Hello.. 3 POVs will be in this story because of their so called situation 'love triangle'
Spare time to SHARE N COMMENT..
Tnx.. Enjwoy!
◇◆◇◆◇◆
KENNETH
"Alam mo, cute ka sana kung hindi ka lang pahamak, matatakutin at nerbyosa"
Saan ba nanggaling 'yung sinabi ko? Totoo ba 'to?
"Good morning class!" Sigaw ni Mrs. Amparo habang hinihintay ang buong klase na tumahimik.
"Good Morning Mrs. Amparo" sabay-sabay na pagsagot. Eto na naman tayo, 'get your books then open to page blah blah'. At sakto nga ang inisip ko, 'yan nga ang inutos ni mrs. Amparo. Sa gitna ng pag 'scan' ng book biglang bumukas ang pinto ng malaki at sumulpot ang estudyanteng late na kailangan magpaliwanag sa guro.
"G-good m-morning Mrs. Amparo" halhal na bati ni Jill. "And why are you late Ms. Magubao? It's the first week of your high-school life and you're late? biglang tumayo si Mrs. Amparo at tinanong si Jill.
"Sorry po ma'am hindi na po mauulit, promise Hanestooo" sagot ni Jill, natawa kami sa sinabi niya.
Nakakatuwa naman to si Jill, maganda na hindi pa mahiyain. Pagkatapos nilang mag bangayan ni mrs. Amparo umupo kaagad si Jill sa kanyang upuan katabi si Ayla.
Naalala ko tuloy ang nangyari kaninang madaling umaga.
RRRRIIIIINNNNGGGG
Pagkatunog pa lang ng bell ay dumiretso na kami sa canteen para mag recess. Gaya pa rin ng dati, ako lang mag-isa. Talaga bang walang papansin sa akin, maliban kay Ayla?
"Hey bro, pwede dito nalang kami wala na kasing bakante?" isang matangkad na lalaki ang tumabi sa akin, mukhang pareho lang ang aming height. Tinawag niya ang kanyang mga kasamahan, mukha silang mga varsity players ng school. Sa sobrang sikip, napilitan akong tumabi sa gilid.
"Pasensya ka na bro ha, wala na talagang space" sabi ng isa niyang kasamahan.
"New student ka ba dito?" tanong nung isa.
"Ah oo, grade seven" sagot ko sa kanila at ipinalabas ko ang fake smile ko, style ko lang 'yun.
"Matangkad ka. Aba, timing lang dahil kulang kami ng isang miyembro ng basketball team namin. Marunong ka bang mag basketball? Ay teka bago muna 'to, ano ba pangalan mo?" Tanong nung isa. Sinabi ko sa kanila ang pangalan ko at inamin ko din na varsity player ako sa dati kong academy. Pagkatapos naming magpakilala sa isa't isa, tinanong nila ako kung papayag ba ako sa alok nila na pumasok sa basketball team. Walang choice eh kaya pumayag na ako, paboritong sport ko kaya ang basketball. Salamat naman at may pumansin sa akin, tiyak pang plus points ito sa mga babae kung sasali ako sa team nila.hehehhehe.
"May sign-up campaigne mamaya para sa basketball, pumunta ka lang sa basketball court at hanapin mo kami." Alok nung isa, bigla silang tumayo at nagpaalam na sa akin. Tumayo na rin ako bitbit ang dala kong tray.
Habang naglalakad may nabanga akong estudyante, sa sobrang lakas ng banga namin ay nadulas siya habang dala-dala yung tray niya na may juice at spaghetti. Medyo malakas yun, dahil nadulas din ako. Bang. Pagkadilat pa lang ng mga mata ko, nakikita ko ang mga estudyante sa paligid na tumitingin sa akin yung iba nakatingala lang. Doon ko lang na realize na si Jill 'yung nabangga ko at napahapa siya sa ibabaw ng katawan ko. Sobrang lapit na ng mga mukha namin sa isa't-isa.
Pinigilan niya yata ang pagkasandal sa akin para hindi siya ma-out-of-balance at baka...... At ayun may isang estudyante rin ang hindi tumingin sa dinadaan, mukhang nerd, at natamaan niya yung kamay ni Jill at... at.... Nagkadikit na ang aming mga labi....
Bigla niyang itinanggal ang kanyang labi mula sa akin at natulala. "P-pasenya ka na, K-kenneth." sabi niya na may tonong iiyak. At nag walk-out din, sinundan siya ng kanyang bestfriend papalayo sa canteen. Napangiti nalang ako habang tinitingnan silang dalawa.
AYLA
Pagkatapos ng nangyari, sinundan ko si Jill palabas ng canteen. Sinundan ko lang siya at umabot kami sa may garden ng school, ayokong mag cutting class pero gagawin ko para kay Jill. Hanggang sa pag-upo niya sa may swing naririnig ko pa rin ang kanyang pa-iyak. Hindi ko siya nakitang umiyak ng ganito noon.
"Ang malas ko naman Ayla" sabi niya sa akin, pinupunas niya ang kanyang mga luha na patuloy pa ring pumapatak sa kanyang pisngi.
"'Wag ka nang malungkot, medyo nakakahiya 'yun pero nandito lang ako Jill" sagot ko sa kanya.
"Nasira tuloy yung first kiss ko! Hindi kasi ako nag-iingat! T-teka, mukha yatang si Kenneth ang dahilan ng lahat ng ito! Humanda siya sa akin"
"Hindi naman yata sinasadya ni Kenneth ang nangyari. Tsaka yung lalaking nadulas, imbis makakatayo ka na eh natapilok siya sayo at... yun....yung yung nangyari."
Hindi na niya pinakinggan ang sinabi ko at dumiretso siya sa room. Cool ka lang Jill, huwag kang gagawa ng escandal.
"Humanda 'yang Kenneth sa akin" rinig- na -rinig ko ang sinabi niya. Matapang talaga 'tong si Jill
◇◆◇◆◇◆
JILL
"JUSTIN KENNETH ANDERSENN!" Sigaw ko habang itinulak ang pintuan. Huh? Bakit? Napanganga ako sa nakita ko!
"P-pasensya na po Ms. Zel, heheh, wrong classroom pala tong pinasukan ko, hehehe.. Hehe.hehe" napahiya ako!?! 'Yung kabilang section pala ang pinasukan ko, at sumigaw pa!!
"Malas malas malas malas malas...." Paulit-ulit kong sinabi yung 'malas'.. Pagpasok ko lang sa 'totoong' room namin, eh walang tao... ? Nasaan na ba sila, tsaka si Ayla nasaan na?
Huh? Aaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhh! History class pala namin ngayon, patay late na ako... At yung subject teacher na sobrang..sobrang.. Sungit!!
Pag late, sit-on-the-air. Pag absent o hindi pumasok sa class niya, go-to-the-guidance-office!!.
"Patay patay patay patay patay patay"
"Ms. Magubao?"
"Buhay na patay!!?" Nagulat ako doon ha, bigla-bigla nalang sumusulpot 'tong principal namin.
"Ay, Mdm. Delasco pasensya na po"
"Bakit ka ba nandito, roaming around the corridors is considered as cutting classes!" Sabi niya sa akin habang ang kamay niya ay nasa bewang niya.
"Naliligaw lang po."
"Naliligaw? Eh since grade one ka pa dito Jill. "
Oo na talo na ako, nakakainis naman ito at siya pa ang prenangkahan ko na mag 'lie'.
"Sorry po sorry po, na late lang po talaga ako sa history class namin, takot po ako kay Mdm. Fronzo" pagpaliwanag ko sa kanya at napaluhod ako.
"Tsk. That's a bad habit Ms. Magubao, fine I'll guide you to your class."
"Sige po!" Sayang-sayang sabi ko "ay este okay po" inibahan ko yung tono.
◇◆◇◆◇◆
Hahahahahhahah LOL
From the previous chapters maiiksi lang yung laman.. Heheheh.. Sorry.. Maybe next chapters will be long enough for sure hindi bitin.....
medyo corny dibaaaa?
It's not that funny but I made it with EFFORT. XD :*
Hope you like the story..... Hope you like the bidas.... Hope you like everything!! Yey :D
next chapters coming up! ★☆♣♧◆◇♥♡
Comment your views and opinions :))
BINABASA MO ANG
Bakit Bestfriend Ko Pa?
Ficção AdolescenteAyla Sarmentejo at Jill Magubao. Sila ang mag-bestfriend na halos pareha na ang estado nila sa buhay, mayaman, matalino, masayahin at maganda pero para kay Ayla wala siyang kagandahan at masahaying mukha. Tanggap naman niya ang medyo pagkaiba nila s...