Hello :) this is the continuation of my previous chapter... SO ENJOY! Yeh yeh yeh
Anownzzment: sad :( because I still gained 3, as in 3, reads only... How sad :'(
If you are reading this not-so-nice-story, please share, vote n comment. TY TY TY
lwuv, Dandy [•-•]
◇◆◇◆◇◆
KENNETH
Hayy nakakapagod naman talaga ang first-day-of-class. Bakit ba kasi dito ako pina-aral ng grade-seven ni dad eh mas maganda sa States, maraming chicks. Grabe that school cracks the hell out of me, ang laki naman talaga. May dalawang gym tapos may malaking pool pang olympic size. Yung soccer field kasing laki ng mall, wala kayang ganun sa US. Sa araw na 'to walang pumapansin sa akin, kung sa bagay new student. Pero meron yatang isa, ah oo nga! Si Ayla. Kailan ko kaya makikilala si Jill, ang ganda niya.
Buti na lang na sa front row ako dahil talagang namumukaan ko yung mga kaklase ko na nag-iintroduce ng kanilang sarili.
"Kenneth, darling what's wrong? Don't you like the food?"tanong ng mom ko sa akin.
Grabe malalim na pala tong iniisip ko.
"No n-no I like it mom"sagot ko sa kanya na may tonong iba para hindi niya mahalata na may iniisip ako.
"Well, how's your first day of class here in the Philippines. I bet you already have friends, don't tell me you don't have yet. Sa gwapong mong 'yan wala pang nagkakagusto sa iyo?"sulpot ni dad. Yup, American 'yan si dad pure na pure pero marunong siyang mag tagalog.
"Dad, it's first day of class" sagot ko sa kanya. Talaga bang 'yan na ang una nyang tatanungin, suppportive talaga sila pagdating sa lovelife ko.
Pagkatapos kumain ay dumiretso na kaagad ako sa kwarto ko. Nag shower muna ako saglit. Pagkatapos mag bihis, humiga na kaagad ako. Talagang ang unang lumabas sa isip ko ay si Jill, cute niya kasi, maganda, masayahin, mayaman at matalino din. Napamangha talaga ako sa kanyang ganda nang una ko siyang nakita sa harap. Sa pagkaka-alam ko ay mag bestfriend sila ni Ayla, well I think they have opposite personalities. Napatulala na naman ako, aba at sila nang dalawa ang iniisip ko. Pumikit na ako at hindi na malayan na nakatulog na ako ng mahimbing.
"Thank you manong" pasasalamat ko sa aming driver na inihatid ako sa school. Lumabas kaagad ako ng kotse, at dumiretso na sa classroom. Aba, maaga ako ngayon. Pagpasok ko ako lang mag-isa pero meron na yatang nauna. Sa isang upuan katamtaman lang ang layo sa kinauupuan ko ay may bag nang nakalagay. Hindi ko talaga matandaan kong sino ang nakaupo dito. Wala akong magawa kun di umupo nalang at hintayin ang ibang estudyante o yung estudyanteng nakaupo sa bandang likuran. Tiningnan ko yung orasan at nagulat nalang ako nang makita na 6:00 pa pala, kaya naman pala nagtataka sila mama at papa kung bakit maaga ako. Ganito ba talaga ako ka tanga?
AYLA
"Haayyy, ang ganda talaga ng feeling ng ikaw ang naunang pumunta sa school, parang feeling mo ikaw ang reyna. Hahahaha." naririnig ko ang sarili ko habang nag-aayos ng buhok ko sa loob ng ladies' room. Mukha na akong baliw dahil kinakausap ko na ang sarili ko.
"Ayan, tapos ng magsuklay" at dumiretso na sa classroom.
Binuksan ko yung pintuan, at may pakanta-pakanta pa, umupo kaagad sa upuan ko na nasa bandang likuran. Naririnig ko na naman ang sarili ko na kumakanta, medyo iba ang tono.
Habang nag-aayos ng mga gamit sa loob ng bag ko ay may narinig akong isang malakas na tunog.
Sa sobrang lakas ay napasigaw ako ng bonggang-bongga. "Aaaaaaaaaaaahhh" siguro may mumu dito! Nang napatingin ako ay may biglang gumalaw sa bandang harap, isang tao ang humarap sa akin na mukha galing lang katutulog. Kumuha kaagad ako ng gunting na nasa loob na table ko at tinutukan ko yung tao.
"A-no ano yung narinig ko?" Tarantang tanong niya habang nakatingin sa akin. Nakakatawa naman ang mukha ng mumung to, pulang-pula ang mga mata, kakagising lang ata nito galing sa kamatayan.
Pero, parang namumukaan ko siya. T-teka lang.
"Ayla, ba-" bago pa siya magpatuloy sa pagsasalita ay sumigaw uli ako "Bakit alam mo ang pangalan ko! Tulong Tulong!" sumigaw ako hanggang sa dulo ng paghinga ko.
"Tulong! Tul-" bago pa ako sumigaw uli ay tumakbo siya papunta sa akin at tinakpan ang mga labi ko gamit ang isa niyang kamay at ang isa ay nakahawak sa bewang ko. Pilit ko siyang itinulak papalayo sa akin pero ang lakas niya.
"Ayla? Bakit ka sumisigaw?" Tanong niya sa akin habang tinatakpan pa rin ang mga labi ko, parang pamiliar yung boses.
Hindi ko siya kayang tingnan dahil baka ma 'hypnotize' ako ng 'di oras.
"Ayla, tingnan mo ako. Ako si-" Binuksan ko ang mga mata ko, hindi ko alam kung bakit, pero binuksan ko pa rin. Tumingin ako diretso sa mga mata niya, at nagulat nalang ako nang makita si s-i ss-si Kenneth.
"Kenneth?" gulat na tanong ko sa kanya
"Oo, ako nga. Bakit ka ba sumisigaw?"
"Pero, anong ginagawa mo diyan, s-saan ka galing? Teka, ano ba talagang nangyari?"
"Maaga akong pumasok kaya habang naghihintay sa iba nating kaklase ay nagpahinga muna ako, eh hindi ko nga namalayan na natutulog na pala ako. Tanong ko lang, nakarinig ka na ba ng hilik?" sagot niya sa akin habang may ngiting naka guhit sa kanyang mukha.
"At bakit ka nakangiti? Alam mo ba muntik na akong mamatay dahil akala ko isa k-" bigla siyang yumuko at tinutukan ang mga mata ko, ano ba 'tong ginagawa niya. Teka, baka gumagamit na siya ng kapangyarihan niyang mag 'hypnotize'.
Biglang may tumunog sa loob ng dibdib ko, eto na naman, dug-dug dug-dug. Tulong tulong gusto ko na namang sumigaw, grabe ang gwapo niya pagmalapitan.
At, isa pang pahamak, biglang uminit ang mga pisngi ko. Tumalikod kaagad ako para hindi niya makita ang pagmumula ng pahamak kong mga pisngi.
"B-bakit ka nakatingin sa akin ha? Kenneth?"
"Alam mo, cute ka sana kung hindi ka lang pahamak, matatakutin at nerbyosa" sabi niya sa akin sabay lumabas ng classroom.
Mas tumindi ang pamumula ng mga pisngi ko. Ano ba 'tong nararamdaman ko at sino siya para asarin ako, pero sabi niya cute daw ako. Huminga ako ng malalim, malalim na malalim, ito na ba ang katapusan ng buhay ko este simula ng buhay ko. Kailangan itong malaman ni Jill, pero baka tuksuhin niya ako.
◇◆◇◆◇◆
Hello everyone.. Ahemm.,,
this is the story I promised. Well, it didn't make a difference.
But there is one actually. Hehehhee. From English it is translated to Tagalog. Sorry for all the twitches here and there...
y so sed? 13 reads and counting oh yeah *--*
XD have fwun!
BINABASA MO ANG
Bakit Bestfriend Ko Pa?
Novela JuvenilAyla Sarmentejo at Jill Magubao. Sila ang mag-bestfriend na halos pareha na ang estado nila sa buhay, mayaman, matalino, masayahin at maganda pero para kay Ayla wala siyang kagandahan at masahaying mukha. Tanggap naman niya ang medyo pagkaiba nila s...