Em's POV
"So ikaw pala yun?!" Sabi ko nang makita ko siyang may nilalagay na letter sa locker ko.
Hindi naman siya nakasagot agad. Kitang-kita sa mukha niya na nagulat siya.
"All this time ikaw pala ang nagbibigay ng mga letters? Nung chocolates and flowers? Eh yung scrapbook? Ikaw din ba nagbigay nun?" Sabi ko sa kanya nang wala atang hingahan.
Wala siyang ginawa kundi tumungo sa lahat ng sinabi kong yun.
"At yung sa audition? Don't tell me ikaw ang nagquit para mabigyan ako ng slot."
Hindi siya sumagot na agad ko namang naintindihan na siya nga yun. At hindi ko na siya hinintay na sumagot.
"Eh nung nahimatay ako? Ikaw din ba yung bumuhat sa akin papuntang clinic?"
Tiningnan niya ako nang matagal tagal. Sinubukan niyang magsalita pero tumungo lang siya ulit.
"Ano ka ba! Bakit mo ba ginagawa ang lahat nang 'to? Sobra nang nagawa mo para sa akin! HIndi mo dapat ginawa yun! Hindi ka dapat...."
I started crying. I don't know why.
All of a sudden, niyakap niya ako. Yung yakap na nagsasabing sorry plus please tumahan ka na. I couldn't hug him back. Gulong-gulo na ako. HIndi ko na alam ang mga nangyayari. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Bakit nga ba ako umiiyak? Bakit nga ba ako ganito? Bakit nga ba ganito ang nararamdaman ko?
Hindi kaya
.
.
.
mahal ko rin siya?
Na mahal ko naman talaga siya nung una pa lang.
-----------------------------------------------------------------------------------------------
A/N: Ayan na po ang prologue. Yan po ang magiging basehan niyo kung sino ang makakatuluyan ni Em sa huli. Feel free to comment of your reactions mapa-positive or negative man yan ok lang po :) Comment din kayo kung may hula na kayo or kung sino ang gusto niyong makatuluyan niya. Hope you like the story :) Thank you for reading :)