Dribble # 10

26.5K 623 54
                                    

"Aray!" ang agad kong sabi na ikinataranta nya.

"Bakit? Napa ano ka?" ang sabi ni Khymer at lumapit.

Oh my gawd! O tukso,layuan mo ako!

"Wala." ani ko at tumingin na lang ulit sa Tv. Ang sakit tuloy ng dila ko.

"Anak! Khymer! Tara na at magtanghalian!" sigaw ni Mama. Tumayo na kami at pinatay ko na ang Tv.

"Wow ang bango tita mukhang masarap yan ah?" ani Khymer ng maupo na kami sa hapag.

"Masarap talaga,kasing sarap ko kaya patay na patay sa akin ang asawa ko." ani Mama na ikinatawa ko.

"Sige mama magbuhat ka ng sariling bangko."

"Tumigil ka! Yun ang totoo! Alam ng kuya Tooya mo yan."

"May kuya ka?" biglang tanong ni Khymer habang naglalagay ng sabaw sa kanyang kanin saka sya humigop ng sabaw. "Panalo to Tita ang sarap!"

"Nang uto pa. Sige kumain na tayo." nakangiting sabi ni Mama. Napaka awkward ng pakiramdam ko,pati sa bahay kailangan kong magpanggap,pati sa harap ng mga magulang ko.

Help me Mother Silveria!

"Oo may kapatid ako,nasa ibang bansa. Dun nagtatrabaho." ang sagot ko naman at nagsimula na ding kumain. Ang sarap humigop ng mainit na sabaw lalo na at ang lakas ng hangin at ulan sa labas.

"Kamusta na kaya ang pamilya ko? Sinabihan ko sila sa text kahapon na lumipat na muna sa evacuation center." out of the blue ay sabi ni Khymer. Naawa tuloy ako sa pamilya nya,sya ligtas dito,pero ang pamilya nya hindi namin alam.

"Bakit hindi mo sila tawagan tol?" ani ko,biglang nasamid si Mama kaya pinanlakihan ko sya ng mga mata.

"Wala akong load tol eh. Hindi din naman tayo makakalabas dahil sa panahon at siguradong wala ding bukas na tindahan." ani Khymer na napahawak pa sa batok.

Oh my gawd for the 2nd time! Ang gwapo nya lang sa ganon.

"May load ako tol. Tawagan mo mamaya pagkatapos nating kumain." pagtatapos ko sa usapan. Nainis kasi ako kay Mama,hindi maalis ang pagkakangisi,problema ni Mama?

Pagkatapos kumain ay ako na naghugas ng mga plato habang si Mama naman ay chinichika si Khymer,medyo kinakabahan ako kasi baka madulas si Mama,panigurado,sabog ang lahat ng pinaghirapan ko nun.

"Dun muna kayo sa kwarto mo Mickey! Maglilinis ako dito sa baba. Nakakaburyong tong ulan na ito eh." ani Mama kaya niyaya ko na si Khymer sa taas.

Totoo ngang nakakaboring pag umuulan.

"Sa lapag na lang ako matutulog mamayang gabi tol." ani Khymer habang tinitingnan ang buo kong kwarto. Huwag na sana syang magtanong pa ng kung anu-ano dahil nawiwindang talaga ako eh.

"Hindi pa naman gabi tol. Huwag mong problemahin yon." ang sagot ko habang nakaupo sa kama.

"Taga dito din siguro yung crush ko. Sa labas ng subdivision na to ko sya nakita. Tas hindi ko na ulit sya nakita." ani Khymer at tumingin sa akin. Ewan ko ba,pag binabanggit nya ang crush nya naninikip ang dibdib ko.

"Ang dami mong drama tol. Ganyan ka ba pag umuulan? Eto ang phone,tawagan mo muna ang pamilya mo." sabi ko sabay abot sa kanya ng cellphone ko.

"Ang lakas mo mambara tol ah? Ikaw ba wala kang crush?" aniya at kinuha sa kamay ko ang cellphone.

"Meron. Si Kathryn Bernardo!" ang sagot ko kasi baka umentrada pa sya eh,mahirap na.

"Akala ko si Brix eh!"

Ang MVP ng Buhay ko (boyxboy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon