"Sige una ko "
"Sige Bro ! ingat ! " tapos na ang trabaho , pauwi na ko , katutogtog lang namin sa isang bar na nag hire samin . Kapagod , mag gagabi na din mag lalakad nalang ako para makatipid sa pamasahe .
Nag lalakad ako ng nakatingin sa langit , andaming mga bituin nakakarelax kapag tiniignan sila , may naaalala talaga ako pag tinitignan ko 'to
FLASHBACK :
"Ma , ang ganda ng stars no ang dami dami nila "
"Alam mo anak pag nawala na ako , tumingin ka lang sa langit at maaalala mo ko "
"Talaga ma ,"
"Oo anak , anak tandaan mo mahal na mahal kita "
Niyugyog ko ang ulo ko at kinusot ang mata ko , parang may tutulo na kasing luha . Hayyyy .. ayoko ng maalala . masakit .
Habang nag lalakad ako , nakadaan ako sa mga tambay , may mga nag lalasing tapos yung iba ee mga mukhang kriminal . . Nakita kong nakatingin silang lahat sakin . na para bang mangangain . di ko nalang sila pinansin pero habang nag lalakad ako humarang sila sa dadaanan ko napahinto naman ako .
"Oh , pare , mukhang ang angas mo ha ? napadaan ka lang dito sa teritoryo namin , lahat ng dumadaan dito kailangan mag bayad" sabi ng isa na ang pangit ng mukha
"Magbayad ? wala akong pera "
"Pilosopo aahhh "
"Tumabi nga kayo sa dadaanan ko " sabi ko nakita kong sinenyasan ng lalaki yung mga kasama niya . ok gusto nila ng gulo ? bibigyan ko sila
"Patay ka samin " sabi ng parang lider nila . binaba ko muna yung suot kong gitara at baka masira pa
Suntok , pero nakailag ako , sinipa ko siya sa mukha at na tumba naman , hinawakan ako ng dalawa saka naman ako sinuntok ng isa , suntok uli , pero kumawala ako , saka sinuntok din sila
Na miss ko makipag away , palaaway pala ako . sabi nila basagulero , pero pinag tatangol ko lang ang sarili ko at masaya kaya makipag away . OO alam ko iba tingin ng ibang tao sakin kasi basag ulo , naninigarilyo , masungit . pero wala akong paki
Madami pa sila . Suntok uli , Napuruhan ako ahh tinamaan ako sa tiyan . Pero bumawi ako sinuntok ko din sa tiyan Tumba
"Malakas ha ? pinahihirapan mo pa kami ?"
"Gusto niyong mag laro diba ?"
,Mukhang na insulto siya kaya sinuntok niya ko pero hinawakan ko ang kamay niya at inikot to hanggang mamilipit
"Aray ! "
Mukhang natakot na yung iba kaya tumakbo na sila papalayo . di talaga nila ako kaya .
Medyo masakit din . napahawak ako sa gilid ng labi ko , saka dumura ng dugo
"Sa susunod piliin niyo yung kalaro niyo " sabi ko at sinipa pa uli sa mukha yung lalaki saka umalis na . Kinuha ko na yung gitara ko saka nag simulang mag lakad .
Nakauwi na ko sa bahay , pag pasok ko nakita ko si Sue na nakaupo . Bat siya nandito ??
"Kuya ! kuya , bat may dugo ka na naman sa mukha nakipag away ka na naman ba ?"
"Wag mo ng intindihin si kuya "
"Kuya andito si ate Sue , kanina ka pa inaantay "
Lumapit siya sakin at hinawakan ang mukha ko , tinabig ko ang kamay niya
"What happened to you ?"
"Wala ka na dun saka bakit ka ba nandito ?" sabi ko , ee bakit nga ba siya nandito ? gagawin niya talaga yung sinasabi niya ?
"Wait . kukuha ako ng ice para diyan sa pasa mo " sabi niya . at umalis tsss bahala siya sa buhay niya , umupo naman ako at nag tanggal ng shirt ko mainit kasi
"Kh-alil ?" nakita kong namula siya , dahil pa sa topless ako ? ehh mainit ee bahala siya diyan
"Ooh ? bakit ?"
"Please wear your shirt "
"Tss ayoko mainit . " sabi ko nakita kong nag pigil siya sa panginnginig at lumapit parin sakin at nilagay sa gilid ng labi ko . .
"Dahan , dahan masakit "
"Ano ba kasing nangyari sayo ?"
"Di ba halata nakipag away " sabi ko , halata naman ee
"Bakit ka naman nakipag away ?"
"Bakit ang dami mong tanong ?" di nalang siya umimik .
"Saka bakit ka ba andito ?"
"Diba sabi ko babawi ako sayo ? " sabi niya haayy ewan ko sa kanya
"Pero mukhang di ko kayo madadala sa mall ng kapatid mo dahil sa lagay mo i think next time nalang "
"Di na kailangan , bayad ka na sa lahat " sabi ko para tantanan na niya ako
"No , di pa " sabi ko di ko nalang siya pinansin at tumayo sa kinauupuan ko para makaligo
"Pwede , umuwi ka na ? sige bye !" sabi ko at tuluyan ng pumasok sa banyo
"Oh baby gail , uuwi na ang ate next time nalang uli "
"Sige ate ingat ka bye " pasimple naman akong sumilip nakita kong niyakap niya si gail at napangiti naman ako dun .
---------------------------------------------------
Kinabukasan .
Kasalukuyan akong nag lalakad papapunta sa bar , kababa ko lang ng jeep at nilakad nalang ito kasi malapit nalang .
Nakakita ako ng nag titinda ng kwek kwek at napag desisyonang bumili .. ng magbabayad na ko ee biglang may humugot sa braso ko . napatingin naman ako
"Siya pa , siya ang boyfriend ko kaya pa tigilan mo ko masaya na ko " ha ? ano daw ? boyfriend ? anong pinag sasabi nitong babae na to ?
"Sige pa , aalis na kami " tapos hinigit ako ng babaeng to .
Ng makalayo na kami saka ako ankapag react
"Hoy ! baliw ka ba ? "
"Sorry , yun nalang naisip kong paraan ee " sabi ng babae , maputi siya , maganda din , simple lang manamit .
"Anong boyfriend mo ko ? baliw ka ba ? ! tsss "
"Ehh kasi di nila ako titigilian ito nalang naiisip kong paraan " anong paraan ? saka isasama pa niya ko sa kagaguhan niya .
"Please Help me please"
-----------------------------------
ABANGAN KUNG SINO SIYA AT ANO ANG PARTE NIYA SA BUHAY NI KHALIL
THANKS !
BINABASA MO ANG
Everything Has Change (JuLil And SueLil)
FanficPaano kung lahat lahat ay mabago , dahil sa nag katagpo tagpo kayong tatlo ? EVERYTHING HAS CHANGE nga . Isang lalaking , masungit , palaaway , may biso pero kahit papano ay mabuti ang kalooban ay makakatagpo ng Dalawang babaeng babago sa buhay niya...