"Bakit ba sa lahat ng tao, ikaw pa? Ikaw pa bestfriend? Akala ko ikaw yung taong matatakbuhan ko kung ako ay nasasaktan. Akala ko isa kang mabuting kaibigan pero nagkamali ako."
-Ayla
◇
◆
◇
◆
Chapter 1
AYLA
"M-magandang u-umaga sa inyong lahat" tarantang sabi ko habang nasa lugar ako kung saan lahat ng mata ay nakatingin sa akin. "Ako po si Ayla Jane Sarmentejo, 13 taon na ako" sabi ko habang pinakikinggan ang mga palakpak ng mga kaklase ko. Hayy. Madali lang palang sabihin yun. Bakit ba kasi ako yung unang pinili ni Mrs. Amparo na magpakilala sa buong klase.
Pagkaupo ko, bigla akong hinila ni Jill "Aba aba hindi na nahihiya ang bestfriend ko at siya pa tong unang nagpresenta kay Mrs. Amparo" sabi niya habang ngumingiti na para bang may nangyaring kakaiba para sa kanya. "Alam mo naman Jill diba na hindi ko kaya yang sinasabi mo." Buwelta ko sa kanya habang nakangiti.
Si Jill ang bestfriend ko na masayahin, maganda at mayaman katulad ko pero hindi na kasali ang masayahin at maganda. Meron din naman akong laman-sa-utak. Ang eskwelahan namin ang pinaka mamahaling eskwelahan sa buong Manila. Dito lang naman matatagpuan ang mga tagapagmana ng iba't-ibang companya sa Pilipinas at kasali na doon ako. Ang pamilya namin ang nagmamayari ng isang enterprenyusong kompanya ng mga bank kaya walang hinayang kung bakit dito ako nag-aaral.
"Hayy. Hindi ko talaga gusto ang First-Day-of-Class. Nakakapagod. Mas nakakapagod pa ito kaysa sa PE excercise natin." reklamo ko habang naglalakad kasama si Jill. "Ganun? Alam ko naman Ayl kung bakit ka ganyan. Kasi nga mahiyain ka diba." Sabi niya sa akin habang tumatawa.
"Napansin mo ba yung bagong kaklase. Si si Ked? Ano yun?" Tanong ni Jill sa akin "Si Kenneth?" Sagot ko sa kanya. "Ahh, Kenneth. Heheh. May napansin kabang kakaiba sa kanya? Siguro bading yun." Sabi niya sa akin na may tono nang panghihinayang. "Ano kaba Jill, hindi mo pa siya kilala. Maghintay kalang, baka ika sampung manliligaw mo na yun." Ito kasi si Jill, sa sobrang kabaitan at kagandahan halos lahat ng kaklase naming lalaki ay may pagnanais sa kanya. Bilib nga ako sa kanya. Hayy, sana ganyan din ako ka ganda at masayahin. Inaamin ko nagseselos din ako sa kung anong meron kay Jill.
"Ganito talaga basta first day of class, puro introduce-yourself-infront" sabi ko kay Jill habang kinukuha ang mga libro sa locker. "Sa puro introduce-yourself-infront mas nacucutan ako kay Kenneth" pag-amin ni Jill sa akin. Natawa ako saglit. Ganyan talaga si Jill, kaya gustong-gusto niya ang mga First Day of Class eh. Pero napapansin ko din naman na cute si Kenneth yun ngalang mukhang playboy. Hindi ko kaya siya type. Huh? Ano ba tung iniisip ko? "O, bakit hindi ka makasagot Ayl? Gusto mo na ba siya huh? Uyyy. Namumula si Ayl" biro niya sa akin habang tinuturo ang namumula kong pisngi. Napaka wrong-timing naman oh. Bad trip. Baka 'blockmail' na naman to.
◇◆◇◆◇◆
Pumunta muna ako sa library habang si Jill naman ay dumiretso sa canteen. Nagugutom na naman yun. Mmmm, napakabango talaga ng amoy ng mga libro. Pag pasok ko palang yun na ang napansin ko. Dumiretso kaagad ako sa general fiction area, gusto kong bumasa ng 'iba' yun ngalang nasa itaas eh, makakuha na nga ng umupan. Teka, nakalimutan ko meron na palang CCTV cam dito sa library. Haayy, paano ba ito? Inabot ko ng inabot ang kamay ko para kunin yung librong makapal, sa sobrang kapal hindi ko maipasok ang mga daliri ko sa sagigiliran. Itinayo ko ng maayos ang mga paa ko pero hindi ko talaga maabot. Habang inaabot yung libro may humawak sa kamay ko na nakahaw din sa libro, kinuha niya ang libro at inabot sa akin. Sa wakas! Pero......
"Oh ito, ang kapal naman ng librong 'to" isang boses ang narinig ko sa tabi. Sa sobrang gulat ko na bitawan ko yung libro at natamaan ang mga paa ko. Ang sakit kaya! Yumuko ako para kunin ang libro at napansin ko na yumuko din siya at nabigla nalang ako na nagkahawak na ang aming mga kamay. "Mag-ingat ka miss" sabi niya sa akin "Ako nga pala si Justin Kenneth Andersenn" pakilala niya na may kasabay na ngiti. "Kenneth? Ikaw yung.." hinablot ko kaagad yung libro. "Yung bagong transfer sa school nato. Grabe ang laki. Philippine School isn't that bad after all" Wow ha, english frog pala to este student. "Aba, sinong may sabi na panget ang Pilipinas" sagot ko sa kanya habang nakasimagot. "Oh, sorry as you can see I speak english. Actually I'm a Phil-Am." Sabi nya sa akin. Wow na wow talaga ha, Phil-Am. Sa bagay mukha talaga siya foreigner. "Ahh. O sige na, labas muna ako. Hihiramin ko na lang tong libro gamit ang library card ko. Salamat ha." Pasasalamat ko sa kanya habang inabot ko yung kamay ko para mag handshake. Hinawakan din naman nya ang aking kamay "Nice meeting you miss Sarmentejo" sagot niya sa aking habang nakahawak pa rin kamay namin. At lumabas na ako para puntahan si Jill.
Habang naglalakad papalayo sa library at hawak-hawak ang libro, may biglang sumulpot sa isip ko. T-teka, handshake? handshake?
Aba, at ako pa yung umalok ng handshake. Wow ha lumevel-up na pala tong pag ka not-miss-shy-anymore. Sabagay, eh ang galing ko kaya doon.
Hindi katulad noon palagi nalang akong dumidikit kay Jill sa sobrang pagkahiyain, halos hindi na nga ako kinakausap ng mga kaklase ko. Kaya itong si Jill maraming kaibigan dahil sa sobrang masayahin, marami din siyang manliligaw.
"Uy Ayl! Teka" sabi niya sa akin habang ngumingiti na parang may panghihinayang. "Ano bang nangyari sayo at ang saya-saya mo?" Tanong niya sa akin habang tinutulak ako gamit ang kanyang siko. Talaga bang nakangiti ako buong araw?
"Wala, merong lang akong naisip" sagot ko sa kanya.
"Uyy, sino ba 'tong iniisip mo?si bestfriend inlove na uyy" sabi niya sa akin na may malaking ngiti sa kanyang mukha.
"Anong inlove? Ano ka ba. Bawal bang maging masaya ha?" Sagot ko sa kanya at biglang uminit ang aking mga pisngi. Ayan tuloy tumatawa si Miss Timang.
Teka, habang nagkahawak ang kamay namin ni Kenneth ay may naramdaman akong sabog sa loob ng dibdib ko. Dug dug- dug dug- yun yung tunog. Haaaa. Ibig sabihin kinilig ako doon? Pero bakit, hindi ko kaya siya type noh. Ugh ano ba yan!
◇◆◇◆◇◆
haayyss. sana mey meke pensin sa estorii ko hhehee at pag netepos nang magbese ay sene mag vowt, shere o mag coment hehehe. jeje telege. (●▼●)
Pls Share, vote and comment.....
Hehehe fwelleeer..
Tnxxxxxx
BINABASA MO ANG
Bakit Bestfriend Ko Pa?
Teen FictionAyla Sarmentejo at Jill Magubao. Sila ang mag-bestfriend na halos pareha na ang estado nila sa buhay, mayaman, matalino, masayahin at maganda pero para kay Ayla wala siyang kagandahan at masahaying mukha. Tanggap naman niya ang medyo pagkaiba nila s...