Chapter 2 - Damian: The Bad Boy

12 0 0
                                    

“Aray!”

May nakatapak sa paa ko! At hindi man lang nag-sorry. Tingnan lang ba ako. Hmph! Masyado kasing busy kaka-landi sa mga inaakbayan niyang babae.

Tsk. Ang sakit talaga!

“Hello, new student?”

Ay may kumakausap pala sa akin. 4th na siguro ‘tong si ate.Siguro napansin niyang nawawala ako.

“Uhmm.. opo.” Sabi ko nang hinahimas yung paa ko.

“Ah. Dito tayo. Name?”

“Emerald Shay D. Jimenez po, 3rd year.”

“Ayan. III – St. Francis ka. 3rd floor first room.” Sabi niya nang tinuturo sa akin yung room.

Agad naman akong nag-thank you sa kanya at unumpisahan ko nang hanapin yung room ko. Nagkamali pa ako dahil sa 2nd floor ako tumigil, mga 2nd year pala dun.

Mali, Em. Mali!

Nang nasa tapat na ako ng room, alam kong tama na ‘to kasi may nakalagay na name ng section sa may taas ng pinto. Dahan-dahan kong binuksan yung pinto. Marami nang nasa loob. Naku! Na-late ata ako. Buti na lang hindi nila napansin yung pagpasok ko kasi meron silang sari-sariling mundo. Iba iba yung ginagawa nila. Agad akong humanap ng mauupuan. Sa right side ng room ako umupo. Dun ako umupo sa 2nd to the last row na seat.

Kinuha ko na lang yung libro na dinala ko para may magawa naman ako kahit papaano.

Ang ingay naman! Hindi ko maintindihan yung binabasa ko. Wala rin! Kasi naman ang daming babaeng tumatawa. Nakikipaglandian sa lalaking…

WHAAAAT!? Kaklase ko siya? Oo siya nga yun. Yung lalaking tumapak sa mahiwaga kong paa. Tsk. Pag minamalas ka nga naman ano?! Errr!

Pumasok na rin yung teacher namin. Lahat naman nagsibalikan na sa mga upuan nila. Inaayos ko na yung libro na nilabas ko sa bag ko para di nakakalat nang…

“Uhmm… Ms. Mga boys po diyan sa right side. Dito ang girls sa left side.” Sabi nung teacher namin.

Lahat nag-tawanan. Tyaka ko lang na-realize na oo nga noh!

Naku po! Paano yan? Bakit naman kasi kung saan saan umuupo ‘tong mga ‘to. Malay ko naman. Argh! Nakakahiya!

Tumayo agad ako at lumipat sa bakanteng upuan na saktong katapat lang nung inupuan ko.

“Ay, sorry po miss.”

 Naririnig ko pa rin yung mga babae sa likod na nagtatawanan pati na rin yung magaling na lalaking kalandian nila. Nakakainis talaga yun! Pasira ng araw!

Lahat nag-settle down na. Syempre hindi mawawala ang pagpapakilala sa first day. 

Nung ako na, syempre tumayo ako at pumunta sa harap. pagtingin ko sa mga kaklase ko nakikita ko yung iba na nagbubulungan. Tinatawanan din ako nung matapobreng lalaking yun.

Inirapan ko na lang siya. I stood tall, chin up and pretended that nothing happened. 

Nagpakilala ako in English, syempre, kasi dun ako komportable. Lahat naman sila mukhang na-impress sa ginawa ko.

Puro orientation lang yung ginawa namin kaya medyo maaga natapos. Sabi naman ni Kuya half day lang daw talaga pag first day. Nang mag-ring na yung bell lahat nagmadali palabas. Mga atat umalis? Ay hindi. Mga atat makipaglandian. Well, totoo naman eh! Kasi pagkalabas nung mga babae lumapit agad sila sa lalaking hitad na yun. 

Hay naku! First day pa lang nakakastress na! Paano pa kaya bukas o sa susunod na mga araw? Hay! Kaya mo yan, Em! Kaya mo yan!

Kinuha ko na yung bag ko tapos lumabas na rin ako.

Pagkalabas ko nandun pala si Kuya. Aba! At nagparamdam din. 

"Tara! Sabay na tayo."

Tingnan mo to at parang walang nangyari kanina ah! Hindi ko nga siya pinansin. Dire-diretso lang ako. Dun ako papunta sa left side na stairs.

"Hindi pwede diyan bumaba. Akyatan lang diyan. Dun yung babaan sa kabila." Sabi niya habang tinutungo yung kung saan dapat ang babaan.

"Alam ko! Sinisilip ko lang naman eh." Nagkunwari na lang ako na alam ko naman talaga pero alam ko namang hindi bumenta sa kanya yun kasi nginisian niya lang ako nang dumaan ako sa harap niya. 

Dumiretso lang ako hanggang pagbaba namin sa grounds hindi ko pa rin siya inimik. Tinuro lang niya sa akin kung saan yung canteen. Kumain daw muna ako kasi may pupuntahan daw muna siya. 

Pagpasok ko nang canteen, madaming tao. Siguro doon na maglulunch yung iba. Bumili na lang ako juice at brownies kasi hindi naman ako masyadong gutom.

Pagkalingon ko nandun pala si "boy flirt". Syempre alam niyo na kung ano ang ginagawa niya at kung sino ang mga kasama niya. Hay naku! Nakakairita talaga yung mga taong ganun ano? Mga wala lang magawa sa buhay? Hindi makontento sa isa? Arggh!

Humanap na lang ako nang bakanteng table na medyo nasa dulo. At kailangan ko pa talaga silang madaanan ah! Talaga nga naman. Umupo na lang ako habang tumitingin sa paligid.

Ang tagal naman ni Kuya! Saan naman ba yun nagpunta? Strike 2 na siya ah! Lagi na lang niya ako iniiwan. Ajujuju. Kawawa naman ako :) Hahaha. Nagpaawa eh noh?

Inubos ko na yung juice tyaka yung brownies. Tinapon ko na yung basura ko sa malapit na basurahan sa akin. Naglakad na ako papuntang pintuan nang...

*SPLAT

Before I knew it, may spaghetti na pa lang natapon sa blouse ko. Ay mali! TINAPON PALA! ARRRGGHHH!

"Ano bang problema mo?!" Sabi ko nang tinatanggal yung natirang spaghetti  sa blouse ko.

"Problema ko? Hah! Eh ikaw nga 'tong paharang-harang eh." Aba at sumasagot pa ah!

"Anong bang pinagsasasabi mo hah!? Eh ako na nga 'tong tinapunan mo nang spaghetti!" Talaga nga naman oh! Nakakainis na talaga! At tawa pa nang tawa yung mga kasama niyang babae. Naku! Nakakagawa na ata kami ng eksena dito. Lahat nakatingin na samin.

"Hah. Ayan oh! Hindi naman dapat ikaw yung tatapunan ko niyan eh. Siya! That weirdo freak!" 

Tumingin ako sa likod ko. May lalaking nakasalamin na nakayuko na mukhang gulat na gulat.

"Well, you shoudn't be messing with him in the first place!" Yun na lang ang nasabi ko at tumakbo na papalayo.

Bakit ba ganito? Parang sinusundan ako nang malas ah! Oh please! Layuan mo ako!

The One Who Made Me HisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon