Dribble # 21

23.9K 549 61
                                    

Dumating ang araw ng final game. Last na ito dahil sem break na pagkatapos. Nanghihinayang lamang ako na hindi namin makakasama si kuya Tooya,bumalik na kasi sya sa ibang bansa after nung outing.

Nandito kami sa likod ng gymnasium at sinusuportahan ang kagaguhan ni Jolikor.

"Porket improving ang relasyon nyo may ganyan na?" ang agad na puna ni Chammy kay Jolikor.

"Atleast may effort! Hindi gaya ng iba dyan,porket sinasamba ng dalawang lalaki ay hindi na nag e-effort." sagot nya.

"Bakit ako na naman? Sirain ko yan!" ang pang iinis ko dito.

"Teh,hindi porket bumalik ka na sa pagiging maganda ay sisirain mo na ang pinaghirapan ko."

"Dami mong satsat. Nasan ba ang dalawang lalaki?" ani Shaye dito,ngunit ako na ang sumagot.

"Kumuha ng sasakyan na gagamitin natin papuntang araneta." ani ko. Dinukot ang phone ko at wala man lang text galing kay Brix,but its okay. Nakapag decide na ako na manalo o matalo man sila ay sasagutin ko pa din sya.

Nasa ganon akong pagtingin sa phone ko ng lumabas sa screen na tumatawag si Khymer,agad ko itong sinagot.

"Hello,Khymer? Napatawag ka?" at agad nagtinginan sa akin ang tatlo. Pinakalma ko ang sarili ko,hindi pa din nawawala yung pagmamahal ko sa kanya,pero nag usap na naman kami diba? Gusto nyang magkaibigan na lamang kami kaya paninindigan ko na si Brix,tutal ay mahal ko din ito.

Posible pala talaga iyon,magmamahal ka ng dalawang tao,pero isa lang ang dapat panindigan,alam kong hindi mawawala ang damdamin ko kay Khymer pero unti unti na kasi itong napapatungan ni Brix.

"I don't think I can make it. Hindi ako makakapaglaro,may biglaang nangyari dito sa bahay." aniya. Natunugan ko ang panghihinayang nya,maging ako ay nanghinayang din.

"Bakit? Ikaw pa naman ang Mvp at Captain Ball nyo? Ano bang problema? Alam na ba ito ng mga ka team mo?" ang nag aalala kong tanong. Tiningnan ko yung tatlo at nakatingin pa din sila sa akin.

"Problemang pamilya. Uhm,oo tinawagan ko na si Coach. Pinagalitan pa nga ako kasi last game na daw ito at mawawala pa ako. Pero nandyan naman si Brix at Chandler pati ang buong team,may tiwala akong maipapanalo nila ang University natin." ang mahaba nyang sagot. Napabuntong hininga ako.

Naalala ko na mahirap nga lang sya at baka problemang financial ang pinagdadaanan nila.

"Matutulungan ba kita?" pagkuwa'y tanong ko.

"I don't think so. Problemang pamilya eh. Pero sige na,bye!" at naputol na ang tawag.

"Anyare?" agad nilang tanong.

"Hindi makakapaglaro si Khymer,problemang pamilya." simple kong sagot.

"Nu ba yan! Kulang na ang ball trio! Kainis!" ang pagmamaktol ni Jolikor.

"Tapusin mo na lang yang ginagawa mo." ani Shaye at bumaling sa akin. "Every break ng game ay sasayaw kami,sumigaw kayo huh?"

"Oo naman! Para sa inyo ni Chammy at para sa buong Pep Squad." nakangiti kong sagot.

"Yan ganyan nga Meekz!" pagsali ni Chammy. "At ikaw Jolikor habang chinicheer mo ang sayaw namin gusto ko kita ang ngalangala at tonsil mo! Tititigan talaga kita mamaya!"

"Grabe ka teh? Baka madamage lalamunan ko nun! Pano na lang pag sinubo ko na ang junjun ni Chandler?"

"Kadiri ka!"

"How gross!"

"Oh,ayan na pala ang dalawa." sabi ko pagkatapos tumawa at ng mapansin kong parating na sina Jawo at Chivan.

Ang MVP ng Buhay ko (boyxboy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon