Chapter 1 - Glenn: Dakilang Best Friend

19 0 0
                                    

Em's POV

"KUYYYAAA! Akin na kasi! Ano ba! Nakakainis naman eh!"

Ito naman kasing si Kuya kinuha yung bra ko na naturang nasa kama di tuloy ako makapagbihis. Oy! Di ako nakahubad ah! Naka-tapis LANG ako! Take note... LANG! Pag ako nahubaran talaga! Arghh!

"Kunin mo! Hahaha. Pag nahabol mo ako bibigay ko na sa'yo!" 

Aba at pinahabol pa ako! Napakabait naman niya talaga! Walang kapantay! The best ka dude!

"Ano ba! Akin na nga kasi eh! Bakit kasi papasok pasok ka pa sa kwarto ko?"

"Syempre! Kailangan siguraduhin kong maganda ang Ate ko sa first day niya sa bago niyang school di ba!" Sabi niya sabay pisil sa pisngi ko.

Siguro naguguluhan na kayo. Wala kasi akong kapatid na lalaki at only child naman siya kaya Ate at Kuya ang tawagan naming magbest friend. Yes! Mag-best friend kami. Yang ugok na yan ang best friend ko. Ako nga pala si Emerald Shay D. Jimenez. Em ang tawag sakin ng karamihan. Si Mommy lang ang tumatawag sa akin ng Emerald. Katamtaman lang ang tangkad, hanggang dibidb ang buhok, petite "daw" hahaha, masayahin, friendly, medyo tahimik nga lang minsan pero mabait naman ako noh! Mahilig ako kumanta nung bata pa ako, nag-paparticipate din ako sa mga school plays at ang sport ko naman ay basketball. Oh di ba! Hahaha. Ewan ko ba kung bakit ko nahiligan yun pero ang pinakakinahihiligan ko talaga ay magbasa ng mga libro o kahit anong novels especially pag romance ang genre pero hindi naman ako geek. 14 years old at 3rd year na ko and first day ko pa ngayon sa bago kong school. Lumipat kasi ako kasi nahirapan ako sa dati kong school kaya sa school ni Kuya ako pinapasok ng Mommy ko para daw atleast may kakilala ako. 

Siya nga pala si Joseph Glenn Velasco. Yan ang kababata ko na best friend ko pa. Oh di ba! San ka pa! Hahaha. 4th year na siya pero halos konti lang ang tanda niya sa akin tyaka medyo malapit lang yung bahay nila sa amin kaya ang aga aga nanggugulo dito sa bahay.

"Bumaba ka na nga! Hindi ako makapagbihis eh! Alis na dali!" Sabi ko sa kanya habang tinutulak siya papuntang pintuan.

"Sus nahiya ka pa! Eh nakita ko na yan! Naalala mo nung bata pa tayo nung sabay tayong nalilig..."

At hindi ko na siya pinatuloy sa sinasabi niya. Tinakpan ko kaagad yung bibig niya. 

"Oo na sige na. Sige na. Maghintay ka na lang sa baba."

Aba at hindi pa nagpaawat at tinulak pa ulit yung pinto.

"Wala ka namang dib..."

"Heh! Bastos!" At tinuluyan ko nang isarado ang pinto.

Kahit kailan talaga yun! Ganun lang talaga yun pero mabait naman yun medyo nakakaasar talaga kung minsan.

"EMERALD! BUMABA KA NA! MA-LALATE NA KAYO EH!" At yan ang aking Mommy Lorna. Ang ever loving and supportive mother ko. Mahal na mahal ko yan! Mamimiss ko na ulit siya kasi minsan minsan lang siya umuuwi dito sa Pilipinas kasi halos dun na sila nakatira ni Daddy sa London. Nandun na din kasi yung iba kong mga kapatid.

"Opo! Andyan na!" Bumaba na rin ako. At itong magaling kong best friend ayun nakasandal sa may pintuan. Naka one-strap lang siya kasi cool daw yun. Pshhh! Ang dami kasing alam eh. May itsura naman siya. Matipuno at matangkad. Siya yung tipong magulo pero tahimik. Alam niyo yun? Hahaha. Hearttrhob daw siya sa kanila. Teka! Nasusuka ata ako! Hahaha. Malalaman ko din kung totoo yan. Pero meron siyang naging girlfriend na matagal talagang naging sila. Maganda daw yun sabi ni Kuya eh. Irish Dominquez daw yung pangalan niya. Dati daw nyang kaklase yun pero ewan ko lang kung dun pa rin nag-aaral yun kasi di na niya ako kinekwentuhan pagkatapos nila mag-break ni hindi ko nga alam kung bakit sila nag-break eh. Pagtinatanong ko naman lagi siyang nag-chachange topic agad. Siguro hindi pa siya nakaka-move on. Ewan ko ba dun! 

"Oh! Ano pang ginagawa mo diyan? Halika na!"

"Oo nga eh sabi ko nga!"

Hindi ko kasi namalayan na habang nagkekwento ako sa inyo ay nasa may dulo pa rin ako ng hagdan. Sorry naman! Nasarapan sa pagkekwento eh. Hahaha

At ayun kinuha ko na yung water bottle ko sa lamesa taya nag-goodbye kiss kay Mama.

"Ang tagal tagal kasi!"

"Oh ito na nga di ba! Halika na!"

Kinuha ko na yung bag ko at lumabas na kami ng bahay. Maglakad na lang daw kami papuntang school kasi medyo malapit lang naman daw. Syempre wala naman akong nagawa. Ni hindi nga ako makatanggi kasi nauna na siyang maglakad parang galit ata. Ganyan talaga yan! Pikon masyado pero pag siya naman nantritrip... Hay naku!

Hinabol ko siya kasi naiiwan na talaga ako.

"Kuya! Galit ka ba? Sorry na oh! Ui!"

Hindi niya ko pinansin. Dirediretso lang siya ng paglalakad. Ano ba naman yan! Hmph!

Ayan na nakikita ko na yung gate sa school. Malaki din yung school kasi hiwalay yung building para sa preschool, gradeschool at highschool. 

Pumasok na kami ng gate. Ang dami nang tao agad. Madaming tumingin sa akin Nakakahiya! New student kasi eh! 

 Teka! Di ko na makita si Kuya. Ang dami kasing tao. Baka inindian na naman ako nun! Kainis! Paano na 'to?

The One Who Made Me HisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon