dribble # 12

25.9K 697 65
                                    

"Oh? Ang ganda ganda mo teh! Sikat ka na!" sabi ni Joli ng nasa cafeteria na kami.

"Paanong hindi? Pagsigawan ba naman ni Brix ang I love you Mickey eh." ani naman ni Chammy.

"Ewan ko ba dun!" sabi ko na lang. Aminin ko man o hindi,kinilig ako.

"Paano na ang pagsintang pururot mo kay Khymer?" ani Chivan.

"Itutuloy mo pa ba? O maglaladlad ka na ulit." segunda naman ni Jawo.

"Hindi ko alam. Mahal ko naman talaga sya. Pero kasi nakakapagod ng magpanggap,pero natatakot akong layuan nya ako pag nalaman nya ang totoo." ang frustrated kong sabi.

"Alam naman natin na walang sikretong hindi nabubulgar. Pero naba-bothered ako. This is not a good plubicity,masisira si Brix,mag iiba tingin ng mga tao sa kanya,at ikaw." sabay baling ni Shaye sa akin,bigla tuloy akong kinabahan. "Pwede kang awayin ng mga may gusto sa kanya." dagdag nya.

"Naku ha? Subukan lang nila. Majujudo ko sila." ang sagot ko naman sabay ngisi.

"Okay." ang sabay sabay nilang sabi na ikinakunot ng noo ko.

Hanggang sa sumapit na ang dissmissal,oras na para manood ng practice game. Sobrang excited ni Joli kasi daw makikita na nya ang bago nyang crush. And it turned out na si Chandler na daw ang crush nya,wala daw syang pag asa kay Khymer dahil kung ako daw nganga,sya baka mas nganga.

Ang dami ng tao sa gymnasium,ibang school na naman ang kalaban nila para sa practice game.

Mabuti na lang at nakasiksik kami sa bakanteng bleachers. Syempre kaming dalawa lang ni Joli,hindi sumama yung apat.

Kitang kita ko ang team nina Brix at Khymer na abalang nakikinig sa coach nila. Hindi sinasadyang napatingin sa akin si Khymer,bumilis ang tibok ng puso ko lalo na nung ngumiti sya.

Shet. Kaya ko bang sabihin sa kanya ang totoo? Kaya ko bang mawala sya sa akin.

Napatingin din bigla si Brix,ang laki ng ngiti nito ng makita ako. Laking gulat ko ng mag flying kiss ito. Nagsigawan ang mga babaeng kasama namin sa bleachers. Ako naman ay hindi ko maintindihan ang kilig na naramdaman.

"Mga ambisyosa! Para kay Meekz ang flying kiss na iyon. Hindi para sa inyo." singhal ni Joli sa mga babae kaya napatigil ang mga ito sa pagtili at pagtutulakan.

"Pabayaan mo na sila! Manood na lang tayo." suway ko kay Joli.

Pagtingin ko ulit kina Brix ay tumatakbo na sila papunta sa gitna ng court para sa jump ball.

Pumito na ang referee at nagsimula na ang laro.

"Go CHANDLERRR! I labyoooww!!" malakas na sigaw ni Joli ng mapunta kay Chandler ang bola. Hindi ko tuloy mapigilang mapangisi.

Nang mas gumaganda na ang laban ay napatayo ako at napasigaw. "Go Brix!!"

Napangiti si Brix kahit hindi nya ako tinitingnan. Pinasa nya ang bola kay Khymer,hindi ito nasalo ni Khymer dahil nakatingin sya sa akin. Napaupo ako at na guilty.

Pero dahil likas na magagaling ang aming varsity team ay nanalo sila.

Niyaya ako ni Joli na puntahan sila sa locker room. Ayoko sana pero hinila na ako ni Joli at wala na akong nagawa.

"Anong nangyayari sayo Khymer? Ikaw pa naman ang team captain." boses iyon ng coach nila. Napatigil kami ni Joli at nakinig.

"Pasensya na coach. Hindi na po mauulit." mahinahong sagot ni Khymer. Nagkatinginan kami ni Joli.

"Dapat lang. O sige na,mauna na ako sa inyo." sabi pa ng coach nila. Maya maya ay lumabas na ito sa locker room. Tiningnan lamang kami nito at nagpatuloy na sa paglalakad.

Ang MVP ng Buhay ko (boyxboy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon