG ! nakakatakot ang itsura mo , mukha kang zombie " sabi niya . 

"Oo dahil di ako nakatulog ! dahil kay Khalil !" sigaw ko , napatingin ako sa paligid ! yes ! buti wala pang ibang tao kami palang ni Jane

" Bakit ? kwento mo naman "pangugulit niya , ano pa ba ? di ikwento ko na .

Kinuwento ko lahat lahat simula umpisa hanggang dulo . 

"OMG ! nag kiss kayo wahhhh !" sigaw niya . 

"Wag ka ngang maingay " saway ko sa kanya . 

"E di Julia kilig much ka naman " pangangasar niya . 

"Ewan ko sayo "sabi ko sabay yuko uli . GRABE KHALIL BAKIT BA DI KA MAWALA SA ISIP KO ?

==Sue's POV==

"Buo na ang desisyon ko , lilipat ka na sa states , dun ka na mag aaral " sabi ni Dad , tumulo nalang ang luha ko .

"Para din to sayo , para malayo ka na kay Kiko , o kahit kanino diyan na nag papahamak sayo " paliwanag nya , Ayoko sa states ayoko . 

"Dad please " naiyak kong sabi . pero alam kong di naman niya ko papakinggan kahit na umiyak at mag makaawa ako dito . 

"Sumunod ka nalang " he said , wala na nman akong magagawa kaya pumunta nalang ako sa kwarto ko . I pick up the telephone , hinayaan na ko ng mga maids at guards ko to get a telephone dahil nakita nilang naiyak ako . I dialed Khalil . 

"Hello " sagot niya , umiyak lang ako di ako makasagot . 

"Hello , sino to ?" sagot niya uli . 

"Ako to Khalil " sabi ko habang umiiyak . 

"Sue ? bakit ka umiiyak ?" tanong niya . 

"Lilipat na ko sa states khalil sabi ni dad , but ayoko ko " sagot ko , bakit ba sa buong buhay ko siya nalang lagi sinusunod ko 

"Ano ?"sigaw niya . 

"Wala naman na kong magagawa " sabi ko naman . 

"Di pwede Sue " sabi niya 

*Tooot * he hang up , bakit niya binaba ? Galit siya . pupunta siya dito !

END OF THIS CHAPTER

Everything Has Change (JuLil And SueLil)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon