Chapter 2- The Plan

78 4 0
                                    

Chencel's POV

"Kailangan lang natin maging maingat sa paggawa nun" sabi ko kay Christine.

Kailangan namin maging maingat dahil matalino tong si Jess eh. Madali nyang malaman kung may tinatago ang isang tao o wala.

"Sheng, kain na tayo! Nagugutom na si aketch"sigaw ni Arch

"Oo na, eto na!"sagot ko.

Ay!! Oo nga pala, ako po si Chencel Steph Arellano. You can call me Chencel or Chen or rather Sheng.

"Archeska, saan tayo kakain?"tanong ko.

Kasama ko pala ang grupong BEBE.

----------------------->Fast Forward

"Arch, Venus, tawagin nyo K.Addicts except ni Jess. Wag nyong ipahalata sa kanya"utos ko.

"Kung maka-utos lang tayo Sheng noh?"reklamo ni Arch

"Sige na. Madalas lang naman to eh"

"Kung hindi ka lang maganda, naku!"

"May sinsabi ka Bakla?"

"Wala... Ah-ehm".....

Archeska's POV

Sus! Kung hindi lng maganda tong Chencel nato, hindi talaga ako susunod. Kung makabakla tong babaeng to, parang bakla talaga ang lahi ko.

"Ba't ang tahimik mo?" mataray na tanong ni Venus

"Ba't ang ingay mo?"tanong ko pabalik

"Eh, ang tahimik mo eh, ikaw?"

"Ang ingay mo eh"at inirapan ko na siya. Ang maldita lang niya eh...

At eto na, papasok na ko ng room at

"AKO SI ARCHESKA FRANCE VOLTORRE. ANG DYOSA NG GRUPONG K.ADDICTS AT BEBE. NANANAWAGAN SA AKING PINAKAMAMAHAL NA GRUPO NA K.ADDICTS"*insert sound effects* sigaw ko with feelings.. Fineel ko na talaga ang moment na tahimik sila at..

Teka---- Patay! Hindi pala kasali si Jess! Urgh!

"Hoy! Dyosa ng mga TANGA, Ba't tinawag mo lahat?!"sigaw sakin ni Venus

"Alam kong NAGING tanga ako, wag mo nang ipamukha"ipinagdiinan ko talaga ang Naging. Kung makatanga lang tayo noh?

Hindi naman talaga ako palaging tanga. Minsan ginagamit ko ang utak ko noh.

"Archeska, seryoso ka?"tanong ni MaShin

"Ay hindi. Palagi naman talaga akong nagjojoke diba?"sarkastiko SANANG pagkasabi ko

"But some jokes are half-meant"singit ni Badal

"Ewan ko sainyo. Magsama kayo BaShin Lovers!!" At yun, pinagtawanan nila ako.

Bumalik nako sa kabilang room at sinalubong ako ng nakakamatay na tingin ni Chencel.

"Bakla ka ba o Tanga?"tanong nya

"Bakla nalang. Palagi nyo naman akong tinatawag nun at minsan lang ako nagiging tanga"mahabang sagot ko

"Wag kang magpapasok ng iba, ako nalang ang tatawag sa kanila" sabi niya habang papalabas ng room.

"Ge" yan ang short yet makahulugang sagot ko.

Chencel's POV

Sheesh. Pano na'to? On guard si Jess sa K.Addicts. Ah! Tatawagin ko nalang tong Sunbae nya.

The Motto- A Story About FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon